Chapter 9. Doom's day

15.6K 459 5

"Now you know that my name is not Mr. Whoever-You-are, let's start with your proper apology."

Hello Doom's day...

Hindi pa man ako nakakapagsimulang magtrabaho ay parang sesante na ako. Kung bakit kasi hindi man lang ako nag-research o nagtanung-tanung man lang kay Cheese ang tungkol sa MIC...lalung-lalo na tungkol sa taong nagpapatakbo nito.

Tss... Ang sarap pilipitin ang leeg ko sa kahihiyan at iuntog sa pader nang limang beses. Argh!

Ang mas nakadagdag pa dun ay nagkaatraso pa ako kay dark king dahil nga...

Aish!

Natampal ko na lang ang noo ko.

Shit! Saan ko ba naipatong 'yong tapang ko? Akala mo kung sinong matapang, uurong rin pala ang dila. Anu bang meron ang lalaking kaharap ko at parang nilayasan na ako ng kaluluwa ko?

"Well...? Do it again. I wanna see it." si dark king ulit.

"A-ang alin?"

"Your little show yesterday, the curtsey thing. I want you to do it again. Right-NOW."

HUWAT?!

Anu bang gusto ng lalaking 'to at pinapagawa na lang sakin ang kung anu-ano? Mas mabuti pa 'yong ipabit-bit niya ako sa mga guards niya palabas ng building na 'to kesa naman sa sundin ko siya 'noh.

"Let's see... You we're the one who actually bumped into me, your sorry was unapologetic, you used my private elevator and... you assumed that I was following you. How's that for our formal introduction?" dagdag pa niya.

Shemay!

Hiyang-hiya na nga ako,ipinamumukha pa niya sakin. Hindi ko naman alam na may pa-praybeyt-praybeyt elevator pala ang building na 'to. Ang arte-arte naman ng lalaking 'to, kalalaking tao.

Hah!

Kahit siya pala ang magiging boss ko, hindi naman counted sa penalty ko ang nangyari kahapon dahil nga ngayon lang kami pormal na nagkaharap. Malay ko bang siya pala si Xander na ipinagmamalaki ng Mommy at kapatid niya...

Juice Colored! Telengen me nemen eke...

Hinga nang malalim.

Heto na...

Nakapa ko na ang tapang ko

"E-excuse me? SIR..." at idiniin ko ang huling salita. "...c-can I just go? I have no plan on repeating my performance yesterday so please, if I'm dismissed, just say so." sabi ko sa kawalan ng masasabi kasi nga na-corner na ako dito.

Nang biglang tumunog ang teleponong nasa table ni dark king.

Phew! Saved by the bells..

Nakita ko ang inis sa mukha niya nang damputin niya ang telepono at saka sinagot.

"What?!"

Nagulat pa ako sa tono niya nang sagutin niya ang telepono.

"Who?...." tumingin siya sakin. "...yes, she's here... Don't bother, she's fired before I even hire her.... No---fine!..."

Tumingin ulit siya sakin and this time with a devilish grin.

Animal!

Hayun na naman 'yong puso kong parang nag-happy feet! Bakit ba napaka-heavy ng impact niya sakin?

The Elite Men Empire Series: Into The Dark King's LairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!