Chapter 29

34 1 0
                                    

Contented

"I heard from Mom na aalis raw kayo ni Aleonzo mamaya?" Iyon ang seryosong bungad sa akin ni Dave nang umupo ako sa harap niya para sa almusal.

It's still early, nagsisimula pa lamang sumilip ang araw sa Silangan nang buksan ko ang kurtina ng aking kwarto. Ngunit kagaya nang dati ay hindi ko na naman naabutan sila Mommy. Gumising pa naman sana ako nang maaga para makasabay sila sa almusal.

I wonder what keeps them busy these past few days that they even have to bring Jerem with them.

Dave's question replay in my mind.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang ma-realize na may kakaiba sa sinabi niya. Tinitigan ko siya. Paanong nalaman nila Mommy na may lakad kami ni Leo gayong wala naman akong naalalang sinabi ko iyon kagabi? Isa rin iyon sa rason kung bakit gusto ko silang maabutan na nandito sa bahay. Magpapaalam sana ako sa kanila.

Paano nalaman ni Mommy iyon? An idea crossed my mind. No way. Si Leo ba ang nagpaalam noon sa mga magulang ko?

"What? Kumain ka na, wag mo 'kong titigan ng ganiyan." Masungit na aniya. Brows were deeply furrowed as his gripped on the utensils were very tight I can see his veins extracting. "Hindi por que maluwag na kami sa'yo ay aalis ka nang hindi nagpapaalam at hindi ibig sabihin na nagka-ayos lang kayo ni Leo ay pwede ka niyang isama sa kung saan-saan."

"I'm just letting him," sa halip ay sagot ko. Gusto ko sanang itama ang una niyang sinabi pero hahaba lang ang diskusyon, alam ko. "Besides, pumayag na rin ako, and it's not like you can stop me. Never been to Costa Serena before..." I murmured. Binitawan niya ang kutsarang hawak at uminom ng tubig habang ang kanyang nangungusap na mga mata ay mariin na nakatitig sa akin.

He heaved a sigh. Padarag niyang ibinaba ang kutsara sa babasaging plato na nagpagulat sa akin. "What we did before was just to protect you. Please don't ever think that we caged you." Mahina ngunit mariin na aniya.

After that, we fell silent. Hindi ko rin kasi alam kung anong problema niya. Iyon bang pag-alis namin o iyong katotohanan na nagsisimula nang maging maayos ang kung anumang namamagitan sa aming dalawa ni Leo.

After eating breakfast, nagkulong lang ako sa kwarto ko. Dave knocked on my door once but I ignored him. Baka mamaya pag binuksan ko iyon ay kung ano-ano na naman ang mapuna niya. Kakauwi niya lang at ang init ng ulo niya ay sa akin niya ibinubuhos ng di niya man lang alam.

Para mawala ang inis na gumapang sa akin umaga pa lang ay nagbabad ako sa hot tub. My mind wandered back to our dramatic, heartfelt and slightly cringey talk yesterday that I didn't noticed the time running.

Suot ang roba ay lumabas na ako at dumiretso sa kama kung saan nakapatong ang cellphone. My screen flashed open at nabasa ko ang text ni Leo, reminding me of our supposed... hmm, what should I call it... a date? He also reminded me that he'll pick me up at 10.

I went inside my wide walk in at pumili ng isusuot. Dumapo ang tingin ko sa mga dress kong nakahanay. I quickly washed off the thought. Hindi ko alam kung saan kami eksaktong pupunta kaya hindi ko alam kung ano ang akmang isusuot. Ayoko naman na mag dress, baka tulad noong niyaya ako ni Xam ay pagtinginan na naman ako ng mga tao.

Dumapo ang tingin ko sa summer hats na nasa taas. I heard Costa Serena has a lot of beautiful beaches. Are we going to one? Should I wear a summer outfit? A beach dress, perhaps.

Quarter to 10 nang natapos na ako sa pag-ayos ng sarili. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na ang dalawa na seryosong nag-uusap sa hamba ng pinto. Dave's brows were furrowed while saying something while Leo's just nodding. He's just on his casual, good thing I decided not to be flamboyant. Goodness.

Chained MemoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora