Ang Litrato ng Aking Ina

135 4 0
                                    

   Kakaiba ang litrato ng aking ina...

   Isa lamang itong litrato ng mukha niya, ang kanyang buhok ay naka ipit sa gilid ng kanyang mukha, ulo kaunting nakatagilid sa kanan, ang kanyang mga mata ay naka tingin sa akin at mayroon siyang tila mala Mona Lisa na ngiti sa kanyang mukha. Tila may maliit na ngiti ito sa gilid ng kanyang mga labi.

   Noong maliliit pa kami ng mga kapatid ko, madalas kaming nagbibiruan na ito ay tumititig sa amin kahit saan kami maglakad sa kuwarto. O 'di kaya naman susundan kami ng tingin nito. Parang ang buwan, kahit saan ka magpunta, susundan ka nito.

   Ang aking ina, buhay at masigla, sabi niya sa amin isa lamang itong imahinasyon. Tipikal na sinasabi ng mga matatanda.

   Maniniwala na sana ako pero kumindat at ngumiti ito ng nakakapangilabot na ngiti na kita ang mga ngipin sa akin at sa aking pinsan.

Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon