Chap. 18: Players who can't be moved

425 38 3
                                    

Another side chapter for side characters para naman mabigyan sila ng spotlight! HAHAHAHA

---

Meanwhile.. at the bottom of the cliff

Lies the two victims of the wandering sadist..

and a confused bystander.

Isang novice blacksmith na pangalan ay Soul ay kasalukuyang nakatingin sa dalawang bangkay- este almost dead na players na nasa paningin niya.

Ang nangyari lang naman ay, tahimik siyang nag-mimina ng mga gem stones sa isang hidden mine na maswerte niyang nadiskubre sa gilid ng isang bangin sa east border, kung saan ito ang naghihiwalay sa Human at Elven territory. Dahil siya palang ang nakakadiskubre, sinulit niya ang kanyang oras para i-level up ang kanyang mining skill at makakuha ng mga gem stones para naman i-engrave.

Pero pagkalipas ng dalawang oras ng pag-mimina ay may narinig siyang malakas na pagbagsak malapit lang sa kanyang kinalalagyan. Mabilis niyang itinago ang mga nakuha niyang gem stones sa loob ng kanyang inventory, at maingat siyang pumunta sa pinangyarihan ng malakas ng tunog.

Nang makita niya ang isang player na nakahandusay sa harap niya ay naging mas alerto pa siya at kinuha niya ang kanyang weapon na long sword. Tumingin tingin siya sa kanyang paligid para makita ang kalaban. (lmao)

"There are no enemies.. or atleast they aren't here at the bottom of the cliff." Nagulat si Soul ng marinig niya na nagsalita ang inaakala niyang dead player.

"Go away, don't you dare go near me, I'm from Valor guild." Nakita ni Soul na sinasamaan siya ng tingin ng Human player. (bro are u okay?)

'What the hell? I'm not even doing anything.' Napakunot nalang ng noo si Soul sa banta ng isang bangkay, pero naintindihan din niya ito dahil isa siyang miyembro ng Valor Guild, isa sa mga top-ranked guild sa Fate ngayon, at halos lahat ng kanilang miyembro ay human players dahil ang kanilang base ay nasa Lunarin, o ang Human territory.

Ang mga miyembro ng Valor guild ay kilala sa pagiging matapang at meron din silang mga elite players. Pero dahil sa naging top-ranked guild na sila, may mga ibang miyembro nito ay nagiging arogante at maangas, kabilang na dito ang almost dead na player na nasa harap ni Soul.

"Looks like you don't need any help, I'll be going, have a good rest here." Hindi na nag sayang pa ng oras si Soul at agad siyang umalis na para 'bang wala siyang nakitang injured player.

Pero pagkalipas ulit ng isang oras, nakarinig nanaman si Soul ng malakas na pagbagsak, doon ulit sa kinaroroonan ng almost dead player na nakita niya kanina. Pagkatapos niyang kunin ang mga namina niyang bato ay dahan-dahan siyang pumunta sa pinagmulan ng pagbasak at nagtago sa likod ng isang malaking bato.

Nagulat nalang si Soul 'nang may nadagdag pa na isang bangkay ulit. 'What happen to them?' Nagtataka ngayon si Soul dahil isang Valor member nanaman ang nakahandusay ngayon, at napapa-isip siya kung sino ang matapang na player na kinalaban ang mga Valor members. 'It must be a player from a top-ranked guild too.. too brave.' (Yes, too brave)

Aalis na sana si Soul 'nang marinig niya ang usapan ng dalawang bangkay.

"Falcon! What happen to you?"

"The same thing that happen to you."

"That blond female elf pushed also pushed you? Damn! does she know who we are? we are from valor!"

Sinubukan pigilan ni Soul ang tawa niya ng marinig niya ang nangyari sa dalawang Valor members, at the same time, proud din siya dahil kalahi niya ang matapang na lumaban sa dalawang arogante na ito.

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن