Ang Takip ay Hindi Makakapagligtas sa Iyo

228 6 0
                                    


     Binuksan ko ang aking mga mata. Hindi ko maalala ano yung panaginip ko, pero binuksan ko lang ang aking mga mata. Nakakagalaw ako, kaya alam ko hindi ako nags-sleep paralysis, ika nga nila. Tumingin ako sa paligid at naisip ko na matulog na lang ako ulit. Napaka aga pa para gumising ako, pero habang papikit na ang aking mata nakaramdam ako ng presensya sa aking kuwarto. Parang mayroong nagmamasid sa akin.

Gusto kong buksan ang aking ilaw pero sira yung lamp ko tapos yung pinaka switch ng ilaw ay nasa kabilang dako pa ng kuwarto at wala akong intension na umalis ng kama kasi, alam ko kapag tumayo ako hindi ako makakatulog agad agad at kapag umalis naman ako ng kama ay baka biglang hawakan ng boogeyman ang aking mga paa.

Kaya kinuha ko ang aking cell phone tapos binuksan ko ang flashlight at tinapat ito sa aking madilim na kuwarto, syempre walang kung ano pa man akong nakita. Siguro imahinasyon ko lang ito sabi ko sa aking sarili. Ibinaba ko ang aking telepono at hinatak pataas ang aking kumot. Nararamdaman ko parin yung kung ano mang presensya ang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung saan, basta alam ko. Alam ko nandito lang ito.

Kaya ginawa ko ang ginagawa ng mga bata kapag sila ay natatakot sa dilim, nagtalukbong ako at nakita ko sa loo bang dalawang mata na nakatitig sa akin.

Hindi pala ito nasa kabilang dako ng aking kuwarto, katabi ko lang pala ito.

Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon