Patawarin Mo Ako Father Dahil Ako'y Nagkasala

58 0 0
                                    


Disclaimer: Ang mga pangalan ng karakter ay binago upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan. Pangalan, karakter, negosyo, mga kaganapan, local at mga insidente ay pawing kathang isip lamang ng awtor. Kahit anong resemblance sa mga totoong tao, buhay man o patay at mga kaganapan ay koinsidental lamang. Ang abortion ay isang topic sa Pilipinas na hindi pinaguusapan dahil sa paniniwala ng ina, anak at ng relihiyon. Hindi ko gusting magdiskriminate o makasakit ng kahit na sino. Wala akong nais ipahiwatig tungkol sa paniniwala o relihiyon nang kahit na sinong mambabasa.

Ito ay kathang isip lamang.

Play the Youtube video on top and use your headsets, headphones to listen to the ambient sounds.

Thank you for reading Anthology of the Dark.
Get cozy. And let us begin.

---

Dalawang lingo nan g huli kong confession. Ginawa ng Panginoon ang lahat, di ba? Sinabi ito sa Bibliya, ginawa niya ang lahat. So, kung ginawa niya ang lahat, ibigsabihin ba nito ay pati ang mga nagkasala ay ginawa rin niya? Sabi mo Father, pinapatawad niya ang mga nagkakasala, di ba? Kung mangungumpisal sila? Sabi mo rin na ang mga katulad ko na talagang nagkasalang lubos ay papatawarin rin niya? Dahil anak rin ako ng Diyos? Sabihin mo sakin Father... Napagisipan ban i God bakit niya ako kailangang gawing ganito? Sa tingin mob a ay kaya niyang patawarin ang isang anak na halimaw?

Sabihin mo. Ganito kasi 'yan Father, ang mga kasalanan ko ay katulad lang din ng iba. Nakapatay na ako ng mga tao sa talang buhay kong ito. Yung iba, deserve nila na mamatay, mas marami ang hindi. Pumapatay ako dahil kailangan kong pumatay para mabuhay. Pero Father, sa kada araw ko ditto sa mundong 'to, halos ikamatay ko kakaisip ng mga kasalanang nagawa ko. Last week Father, ginawa ko ang ika anim na kasalanan ng walang pag-aalangan. Wala akong naramdaman kundi gutom. Hindi siya karapat-dapat. Hindi dapat nangyari sa kanya ang ginawa ko. Pero, hindi ko mapigilan Father. Kailangan ito mangyari. Iniisip ko, kung hindi ko nagawa ang kailangan kong gawin, ano kayang mangyayari sa kanya? Mas maigi nang nailigtas ko siya kaysa lumaki siya sa mundong ito na puno nang paghihirap at kasamaan.

Father, alam ko ang nasa isip niya. Alam ko na habang hawak niya ang boteng iyon sa kanyang kamay habang nakatingin sa labas ng bintana, alam ko na ang kanyang plano. Amoy na amoy ko ito kahit sa malayo. Ayaw niyang maging isang ina. Kitang kita sa kanyang mga mata, kahit sabihin pa niyang paulit-ulit sa mga tao na mahal niya ito, hindi iyon ang totoo. Gusto na lang niya ito mawala. Hinintay ko siya. Naghintay ako nang tamang oras. Wala akong choice Father, hindi ko naman gusting mabuhay nang ganito. Pinanganak akong ganito. Sabi mo sakin lahat ginawa ng Dioys, so ngayon sabihin mo sakin Father, kung plinano nang Panginoon na maging ganito ako? Siya ang gumawa sakin na maging ganito! Nakatulog na siya. Nakatulog siya habang naguusap-usap ang mga tao sa kanyang paligid. Akala naman nila mapo-protektahan nila siya mula sa akin. Ha! Ang totoong kalaban ay natutulog sa kanyang higaan tapos ako ang kinakatakutan nila! Gusto niya siyang patayin! Nag-decide na siyang patayin niya siya!

Kaya ko ginawa ang tanging alam kong gawin, Father. Naging halimaw ako. Ang halimaw na kinakatakutan nilang lahat! Hindi naman niya siya ginusto, no, gusto lang niyang mawala na siya para maging Malaya na siya. Kasalan ang tingin niya sa kanya. Isang kasalanan! Wala naman siyang ginawa... Nais lang niyang mayroong magmahal sa kanya. Pero, wala na siyang magagawa. Kaya ako na ang nangligtas sa kanya mula sa pangit na buhay na ito. Kaya sa gitna nang dilim, naroon ako sa kanyang bubong at inilabas ko ang aking sandata... Ang sandatang nakapaty na nang maraming tao. Ibinigay ito sakin ng Panginoon.

Kinamumuhiyan ko ang aking sarili sa aking nagawa. Ang bilis ng dugo na dumadaloy sa aking pagkatao. Sabi ko nga Father, hindi ko naman ito talaga gusto pero kailangan koi to gawin. Ayaw naman niya siya eh, kaya kinuha ko siya mula sa mundong ito. Mas maigi na ito.

Sa sumunod na araw ay nakita na lamang nila siya sa kanyang kuwarto na dugo-duguan. Deserve niya iyon, pero hindi ng kanyang sanggol.

Tinawag nila akong halimaw, ngunit hindi niya siya ginusto mula simula. Sa totoo lang, mas gusto pa niyang inumin ang pangpura nang mawala na siya sa kanyang katawan. Ang kawawang bata. Pero hindi, kailangan kong gamitin ang aking regalo. Ang tanging kapangyarihan na ibinigay sakin nang Panginoon. Hindi ako ang halimaw ditto, Father.

Kaya muli, patawarin mo ako Father dahil ako ay nagkasala. Dalawang lingo nan g huli kong confession. Ginawa ng Panginoon ang lahat, di ba? Sinabi ito sa Bibliya, ginawa niya ang lahat. So, kung ginawa niya ang lahat, ibigsabihin ba nito ay pati ang mga nagkasala ay ginawa rin niya? Sabi mo Father, pinapatawad niya ang mga nagkakasala, di ba? Kung mangungumpisal sila? Sabi mo rin na ang mga katulad ko na talagang nagkasalang lubos ay papatawarin rin niya? Dahil anak rin ako ng Diyos?

Kaya ngayon Father, tignan mo ako, tingnan mo ang aking madugong mga mata, ang aking mga kamay at kuko, ang aking pakpak na mukang pang-demonyo at itong dila ko... Ang dila ko na ibinigay sa akin ng Diyos para iligtas ang mga batang ayaw nang kanilang mga ina. Sabihin mo sakin Father...

Mapapatawad ba nang Panginoon ang isang aswang?

Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon