Chapter 31. O_O

13.5K 338 2

Sunday...

Naisipan kong maggrocery. Pumunta si King sa resto-bar nila. Dahil nababagot ako ay napagdesisyunan kong gumala muna.

Mabilis lang akong naghanda, pasado alas nuebe na ng umaga at magluluto pa ako ng pananghalian.

Pagdating ko sa supermarket ng mall ay kumuha agad ako ng mga kailangan ko. Napangiti pa ako nang maalala kong sa mismong supermarket na ito kami unang nagkakilala ni King.

Sino ba ang mag-aakalang 'love at first fight' ang nangyari samin? ^__^

Hershey bar.

Ang dahilan kung bakit kami nagkabungguan. Dali-dali akong kumuha ng chocolates at nang makakuha ako ay may biglang bumunggo sakin, dahilan para mahulog ang mga chocolates.

"Ouch!" hinaing ng babaeng bumunggo sakin.

Pinulot ko ang mga nahulog at hinarap ko ang babae.

"Sorry..." hingi ko ng dispensa kahit pa ako ang naagrabyado.

"Hey, I know you!" maarteng tugon niya.

Tiningnan ko siya sa at lihim na napasinghap nang makilala ko ang bumunggo sakin.

Of all places...

"Lalaine..."

"Yes. It's fancy meeting you here. How dare you para bungguin mo ako nang ganoon?"

Wow! Ako na pala ang may kasalanan ngayon?

"I said I'm sorry, and for the record...ikaw ang bumunggo sakin." mahinahong sagot ko.

Hindi naman ako nagagalit sa kanya, hindi rin naman ako naiinis. Ang hindi ko lang malaman ay kung bakit ang laki-laki ng galit niya sakin na parang ultimo paghinga ko ay isang napakalaking kasalanan ko pa.

"How dare you---"

"I saw that. You deliberately pushed your way through. You should be the one apologizing to her."

Napalingon kami pareho sa nagsalita.

"Jerome..."

"Ugh. Seriously." si Lalaine na walang anu-anong nag-exit na lang.

Magsasalita pa sana si Jerome pero pinigilan ko na lang.

"Hayaan mo na."

"Tss. Ang bait mo naman kasi masyado para hayaan mong ganunin ka na lang. By the looks of it, you know each other?"

"Ah..oo."

"She wasn't like that, you know. Akala mo kung sino siyang mabait noon. Nakatikim lang ng yaman, hindi na tumapak sa lupa."

"Matagal mo na siyang kilala?"

"Of course. Like you, hindi na kaila sa aming mga empleyado ng MIC ang relasyon nila. Everything was fine then, they were both happy. Until..."

"Until...?"

"Anyways, yan lang ba ang mga kakailanganin mo?"

"Ah, oo."

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!