"Let's get you to Osiris.  The sooner you're there, the sooner you'll go back home."  At mabilis na siyang umibis ng sasakyan.  

In just a blink, nasa passenger's side ko na siya at binubuksan ang pinto para sa akin.  Nagkumahog naman akong muling isuot ang strappy heeled sandals ko na pansamantala kong hinubad kanina habang bumibiyahe kami to make myself comfortable.  Ilang minuto akong pinanood ni Oliver sa struggle ko bago niya inabot ang mga sandals at tinulungan na akong i-hook and mga strap.

"Thanks," relieved kong pasasalamat.

"Anytime," magiliw niya namang tugon bago ako inalalayang bumaba ng sasakyan.  I leaned on him while getting my balance, standing on two inches of heels. 

Pagkatapos i-lock ang Land Rover na dala, he glanced at my shoes again at napakunot-noo.  "I'm very sorry na ito na ang pinakamalapit na parking na nakuha ko.  Are you going to be okay walking a block with that?"

Napangiti ako sa pag-alala sa tono niya.  "Ano ka ba?  Babae ako.  Sisiw lang 'to."   

"If you say so," may pagdududa pa din sa tono niya but stopped making a fuss.  

Oliver held my hand and we walked side by side, him at the 'danger side' of the road.  I gained two inches in height and yet thanks to my heels pero he is still towering over me.  I'm still short seven inches to his 6'1".  Dahil dito, natatabunan niya ako mula sa mga mapanuring tingin ng mga nakakasalubong o nakakasabay naming maglakad.  

On our side of the street, nakahilera ang mga puno and their shadows fall on me.  Sa kabilang side naman is a line of streetlights.  The other side is flooded with light kaya mula sa vantage point ko, kitang-kita ko ang mga mukha nila while they can't see mine.  They can only see Oliver walking hand in hand with someone without recognizing that it is me.

When we started walking, Oliver's aura changed.  He became colder, arrogant, and aloof.  Kaya nga siguro kahit ang lapad ng side namin, the rest of the people are walking sa kabilang side.  I glanced at him and tried to see him through the eyes of the people we meet.  Through my eyes noong hindi pa kami magkasama sa iisang bahay.  And I am reminded again, Oliver San Martin is one of SJU's untouchable gods.  And I'm currently holding hands with him.  Life really takes unexpected turns.

Nararamdaman niya siguro ang mga titig ko sa kanya kaya nilingon niya ako.  "What?" 

Umiling lang ako at nagbawi ng tingin.  Gusto ko din sanang bawiin pati ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya na ayaw kong mag-eskandalo sa gitna ng daan at makipaghilahan sa kanya.  "Malayo pa ba tayo?," tanong ko na lang.

"Malapit na rin naman.  Pagkaliko natin sa kanto, ilang metrong lakad na lang.  I'll get you to one of the limited access entrances of the club.  Para hindi ka na pumila at baka maabutan ka pa ng cut-off quota at tuluyang hindi makapasok.  This is one of the reasons why I insisted on coming with you."

"May quota?," naguguluhan kong ulit.  It's a club.  Isn't it their business to bring everyone inside?

"Clubs like Osiris has a bouncer that makes sure na halos magkapareho ang dami ng lalaki at babae sa loob."

That didn't explain anything.  "Huh?"

"Osiris has a dance floor sa rooftop and it would suck to have another guy slither his butt to mine.  Na siyang mangyayari kung mas maraming lalaki kesa sa babae and vice versa.  Besides, napaparami ang pamimili ng inom ng mga lalaki kung may mga babae."

Umarko ang kilay ko sa narinig.  "At talagang alam na alam mo, noh?"  I know I don't have any right to judge but I'm totally judging.  And mildly irritated.

Housemates With Benefits [COMPLETE|PUBLISHED]Where stories live. Discover now