Chap. 4: First Kill

719 73 20
                                    


'Shet, ayokong madead agad.' Iniisip ni Iris ang kanyang frail state ngayon, speaking of her state, napatingin siya sa 'armor' niya. May suot-suot siyang white t-shirt at brown leather vest. For the lower part, may suot siyang brown pants at calf length boots. Napakagandang armor for newbies.

Iris: ...

Hawak ang dagger na bigay sa kanya ni Folmon, pumunta siya sa pinaka-edge ng village at maingat na tinahak ang daan papunta sa gubat. Habang naglalakad, hindi niya kinalimutan na maging alerto sa kanyang paligid, lalo't na hindi niya alam ang itsura ng 'blob monster.' Pero dahil beginner level palang naman, hindi niya inaasahan na isang higante at katakot takot na monster ito.

Ng marating na ni Iris ang blob area, napaisip siya kung kailangan pa ba niya ng weapon dahil sa physical appearance ng monster. Kasing liit lang sila ng isang kamao at may mga malaking pares ng mata, tinignan niya ito mabuti at nakita niya na wala itong bibig. Nagkalat sila sa isang grass clearing at tila ba ay parang rainbow dahil iba't iba ang kulay nila, may red, rellow, green atbp.

'But don't underestimate the enemies, kung sino pa yung mukhang harmless, sila pa ang mapanganib.' - From Iris countless death experiences as a gamer.

Dahan-dahan na naglakad si Iris papunta sa isang pink na blob, agad niya itong dinampot mula sa damuhan at inilagay niya sa kamay niya.

"Hello sweetie, ang cute mo." Tinignan siya ng blob with a suprised expression. Nagiisip si Iris kung paano mapapatay peacefully ang mga blobs ng bigla siyang kinagat nito.

Iris: they have teeth!

Napasigaw si Iris sa sakit at bigla niyang sinampal ang pink blob na nasa kanang kamay niya. Tumilapon ito palayo at tumama sa isang puno.

< Iris has defeated the blob! >

< Iris has gained 5 experience >

'Sampal lang okay na pala.' Tinignan niya ang bangkay ng blob at nagwish ng rest in peace. Naalala niya pala na kailangan niyang kunin ang 'slime bubble' to complete the quest. Bukod sa wasak na ang blob, ang natira nalang ay ang isang maliit na bilog, na para 'bang sago't gulaman ang texture.

< Slime bubble >

< Good for making healing potions and salves >

Nang makita niya ang item description, kinuha niya to agad at pinasok sa kanyang pouch. Sunod naman niyang pinuntahan ang isang green blob, hindi na niya tinangka pa na kunin eto. Sinipa niya ito, very gentle lang na sipa, agad na humarap sakanya ang blob at pinakita ang kanyang mga matalas pero maliliit na ngipin.

'Nakatago pala bibig neto.' Tumalon-talon ang blob papunta sa kanya, at dahil sa wala na maisip si Iris kung ano gagawin, tinapakan niya nalang ito. Nakarinig siya ng isang pagpisat at ding! ng system notice.

< Iris has defeated the blob! >

< Iris has gained 5 experience >

Bigla niyang naalala ang slime bubble nito. Agad niyang inalis ang paa niya at nakita ang 'remains' ng blob.

< Broken Slime bubble >

< It's useless, the blob may rest in peace. >

"What the f it means, rest in peace?"  Pagkatapos niyang sabihin ang 'rest in peace', bigla nalang naglaho ang bangkay ng blob.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now