Chap. 12: Prepping up

618 68 65
                                    


"Hide your name quick!"

Dahil sa first kill na nagawa ni Iris, siya ay 'sikat' na at isa siya sa mga usap-usapan ng mga players. 

Sa Fate players, isang malaking achievement ang pagkuha ng first kill sa mga monsters, ganon din ka-importante sa mga guilds ang pagkuha ng mga first bloods sa mga dungeons dahil dito nakasalalay kung ano ang magiging standing nila sa fate ranking. Pero hindi ito na-apply kay Iris dahil nga sa HINDI NANAMAN NIYA BINASA ANG GAME MANUAL. Kaya wala siyang ideya kung gaano ka-halaga ang nagawa niya at ngayon ay tinuturuan siya ni Kite na itago ang kanyang username.

           [ □ ] Reject friend Requests
           [ □ ] Reject Party Invite
           [ ■ ] Hide Username

"Na-hide ko na." Pagka-select niya sa Hide option, um-exit na siya sa kanyang settings menu. Pagkatapos nilang bisitahin ang fighter instructor, gusto na sana ipagpatuloy ni Iris ang paghahanap ng mga herbs para sa kanyang apothecary class quest,  kailangan nalang niya ng apat ng herbs at magiging ganap na din siya na apothecary. Pero tumutol si Kite at dinala niya si Iris sa marketplace para makabili na ng armor, dahil ayaw na niya makita na lumagpak ang life points ni Iris at magsayang pa siya ng HP potions.

"I'll go look for fighter weapons and go buy your armor here, find what's suitable for you." Pagkatapos non ay nagsabi pa ng mga reminders si Kite katulad ng, keep your anger in check at huwag makipag-away at himalang tumango si Iris dahil maganda ang mood niya ngayon. (Mamaya hindi na)

"Okay see ya take care, don't die, the rebirth point is located at the village center!" SAmbit ni Iris at naghiwalay na sila ng landas at pumunta sa kanya-kanyang destinasyon.

Habang naglalakad si Iris ay napagtanto niya na hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng armor. 'Sa armor shop lang diba?' Nagtanong siya sa isang NPC na palakad-lakad lang sa gitna ng daan,  yun pala ay nalagpasan na niya ang street kung nasan ang shop na ito.

Ang armor shop na pinuntahan niya ay nasa marketplace circle, kung saan magtatagpuan ang iba't ibang shops, merong tavern, blacksmith, bakery, mga bilihan ng damit at iba pa. Napansin ni Iris na hindi gaano kadami ang mga players na bumibisita sa circle, halos lahat sila ay nasa merchant's area, kung saan ay iba't ibang stalls ang makikita. 'Niceee may maibebenta kaya ako dito?' Naalala ni Iris ang mga nakuha niyang loots sa bangkay ng assassin vine at iniisip niya ang makukuha niyang silvers dito pero isinantabi niya muna ang ideya na yon at pumasok sa armor shop.

Sa loob ng armor shop ay may ibang players din na namimili ng kanilang mga armor, pero parang madalang lang ang mga pumupunta dito sa shop. Napaisip si Iris na baka mahal ang mga equipments dito at hindi ito kayang bilhin ng mga players na katulad ni Kite. Dahil sa nakakuha siya ng 99 silvers sa pagpatay sa Assassin Vine, meron na siyang 1 gold, 63 silvers and 34 coppers, still rich.

"Hello Miss, what can I do for you?" Isang excited na sales man ang lumitaw sa harap niya. Medyo mababa ang sales ng mga armor shop kumpara sa mga shops na katabi neto sa circle, kaya pag may napapabisita na players sa shop ay todo entertain sila, kaso minsan sa huli ay magsusukat lang ang players ng armor para subukan pero hindi sila bibili. Kaya ngayon ay bilang pa rin ang mga bumibili dito sa armor shop.

"Where's your armor for fighter class? and do you have a sales lady?" Napa-nganga nalang ang sales man sa sinabi ng female elf, pero tama nga naman siya dahil hindi naman pwede ang sales man ang tumulong sa pagsusukat ng isang babae. Dali-dali tinawag ang isa pang female staff para i-assist si Iris sa pagpili ng armor.

"Hello Miss, this way please."

'My goodness..' Pagkatingin ni Iris sa mga armor ay napapikit nalang siya ng mata at dumilat ulit para siguraduhin kung tama ba ang nakikita niya. 

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now