Chap. 9: Friend Request

592 62 10
                                    


Kakauwi lang ni Iris galing sa trabaho niya at agad agad siyang nagpalit ng damit para makapag-log in na siya sa fate. Dahil sa linggo bukas at wala siyang pasok, balak niyang sulitin ang free time niya sa paglalaro sa fate.

Humiga siya sa recliner at isinuot ang kanyang game helmet. Bumungad sa kanya ang pamilyar na robotic voice at ang nakakasilaw na puting liwanag bago siya mag log-in. "Figure scanning.. Welcome back to the world of fate." 'What a boring greeting.'

○○○ ● ○○○

Bumungad sa kanyang paningin ang mga matatangkad na puno sa Elvenwood forest. 

Ang dahilan kung bakit siya nandito ay dahil sa simula na ito ng pagiging apprentice niya sa village healer, binigyan siya ni Elder Ran ng isang Class Quest:

< Class Quest: Unlock the Herb Lore talent >
< Learn and find information about  herbs in the Elvenwood Forest. >
< Progress: 13/30>

Ang Herb Lore ay isa sa mga obtainable talents sa fate, kung saan kapag ito ay na-unlock ng isang player, kaya niyang ma-identify ang lahat ng plants na nasa paligid niya, pati na din mismo ang medicinal uses nito at paano gawin itong potion or pills. Bago maging isang novice apothecary si Iris ay kailangan niyang ma-obtain ang Herb Lore talent, at hirap na hirap siya ngayon kakahanap ng mga halaman.

Nung siya ay naging apprentice, binigyan siya ni Elder Ran ng isang Herb book, kung saan makikita niya ang mga larawan ng iba't ibang halaman, kung saan tumutubo iyon at ang medical use. Ginagamit ni Iris ang mga clue na nakikita niya sa libro upang matukoy kung saan niya matatagpuan ang mga herbs at kung anong itsura nito. Agad naman niyang sinimulan ang paghahanap at nakakita na siya ng 13 plant herbs out of 30, which is wala pa sa kalahati ng kanyang progress.

Ang Class Quest lang niya ngayon ay humanap ng 30 herbs na matatagpuan lang sa elvenwood forest. Iba ito sa sa libro na hawak niya na may 107 herbs na makikita sa iba't ibang race territories. Which it means na meron pang 77 herbs na kailangan niyang hanapin in the future sa mga susunod na class quests.

"Ayoko na bakit ba ako nag-apothecary." Hawak-hawak ang libro na binigay sa kanya, bumagsak si Iris sa damuhan sabay higa dito. 'Ganito ba feeling pag nag pharmacy?' Naisip ni Iris na buti na lang at hindi siya kumuha ng ganitong kurso nung siya ay nasa kolehiyo pa noon. Habang pinakikiramdaman ang hinihigaan niyang damuhan, saka siya napaisip kung gaano ka-totoo ang mga features sa fate. Nakaramdam ng antok si Iris at napagdesisyunan niyang ipikit muna ang kanyang mata para mag-pahinga..

Kahit kakalog-in palang niya sa game.

..

...

....

"Miss?"

"Miss are you okay?"

"Miss?"

'T-censored hindi pa nga ako nakaka-idlip eh.' Binuksan ni Iris ang kanyang mga mata at nakakita siya ng gwapo- este isang male HUMAN player, napatulala siya sa nakita niya. 'Naliligaw ba to? Elvenwood to!' Walang ideya si Iris kung gaano kalapit ang human territory sa Elvenwood, pero kung iisipin kung gaano kalawak ang Elvenwood, sigurado si Iris na isang mahabang habang biyahe ang kakailanganin ng isang player kung pupunta sa ibang teritoryo.

"Human." Walang-awat na sinabi ni Iris sa human player. Kinuha niya ang kanyang libro at agad na tumayo mula sa damuhan. Humarap siya sa male player at tinignan ito ng mabuti. 'Shet gwapo nga.' Kung gaano ka-ingay ang utak ni Iris ay ganoon din katahimik siya ngayon sa harap ng player, partida naka-poker face pa siya. Isang tunay na expert pag dating sa boy hunting-

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Where stories live. Discover now