Chapter 29. Visitors!

13.8K 378 1

"YOU ARE WHAT?!"

Aray ko naman...

Makasigaw naman sa telepono, tinalo pa ang loudspeaker.

"Kumalma ka nga..." sabi ko habang inililipat sa kabilang tenga ang celphone.

"HOY, TWILIGHT ALONZO. THE LAST TIME I CHECKED, YOU ARE SINGLE. Dyusko! Pagbalik ko pala galing Canada, may boyfriend ka na? AT ANO KAMO? HE ASKED YOU TO MARRY HIM? My goodness! Alam na ba ni Dove yan?" sermon ni Cheese na nasa kabilang linya.

Kagagaling na naman niya sa isang business trip. Noong huli kaming magkausap ay galing siya sa Korea.

Hays...Kaya nga hinintay ko na makabalik ng Pilipinas ang mga BFFs ko para ikwento sa kanila ang lahat-lahat...sermon ang inabot ko.

"Hindi pa nga...hihintayin kong makauwi siya. Kailan ba kasi ang uwi niya?"

"Next month! Pupunta ako diyan next week para masabunutan kitang babae ka. Sino yang lalaking yan? Siraulo ba yan? Kilala mo ba ang pamilya niya? Paano kung psychotic pala yan? Naku!"

"Cheese...calm down. I'll tell you everything pagpunta mo dito, ok?"

"ABAH DAPAT LANG! Iharap mo sakin yang boyfriend mo at nang makaliskisan ko nang mabuti."

Parang sa oras ding iyon ay nawala ang pagkasosyal ni Cheese at nag-asal nanay na lang.

Natawa ako. Hays...parang nanay. Kahit kailan talaga, walang tiwala sa kahit na sinong lalaki ang babaeng 'to.

Naiintindihan ko naman ang kaibigan ko, pero kasi minsan...medyo overreacting siya pagdating sa pagjojowa. Dove got the same reaction from her not long time ago.

Wala tayong magagawa, ganyan magmahal ng kaibigan ang BFF namin, and we won't change a thing.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago nakuntento sa sermon niya si Cheese. Nang sa wakas ay naibaba ko rin ang telepono, tumunog naman ang doorbell ko.

Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.

Ah...sino pa ba ang walang sawang bibisita sakin anytime?

Inabot agad niya sakin ang isang long-stemmed rose.

"Happy monthsary!" saka siya lumapit sakin.

Hinapit niya ang bewang ko and then he kissed me passionately in the lips papasok sa unit ko.

Dyusko po! Heto na naman tayo!

"Hep hep!" pigil ko sa kanya nang makapasok kami.

He was wearing his usual pambahay, white shirt at black jog pants.

Mukhang kaliligo lang niya dahil amuy na amoy ko ang panlalaking sabon niya at mamasa-masa ang buhok niya.

"Have you decided yet when you will say I do?" he teased me playing his thumb in circular motion on my cheek.

"Yeah...about that...Remember my two bestfriends that I've been telling you about?"

Sandali siyang nag-isip at tumango.

"Uh-huh. Dove, the fashion designer and...Cheese, the businesswoman?"

"Yes..."

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!