Chapter 13. The knight of the night.

15.1K 462 11

Ang bilis talaga ng araw. Matatapos na naman ang week na 'to.

Byernes na naman. Still no sign of dark king coming out of his throne.

Minsan lang siya lumabas. Malapit na ang time out at sa palagay ko ay mago-overtime na naman siguro siya.

Wala na akong masyadong ginagawa. Gusto ko lang talaga siyang hintayin para kapag may ipagagawa pa siya eh, andito lang ako.

Talaga lang ah...

Biglang tumunog ang intercom.

"Coffee."

Hah! Himala!

Parang sampung taon na ang nakakalipas nang huling magpatimpla ito ng kape.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Pagkakataon ko nang makita siya ulit.

Ah...my heart...you're doing it again.

Dali-dali akong nagtimpla ng kape. Pinasadahan ko pa sandali ang repleksyon ko sa salamin.

Geez... Para akong teenager na excited makita si crush.

Crush...maybe it's just plain crush.

Pagkaraan ay papunta na ako sa lungga ni dark king tangan ang masarap kong kape.

Binuksan ko ang glass door and...

Oh yes...

Whenever I see him, it's like it's always the first time.

Dug-dug. Dug-dug.

Stop dancing, heart!

"I need you to arrange this for me."

Pagkatapos kong ilapag ang kape ay may inabot siya saking folder.

"After that, you can go."

"Yes, Sir."

Pagkatapos ay lumabas na ako. Pagbalik ko sa office ko ay hinarap ko na ang ipinagagawa ni dark king.

Tic toc. Tic toc. Tic toc.

Inabot ako ng hanggang alas otso. Pero di bale, ayos naman dahil nasilayan ko kahit sandali si dark king.

Tumunog ulit ang intercom.

"Are you done? Bring the folder back to me."

"Yes, Sir."

Hah! For the second time around. Tumayo na ako at pumunta sa office niya dala ang folder.

Pagbukas ko sa glass door ay...

Oh yes...

Never akong magsasawang tingnan siya.

That black unruly hair...and the dark mood...

*Heavy breathing...

"You can go now." sabi ni dark king pagkatapos niyang kunin sakin ang folder.

Kahit pa nanghihinayang ako sa moment ay ayoko namang maulit ang nangyari kahapon. Ayoko nang masigawan ulit kaya mag-eexit na ako.

"What time is it?" di ko inaasahang tanong niya.

"Around 8:00, sir."

"It's late."

Bigla naman yata siyang ginanahan magtanong kung anong oras na?

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!