NOL - CHAPTER 10 - NO ORDINARY EXPERIENCE

Start from the beginning
                                    

Nakakatuwa dahil kita mo ang Pilipinas. Isa itong malaking mapa.

Gusto kong lingunin si Arkin pero parang naiistiffneck ako, tsaka mamaya masakto pang tumingin siya sa akin eh di lalong yari?? Tiniis ko ang sinasabi ng utak ko.

"Ayun ang post office" sabi ni Andoy. Tumango lang ulit ako. Tuloy tuloy lang ang pagsasalita ni Andoy pero ako ang utak ko na kay Arkin na tahimik lang. Pasimple ko siyang tinitingnan tapos iiwas ako ng tingin pag nakatingin na siya. Ano kayang nasa isip niya? baka hindi siya masaya, kasi malamang sa malamang madalas siguro siyang napadaan dito at nauumay na siya.

Nang halos malibot na namin ang buong Luneta ay nagpasya kaming maupo sa harap ng Quirino Grandstand. Umalis na muna si Andoy para bumili ng makakain kaya naiwan kami ni Arkin doon. May ilan ilan ding mga tao pero hindi naman ganoon karami.

"Hindi ka pa ba nakakahanap ng ibang trabaho?" nagulat ako ng magsalita siya. Ako kaya ang kinakausap niya?? malamang kasi kung hindi ako baka yung damo siguro.

"Huh??"

"Kung magkakaroon ka ba ng opportunity na makalipat ng ibang trabaho, tatanggapin mo?" tanong niya ulit.

"Si-siguro kung maganda naman at legal" sabi ko.

Naningkit ang mata niya. "Bakit anong akala mong trabaho ang sinasabi ko? Ilegal??" masungit niyang tanong.

Galit? Hindi pwedeng magpaliwanag??

"Wala naman akong sinasabi" sabi ko na lang. "Malapit ka sa mga bata" sabi ko, trying to change the topic.

"Oo" matipid niyang sagot.

"Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Siguro dahil wala akong mas batang kapatid..." sagot niya. ngumiti ako, at least maayos ang paguusap namin. Walang naiinis.

Pahapon na pero maliwanag pa rin roon dahil sa may ilaw na sa buong lugar. Natatakot akong magtanong ng kahit na anong personal sa kanya dahil baka tanungin niya rin ako.

"Ahm salamat nga pala dun sa tubig" sabi ko.

"Ang tagal tagal na non... pero you're welcome" sabi niya at tumingin siya sa akin. Gusto kong pasukin ang utak niya at basahin ang naroon. Anong inisip mo Arkin? Bakit ka ganyan? Pinaparamdam mo sa akin yung feelings na parang natatakot akong ientertain?

"Matagal na kayong magkasama ni Andoy?" tanong ko. "Mukha kasi kayong close na close" sabi ko.

"Matagal na kaming magkaibigan... mga bata pa lang ata kami" sabi niya. Tumango ako.Lareen...control...control...

"Gusto mong maglakad lakad?" tanong niya. tumingin siya sa akin. Ito na naman yung nakakainis na feeling. "Eh pano si Andoy?"

"Hayaan mo na, susunod yon" sabi niya.

Napatango na lang ako.

Naglakad kami sa sea side. Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin kaya nagulat ako ng hubarin niya ang jacket niya at iabot sa akin. Nakawhite shirt na lang tuloy siya katerno ang isang itim na pantalong ayos lang ang pagkafit sa kanya.

"Isuot mo" sabi niya. Walang emosyon.

"Thanks" sagot ko.

Napaka misteryoso niya. Simple ko siyang sinusulyapan. Medyo mahaba na ang buhok niya pero kahit ganoon ay gwapo pa rin siya. Gwapo?? Attracted ka na Lareen?? Erase. Erase. Erase.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now