Chap. 17: Revenge

472 46 18
                                    


"No shit sherlock."

Pagkatapos sumumbat si Iris ay naramdaman niya na ang unti-unting pag-diin ng espada sa kanyang leeg. 'T-censored ihuhulog din kita pababa ng bundok!' Pero hindi nakakuha si Iris ng death system notification tungkol sa player na sinipa niya, naisip nalang niya na himalang naka-survive ang nahulog na human player. 'Mataas siguro luck.'

Ngayon, iniisip ni Iris na pag diniinan pa lalo itong longsword na nasa leeg nya ay siguradong magkakaroon siya ng bleed debuff, which is a bad news dahil wala siyang pang-kontra dito bukod sa mga HP potions nya.

"Panget mo gago." Sa sobrang inis ni Iris ay nasabi niya ng hindi sinasadya ang mga salita na kinikimkim niya. Lumipas ang ilang segundo at saka palang nag-react ang human player na nag-hostage sa kanya.

Hinintay ni Iris ang reaksyon ng player pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin.

"What?" Nang hindi naglabas ang reaksyon ang player ay inakala ni Iris na isa din tong pinoy na nakakaintindi sa sinabi niya. 'Magpagtripan nga tong ugok na to.' Medyo nawala ang pagka-inis ni Iris ng naisip niya na lokohin ang kalabang player.

"I'm chanting my spell." Seryosong sinabi ni Iris at tinuloy niya ang kanyang sinasabing 'fake' chant.

"Panget panget panget panget panget boom chaka chaka ka." Para hindi mabisto ang pekeng acting ni Iris ay hindi siya nagtangka na tumawa. 'Nasan na ba si Kite pag kailangan ko siya!' (Hello, blinock mo diba?)

"Shut up or else.. I'll slice your neck!"

Iris: ... boo, you tried

'Kung wala lang akong i-mmeet up ngayon, edi sana na PK na kita!'

Nang makita ng player na seryoso si Iris ay bigla siyang kinabahan dahil ngayon palang siya nakakita ng ganitong chant mula sa isang mage. (Mage kuno HAHAHA)

"Pong chuwala chi chi ri kong koila butse-"

"I said shut up!"

"Ni hao ma inihaw na baboy inihaw na isda barbecue banana cue kamote cue saba saging sinigang-" At kung ano ano pang mga pagkain ang pinagsasabi ni Iris. Ngayon, ay natutuwa siya sa kabadong reaksyon ng player dahil sa hindi niya maintindihan si Iris. 'Bakit hindi pa ako pinapatay neto'

Hindi rin malaman ni Iris kung isa ba siyang Player killer kaya napapaisip kung ito ang magiging first PK niya. 'The man who can't PK.'

Habang pinipigilan ni Iris ang kanyang tawa ay bigla siyang may namataan na isang bagay na mabilis na lumilipad sa ere at papunta ito sa kanilang direksyon. Iniisip na matatamaan siya, mabilis na hinablot ni Iris ang kamay ng player kung saan nakahawak ang sword nito.. pero huli na ang lahat ng..

Mabilis na tumama ang pana sa balikat ng Human player na nasa likod ni Iris!

'Arrow!' Dahil nga sa ayaw ni Iris na nasasaktan siya, mabilis siyang pumiglas mula sa pagkakahostage siya. Balak sana ni Iris na tumakas para sa kanyang safety dahil hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang nangyari. 'Player ba yon? or NPC guardian something?' Walang ideya si Iris kung paano ang sistema sa fate, pero malakas ang kutob niya na player ang umatake.

Hindi naman nakakamatay ang isang palaso na nakabaon sa balikat, pero malaki parin ang damage output nito dahil sa pwersa ng pagkakatira, lalo na pag isang experienced ranger ang gumawa ng attack na ito. 'Did someone save me?' Hawak-hawak ang crate of potions, dahan-dahan nagtago si Iris sa likod ng isang puno.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now