Chapter 7

57 4 0
                                    

Bruised

Bumuka ang bibig niya at akmang magsasalita na pero agad niya rin naman iyong isinara na wari ay may natanto at sa halip ay ngumiti na lamang sa akin.

"What? I need an answer, not your damn smile, Biarence Xyle Leonor." seryosong saad ko ngunit sa loob ko ay may nakakakapa na akong sagot sa tanong na iyon.

"Well, her name's familiar. And you said she's my schoolmate... baka ay nagkasalubong na kami sa corridor ng campus... who knows.." aniya at nagkibit balikat.

I stare at him and he did the same. Giving back the same amount of ferocity in my stare.

I scoffed.

The nerve of this guy.

Tinanong niya pa muna ako ng kung ano ano bago niya napagdesisyunan na umalis. He even told me na sabihin ko ang nangyari sa kapatid at mga magulang ko ngunit nagmatigas ako.

Kung ang issue na ito ay makarating sa kapatid ko, he would probably raise hell.

Nahuli ko ang muling pagsulyap niya sa akin at ang pag-igting ng kaniyang panga bago siya tuluyang lumabas.

Nanatiling nakatuon ang paningin ko sa pinto kung saan lumabas si Jerem at Rence.

It's so obvious that he knows her. I can see it in his eyes. But why did he gave me an uncertain answer? Bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin? What's keeping him from telling the truth?  Paano sila nagkakilala? Is she his girlfriend? Bakit niya ako inakusahan ng ganoon?

Leo.... Leonor.

Maybe... there's a possibility that he was the one they're talking about. Pero, I haven't remember Biarence having a girlfriend. After what happened to him, wala na akong alam na nasundan pa ulit iyon.

Girlfriend niya ba talaga ang isang 'yon?

Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. And it bothers me dahil wala akong kasagutan sa mga tanong na iyon.

No one wants to tell me the answer and it felt like as if they're keeping me behind.

Didn't I deserve to know the truth? Because honestly, ang dami kong bagay na napapansin sa paligid ko at sa tuwing nagtatanong ako ay wala akong nakukuhang sagot.

I have a lot of questions and I'm dying to know the answer to all of my why's. But, when will it all be answered? O, tamang sabihin na wala talaga sa isip nila na sabihin sa akin ang kasagutan sa mga tanong na iyon.

They are depriving me of my rights to know the answers and I'm starting to hate them because of that.

Bakit nga ba may mga taong mas gugustuhin na itago na lamang ang katotohanan kaysa sa sabihin na lang nila ito?

Bakit? Dahil gusto lang nila na protektahan ang taong mahal nila laban sa masakit na katotohanan? Sa tingin nila ganoon iyon? Na tama ang ginagawa nila? Siguro, para sa kanila ay tama lamang iyon pero paano naman sa mga katulad ko na gustong malaman ngunit pinagkakaitan ng mga sagot at katotohanan?

Their reasons does not justify their actions.

Magdamag iyong gumulo sa isip ko kaya naman nang magising ako kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko.

Pakiramdam ko ay magkakasakit ako.

I did not have enough of sleep because my mind keeps on wondering back to what happened to me.

Idagdag pa iyong problema ko sa pagtulog. Kanina nga ay naaakit na akong inumin iyong sleeping pills na mayroon ako dahil alas dos na ng madaling araw ay gising at aktibo pa rin ang isip ko pero pinigilan ko ang sarili na gawin iyon.

Chained MemoriesWhere stories live. Discover now