Epilogue

87 3 0
                                    

Thank you for reading this obviously flawed story. I am actually excited to write Leo's point of view since hindi siya masyadong exposed sa story. I hope maisulat ko nang maayos. :)

Epilogue

That night, I was the happiest.

Even though she was glaring at me all throughout the party, it was fine to me.

It was like that moment compensated all the painful years I've been through just by watching her from afar. Knowing that for the first time after that tragedy, I'd get to be close to her again. Hindi bilang isang estranghero na nakilala niya lamang sa isang parke, ngunit isang tao na may ginampanang parte sa nakaraan niyang hindi na niya maaalala pa.

I was able to go near her.

I was able to held her hand.

I was able to dance her on her special day.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakalapit sa kaniya nang ganito.  I almost forgot how it feels like to be near her.

"Kaya naman pala nag-aya ng libre si gago, may gusto pala kasing sulyapan." pang-aalaska ni Graec nang sundan niya ang linya ng paningin ko.

"Anong araw ba ngayon? Ah, Linggo. Usual day and time. Same girl. Same company. Same old Leo and his... ayaw ko na lang mag talk." dagdag niya at humalakhak.

Nandito kami sa loob ng paborito niyang restaurant.

Bumuntong hininga si Cedric habang marahan na napapa-iling. Tinitigan niya ako na para bang isang napakalaki na kasalanan ang nagawa ko. Umismid siya sanhi nang pagtaas ng sulok ng labi ko. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"When will you ever get tired of your sick fetish? Seriously Buensalios, you're such a creep. Para kang isang obsessed na stalker sa ginagawa mo." Cedric said disgustingly.

Hindi ko na lamang sila pinagtuunan ng pansin. I've always hear their sentiments tuwing ganito pero lagi rin namang sumasama sa akin. Palibhasa libre ko kaya sinasamantala ng mga mapagsamantalang 'to.

Malapad ang ngiti ng waitress na naglalakad palapit sa amin. Naglumikot ang tingin niya sa akin at sa dalawang kasama ko. Tumagal iyon kay Cedric na seryosong nagtitipa sa kanyang cellphone. Si Graec ang kumuha noong menu. Nginitian niya iyong babae na agaran ang pagkalat ng pamumula sa pisngi. Habang abala sila sa pagpili sa menu ay dumapo ang tingin ko sa banda nila.

They're on the far side of the restaurant. The one with a more quiet ambiance. Reina was eating silently. In front of her was his bestfriend. That damn Leonor. Ah... he was always the one she's with tuwing kumakain siya rito. And everytime she did, her bodyguard wasn't always around.

Ano 'to? Date?

Whatever.

It has always been like this. Magkasama silang dalawa at payapang kumakain habang ako... pinipilit ang sarili na maging kontento na kahit ganito ay nakikita ko pa rin siya. That's the least thing I could do. To be contented of just seeing her... even if she'd never knew my existence.

Ibinalik ko na lamang ang pansin ko sa kaniya nang magsimula na namang gumapang ang pait sa sistema ko. Ang kanyang kilos ay marahan at pinong pino mula sa paghawak ng mga kubyertos hanggang sa paggiya niyon sa kanyang labi. Even the way she chew the food was too elegant it mesmerize me. My girl grew up so fine... and then there's a hollow feeling inside me knowing how she could be so fine even without me.

Parang noon lang halos ayaw niyang umalis sa tabi ko. She would do all things just to make her stay with me. But looking at her right now... she could go on living without me. Damn memories...

Chained MemoriesWhere stories live. Discover now