Chapter 16

41 2 0
                                    

Heartbeat

Change is indeed inevitable.

And it's always either for the betterment... or the destructive one.

Sa paglipas mga araw ay ramdam ko ang pagbabago ng mga taong nasa paligid ko.

Dave's weird acts keep on playing repeatedly on my mind. I experienced it first hand!

Nakakapanibago.

Tuwing umuuwi siya ay tahimik lamang siya o kung magsalita man ay tipid at iyong mga kasama lang sa bahay namin ang kinakausap.

He's purposely not talking to me.

I heave a sigh as my eyes drifted to my walk in, kung saan naroon sa loob ang dalawang gown na isusuot ko mamaya.

Sa loob ko ay mayroong takot na namumuo at hindi ko alam kung saan nanggagaling at kung para saan iyon.

Those gowns reminds me that today is indeed something special yet could be the start of the storms.

God, I'm over thinking again. I should stop this. Wala namang magandang naidudulot ang labis na pag-iisip. I'd just exhaust and worry myself over something uncertain.

"For a girl who would celebrate her debut, which is actually one of the most awaited moment for all the girls out there, you don't look like someone whose excited." Lean muttered when she went inside my room. "You're not even trying to mask your contorted expression even with a fake smile, Hera."

Lumapit siya sa akin at umupo sa kama kung saan nakasandal ako sa headboard.

Nandito kami sa Mansion nila Abuelo sa San Lorenzo since I told them that I want the party to be held here. Dumating kami kahapon, kasama namin sila Mom and Dad na umuwi rin last week para sa araw na ito.

Fake.

That word struck me. Bakit ko naman pipiliin na ngumiti kahit na ang totoo ay wala akong makapang kasiyahan sa loob ko?

Should I fake what I truly feel and just smile for the sake of others? For my mom who exerts so much effort for this? For my grandfather whose been so emotional for this? For my brother who cares alot for me?

Pati ba naman ako ay lolokohin pa ang sarili gayong ramdam ko na niloloko rin naman nila ako?

Naalala ko na naman kung paano ako nahantong sa konklusyon na iyon. Probably, it's because I over think too much at masyado kong binigyan ng kahulugan ang mga bagay na napansin ko na noon at ang mga bagay na napapansin ko ngayon.

Alam kong may mali noon pa. Pero wala man lang sa kanila ang nagsabi sa akin. And now that my brother's acting weird again, I cannot figure out what to dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

It bothers me because I am afraid that it might be something so destructive that will change our life.

And Mommy, she keeps on asking me about my opinion regarding on a certain matter.

Akala niya siguro ay hindi ko napapansin 'yon pero sa utak ko ay pinagtatagpi-tagpi ko ang lahat iyon.

Of course, sino ba naman ang hindi magtataka kung itatanong niya iyon sa akin kung wala namang dahilan? Hindi na ako bata para hindi makaintindi at mas lalong hindi ako tanga!

She keeps on uttering the word promise pero tuwing tinatanong ko naman kung anong pangako ba iyon ay tikom ang kanyang bibig.

"Shouldn't you be preparing right now?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa chandelier sa kwarto ko.

Every room in this mansion was designed perfectly and every corner was screaming elegance.

"Omg, ako dapat ang nagtatanong sa iyo niyan right?" Natatawang sagot niya sa akin. "Tita was so worried about you kasi something's wrong daw sayo when she came here."

Chained MemoriesWhere stories live. Discover now