Chapter 8

56 4 4
                                    

Meet

Naupo ako sa couch na salungat sa kanya kaya kitang kita niya ang talim ng tingin ko sa kaniya.

He just raised his brows and shrugged like it was not a big deal at all.

Aba, gago talaga!

He acts like he did not do something wrong.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" Walang kasing talim ang boses ko. Tumingin lang siya sa akin at humalukipkip.

"He deserves it," aniya at ngumiwi.

Hinawakan niya ang sugat sa kanyang labi at nag usal ng mura.

Mukhang hindi ata kami nagkakaintindihan ah? Kung umasta siya ay parang wala siyang iniwan na responsibilidad sa Manila.

"Should I remind you about the major quiz—" my mouth left open with no words when I saw a random girl coming out from the kitchen.

She's holding an ice pack, brows were met and behind her was Rence.

Now who's this intruder?

"Pinagsasabihan lang kita! Come on Xamiera, you're a girl. Tigilan mo 'yang ugali mong ganyan. Hindi magandang tingnan na babae ka pero lagi kang laman ng gulo." Giit ni Rence sa isang matigas na tono at sumalampak sa tabi ni Dave.

The girl he was talking to just glare at him.

"Wala akong pake sa tingin ng tanginang kung sino man 'yan. Pwede silang pumikit kung gusto nila. Sa mundong ginagalawan ko, kapag mahina ka, mamamatay ka." sabi niya sa seryosong boses.

Kinilabutan naman ako roon.

And then she smirk. "O, ilagay mo 'to sa sugat mong tangina ka!" aniya at tinapon sa kapatid ko ang hawak na ice pack na agad namang sinalo ng huli.

"Kapal ng mukha mong magalit eh ikaw nga may gawa sakin nito!" Natatawang saad ni Dave.

Kumunot ang noo ko. What?

Tumingin siya sa gawi ko at ngumisi. Tinitigan ko siya at pinasadahan ang kanyang kabuuan.

This girl is dangerous. Her aura screams danger. Sa hilatsa pa lang ng kanyang mukha ay masasabi na agad iyon.

Ang kanyang maikling buhok ay magulo at tila hindi na nag abala pang suklayan iyon. Ang gilid ng singkit niyang mata ay may galos na tila pahilom na. May nakadikit din na itim na band aid sa nose bridge niya at mayroon ding sugat ang manipis at kulay rosas na labi niya.

All in all, she was pretty. But she's scary.

"Tangina, ang sakit talaga ng suntok mong gago ka!" Asik ni Dave habang dinidiinan ng ice pack ang sugat niya.

Natawa iyong Xamiera.

"Eh kung di ka ba naman tarantado, bigla bigla ka na lang sumusugod na hayop ka!"

"Ang sabihin mo, hayok ka lang talaga sa gulo. Kababaeng tao, tsss." Isang boses na hindi ko kilala ang sumagot kaya naman napabaling ang tingin ko sa gawi nito.

Sa gilid ay nakita ko ang papalapit na dalawang lalaki na sa tingin ko ay nagmula sa common bathroom.

"Ulol, manahimik ang lalambot-lambot diyan!" Ganti ng babae. Sinamaan siya ng tingin noong mestizo na sa tingin ko ay siyang biglang sumabat sa usapan kanina.

"Hangggang dito lang ang usapan oh, di ka belong!" she said childishly then drew an invisible line between them.

Napaismid iyong lalaki.

"At anong hayok? Kasalanan naman talaga nitong gagong 'to kung bakit siya nakatikim ng kamao ko!" Aniya at tumingin kay Dave. "Kung hindi niya kinanti yung tropa ko, edi sana wala siyang bangas ngayon!"

Chained MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon