Chap. 3: Elvenwood

832 68 14
                                    


Hindi maintindihan ni Iris kung bakit nalang siya biglang na-transport dito sa 'newbie village,' ika niya.

"Gusto ko lumipad pero 'bat napunta ako dito, is that a bug?" Nakasimangot si Iris habang tinitignan nya ang village at talagang napaisip niya na totoong 'Elvenwood' nga ito dahil ang ibang building ay nasa mismong puno na nakapwesto.

Dahil one day late na sya sa paglalaro, medyo marami ng players ang labas pasok sa mga 'buildings' dito sa village, at medyo mataas na din ang kanilang mga Levels.

"Level 10? hindi ba natutulog 'tong mga to."

At biglang pumasok sa isip ni Iris ang kanyang sariling stats. Then she command for her character menu to display. Lumabas sa kanyang harapan ang isang white pop out screen.

< Iris, Level 1 Elf >

< EXP: 0/30 >

< HP: 22/22, MP: 15/15 >

Iris: ...

"Feeling ko sampal lang dead na ako dahil sa 22 hp na ito." Napagdesisyunan ni Iris na gawin na ang pinakatypical na Newbie quest na laging nangyayari sa mga mmorpg.

Ang pumunta sa Village head!

May nakita siya lalaking nagaayos ng mga kahoy at meron siyang maliit na exclamation mark sa taas ng ulo, symbol na nagpapahiwatig ng isang QUEST! Agad naman niyang itong pinuntahan, babatiin niya sana ito na maalala niya na english pala ang language ng game.

"Hello.." Bumati si Iris ng may biglang nag-pop out na screen sa taas ng NPC.

< Folmon, Village Headmaster >

"Hello Sir folmon!" At masaya niya itong binati kasama ang pangalan neto. Napatigil ang Head sa pag-aayos ng mga kahoy at tumingin siya kay Iris with a fatherly smile.

"Ah, another young one who's ready to leave the village.." Then biglang lumungkot yung ngiti ng village head.

'Eh sa dinami dami ba ng humingi ng quest sayo eh.' Isip ni Iris habang ngumiti lang siya sa village head.

"But before you leave, you must build your strength to be able to protect yourself from the monsters." Tumalikod ang village head at parang may kinukuha siya sa isang chest box mula sa likod, pagkatapos non ay humarap siya kay Iris at binigyan siya ng isang 'Dagger' with sheath.

"I won't leave yet." Sagot ni Iris at kinuha niya ang kanyang newbie weapon from the village head master.

"Go into the forest and kill 10 blob monsters, bring three slime bubbles as a proof of your wins." Pagkatapos sabihin ng Head yun ay tinuloy niya na ang pag-aayos ng kahoy, na para bang wala na si Iris sa harapan niya.

Iris: Where's my freedom.. my freewill to do anything I want..

Napa-rolled eyes nalang siya ng maalala niya ang scam promotional line ng game.

Tinignan ni Iris ang sandamakmak na kahoy na nakakalat sa damuhan, na inaayos ng head master into pyramid. At naisipan ni Iris na tulungan niya ito (dahil daw malungkot si head master).

Agad naman kumuha si Iris ng mga kahoy at pinagpapatong patong katulad ng ginagawa ng village headmaster. Tinignan siya ni Folmon with a suprised look pero hinayaan niya si Iris na mag-ayos.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now