Chap. 22: A Party is made of?

155 16 9
                                    

[1/2] Update for February 11, 2021. Sorry, napaka-talkshit ko pag dating sa deadlines. Pero here's the two chapters para sa inyo. Paki-ready ang eye drops sa mahaba-habang pagbabasa.

---

"Ano nanaman 'yang walang kwentang bagay na binili mo Iris?"

Hindi alam ni Iris kung ano pumasok sa isip niya kanina at naisipan niyang tumakas ng marinig niya ang boses ni Kite, at obviously, sumunod din si Kite sakanya.

Kung ilalarawan natin ang nangyari kanina sa night market.. eh ihalintulad nalang natin sa typical na nakawan sa quiapo, kung saan naghahabulan ang isang pulis at snatcher.

Yes, that's Kite and Iris. Isa silang spectacle para sa mga ibang players na parang nanonood ng action movie.

"Eh pera ko naman to ah, bakit ka affected?" Yakap-yakap ni Iris ang bote ng Lumen beads niya. (19 silvers teh-)

"Saka, I need this for my potions ya know." Dagdag pa niya, which is totoo naman. Kailangan ng isang apothecary ang mga lumen beads para maka-produce ng health potion.

Napatingin nalang si Kite sa pera na naipon niya.

< 14 Silvers >

"Magkano bili mo diyan?" Sabay tanong kay Iris na para bang nanay na papagalitan ang anak.

"1 silver lang." Proud na proud na ipinakita ni Iris ang kanyang bote.

"Oh? edi sulit na." Nagulat si Kite dahil himala, mura daw ang binili ni Iris.

"1 silver each." Dugtong ni Iris.

Kite: ... binabawi ko na

"Sulit diba- aray ko p-censored mo Kite!" Nakurot lang naman siya ni Kite.

"Sa susunod, mamimitas nalang tayo, hindi yung kung saan saan ka bumibili!" Sermon ni Kite with matching hawak sa beywang.

"T-censored ayoko, gusto ko bumili doon sa night market." Mabilis na tanggi ni Iris 'nang maisip niya ang dalawang gwapo- este players na nagbebenta sa night market.

"Mas maraming gwapo sa fairy territory, ayaw mo nun, new fresh meat." Bukod sa pera, alam ni Kite na mahilig sa handsome young boys ang kanyang kaibigan na si Iri$.

Napatindig ang tenga ni Iris sa mga sinabi ni Kite at nag-pop up sa isip niya ang gwapong fairy player kanina pero x10 sa dami.

"Oh? Kailan tayo pupunta?" Tila ba'y nagnining-ning ang mga mata ni Iris sa suggestion ni Kite.

"Kahit kailan, basta mamimitas tayo, ikaw magbboy hunting, ako magbebenta, deal?"

"Deal!"

And the pact was made that day.

●●○●●

Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa isang party na nasa harap ng Dead Cave.

Binubuo sila ng isang human warrior, elven fighter, elven mage at elven ranger.

As usual, it's Kite the human warrior and Iris, the elven fighter-

"If looks could kill, then we're already dead now.. right Elion?" Surprise, it's the elven mage named Henry, the one who broke Iris feet last Chapter 7.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now