Chap. 23: Dungeon Clearing

142 16 7
                                    

[2/2] For February 11, 2021 update!
--

Inikot na ni Iris ang kanyang paningin pero hindi pa rin niya makita ang letseng boss at hindi pa siya naka-locked in combat kaya mas mahirap i-detect kung nasaan siya.

Pero nararamdaman pa rin niya ang presensya nito sa paligid.

'Wait.. sabi ni Kite, dryads live inside the trees.' Naalala bigla ni Iris ang karanasan ni Kite na pinatay siya ng isang dryad dahil pumitas siya ng prutas nito ng hindi nag-papaalam.

'Leshen is a fallen dryad, then it must be inhabiting one of these trees.' Agad na pinagmasdan ni Iris ang tatlong dead trees na nakapaligid sa pwesto nila. Pinag-iisipan niya kung alin sa tatlo ang una niyang tatargetin.

Pero bigla nalang kinutuban si Iris sa isang dead tree sa kanan niya, like she knows that he- it's the one. Hindi na siya nag dalawang-isip pa at kaagad siyang kumaripas ng takbo papunta sa direksyon nito.

Hawak ang kanyang dagger sa kanang kamay, kumuha siya ng bwelo at binato ito papunta sa puno..

Bulls eye!

Pagka-baon nito sa katawan ng puno ay sakto na nag-ding! ang notifications.

< Iris hits a vital spot! >

< The enemy boss Leshen has sustained 111 damage! >

At tama nga si Iris, sa pinagbaunan ng dagger ay makikita ang fog-like spirit ng dryad na lumalabas.

< Iris has activated Toughen >
< Base defense has been increased by 15% for 30 seconds. >

Mas lalong binilisan ni Iris ang takbo niya para maabutan niya ang pag-materialize ng complete body ng Leshen at ma-disrupt na din ang pag-summon nito ng minions.

Pagka-lapit niya ay agad niyang sinungaban ito!

Iris use tackle! (char- go pokemon)

Pareho silang bumagsak sa lupa at-

< Iris has suffered 148 damage! >

"Aw p-censored ang sakit!" Parang mga nagbabagang kamay ang humawak sa braso ni Iris. Sa sobrang galit niya ay sinakal niya ng mahigpit ang Leshen sa leeg. Gamit ang slither knife sa kanyang leather glove, sinaksak niya ito.

< Iris has hit a vital spot! >

< The enemy boss Leshen has taken 216 critical hit! >

< Target has poison immunity; Inflicted poison has no effect. >

Mas lalong nainis si Iris sa last system notification na nabasa niya. Kahit na sobrang sakit na ng cursed touch ng Leshen ay hindi pa rin siya nagpa-tinag, hinugot niya ang kanyang slither knife at sinaksak muli ito.

< Iris has used Slice! >

< The enemy boss Leshen has sustained 87 damage! >

Hindi niya inalis sa pagkaka-baon ang kanyang slither knife, bagkus ito ay hinila niya pa-ikot sa leeg ng boss.. na para bang hinihiwa ang balat nito.

< Iris has used Slash! >
< Succeeding combo attack >

< The enemy boss Leshen has sustained 156 damage! >

Gagawin na sana niya ang pangatlong strike ng bigla siyang nakaramdam ng kaunting hilo. Hindi niya namamalayan na napatitig siya sa mga pulang mata ng Leshen, tila ba'y unting-unti siyang hinihila sa isang malalim na panaginip-

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Kde žijí příběhy. Začni objevovat