Chap. 24: Harvest Festival

163 18 12
                                    

[02/13/2021] Here's the very late September 2020 special. (I know it's late pero gusto ko pa rin ilabas 😜) Make sure not to skip chapters!
--

Sa isang open field, samu't saring mga palamuti ang naka-display, nakaayos ang mga mahahabang mesa para sa mga ihahain na pagkain at naka-handa na ang mga prutas para festival mamaya. 

May mga nagkalat din na mga cooking stations kung saan pwede magluto ang mga players. Pre-occupied na halos lahat ng station dahil sa nagaganap na cooking competition.

"Oh eto patatas." Binagsak ni Iris ang isang basket ng patatas sa mesa. Nagkalat sa mesa ang mga ingredients at rekado sa pagluluto, meron 'ding isang malaking pot sa tabi nito. 

Inalis muna ni Kite ang mata niya mula sa kaldero at nakita niya ang isang basket na puno ng mga patatas.

"P-censored yan, sabi ko apat lang, hindi ko naman ipagluluto ang buong village." Reklamo ni Kite.

"Edi iluto mo para sakin, gawin mong fries or roasted potatoes." Suggestion ni Iris, nag-volunteer lang naman siya na mag-farm ng mga ingredients para sa recipe ni Kite. Kasali lang naman kasi ang ating human warrior sa isang cooking contest at syempre gusto makatikim ni Iris.

"Ewan ko sayo." Pero hindi na lang siya pinansin ng babaeng elf.

"Ang cool, may non-combat class pala na Farmer, level 2 na agad farming skill ko oh." Medyo happy si Iris sa kanyang newfound skill. Well at least, may nadagdag sa listahan ng skills niya.

Lahat ng players can farm, ang kailangan lang nila ay seeds and a plot of land na pwede nilang pagtaniman. Pwede sila bumili ng sariling farm land, mag-rent ng isang plot or maki-tanim sa isang wild land. Ang disadvantage lang sa wild land ay pwede kainin ng mga wild animals or kunin ng ibang players ang dapat aanihin mo.

Anyways, dahil sa harvest festival, lahat ng farmers sa Elvenwood ay libre na pinapamigay ang kanilang mga pananim. Kaya naka-dekwat sila Kite at Iris ng mga ingredients para sa cooking contest.

"Baka naman kinuha mo na lahat ng natitirang patatas doon." Sumbat ni Kite habang naghihiwa ng mga carrots.

"Apat lang kinuha ko, yung iba bigay lang sakin."

"Sino? NPC?" Hindi na nasurprise si Kite dahil isa 'nang Town Famous ang kanyang kaibigan na si Iris, meron 'nang favorable impressions ang mga NPC sa kanya. Kaya hindi na siya magtataka kung binigyan siya ng mga NPC-

"Nope, bigay ng ibang players.. ayun oh." Sagot ni Iris sabay turo sa mga players sa kabilang side ng open field. 

From a far, nakita ni Kite ang isa- dalawa- ay apat pala na male players, 'nang nakita nila si Iris ay kaagad silang kumaway. 

Kite: ...

"See?" Kumaway pabalik si Iris, "Sharing is caring." At binigyan siya ni Kite ng isang judgemental look.

"Hindi ka pa nakuntento sa isa, nag-dagdag ka pa ng apat na Elion." Sa isip-isip niya ay nag-transform na si Iris from Wandering Sadist to a Wandering Player.

"Anong isa? Saka anong kinalaman ng lalaking yon dito?" Bakas sa mukha ni Iris ang pagka-lito dahil sa mga sinabi ni Kite.

"Nevermind, iba talaga pag binigyan ka ng make-over." May hula agad si Kite kung bakit lumakas ang charisma ni Iris ngayon sa opposite sex.

Kanina lang ay kinaladkad ni Serafiona si Iris para bigyan ng make-over, hindi naman totally make-up pero ginawan niya si Iris ng isang custom dress dahil 'you need to dress up for the occassion'. Pero aminado naman talaga si Kite na natural na maganda ang kanyang kaibigan at pag-inayusan ito ay talagang mapapalingon ang mga players.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now