Banyera

89 2 0
                                    

[TRIGGER WARNING: Read with Caution]   

Hay, nakauwi din sa wakas.

   Buong linggo ako nag-OT kasi mayroon kaming event na paparating kaya lahat kami sa opisina mga nagsisi-OT para matapos na 'to. Nakakapagod. Ang haba ng linggong 'to... Pagod na pagod na ako.

   Nakatira ako magisa dito sa apartment. Gusto ko palaging magisa. Kahit na medjo may kamahalan yung renta dito, ayos lang kasi ayaw ko ng may kasama or ibang tao dito sa room. Ayaw ko ng room for sharing. Gusto ko ng sarili kong espasyo, ng sarili kong kalmadong lugar na malayo sa mga tao. Puwede mo siguro akong ihalintulad sa isang introvert  o yung mga tao na mahilig magisa. Ayaw ko lang ng may nangggugulo sa akin pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho. Gusto ko lang magpahinga. Hindi puwede ang mga alaga dito sa building eh, sayang nga, kaya mayroon lang akong mga ilang halaman na nakasabit dito (Pero sa totoo lang namamatay na sila kasi hindi din naman ako palagi nakakapagdilig).

   Nilapag ko lang ang bag ko, tinanggal ang jacket at sapatos tapos pumunta na agad sa paliguan.

   Sobrang mahilig ako magtagal sa bathroom. Pag naliligo ako, ang presko, ang sarap sa pakiramdam... Nakakakalma ba. Kada gabi, bago ako matulog, naliligo ako ng mainit na tubig. Suwerte ko na lang kasi itong kuwarto ko eh may kasamang banyera kaya palagi ko ito ginagamit. Ginagawa ko pa nga, magbubukas ako ng scented canldes, maglalagay ng bath bombs tapos kaunting ilaw at saka ako magpapatugtog ng Lo-fi na musika sa aking Spotify playlist. Nung ayos na ang lahat, winisik ko ang tubig kung tama ba ang temperatura at saka ako pumasok.

Sobrang ganda ng apartment na 'to. Sabi nga ng pamilya ko ang ganda daw ng nakuha ko. Nakuha ko lang din 'to sa mababang presyo. Dalawa lang yung huling gumamit nitong unit na 'to bago ako. Sabi nung tagapamahala, umalis na daw yung dating nagrerenta kasi anim na buwan lang sila tapos may mga hindi sila mapaliwanag na pangyayari kaya sila umalis, wala naman sa akin 'yun! Buti na nga lang oh! At least, nakita ko 'to. Salamat sa kanila sa totoo lang.

Ipinikit ko ang aking mga mata para mag-relax. Ahhhh~ This is the life. Deserve ko 'to... Sobrang pagod na ako. Nararamdaman ko na yung trabaho ko nakakaapekto na sa akin... Sobrang pagod na pagod na ako. Siguro nakaiglip ao kasi pagbukas ko ng mata ko yung kandila ko malapit na maubos tapos yung tubig medjo malamig na. Tiningnan ko yung orasan, trenta minuto na ang nakalipas. Tumayo na ako at tinanggal ang tubig tapos pumunta sa kabilang kuwarto para magbihis ng pantulog.

Paglabas ko ng bathroom, walang mga ilaw. Naaalala ko na nakabukas yung ilaw ko bago ako naligo. Meh... Naglakad lang ako patungo sa... Teka... Ano? A-ano 'to??? Nasaan ang mga gamit ko? Ano? May ibang ao ata dito sa kuwarto ko! Tumakbo ako sa kitchen para kunin ang telepono pero pagdating ko sa kitchen nawawala ito. Hindi yung nailipat lang sa kung saan, kundi wala talalaga ito! Wala ito! Anong nangyayari dito?! Tumakbo ako pabalik sa aking kuwarto at ngayon walang laman ang kuwarto ko, nandoon ang kama pero yung ibang gamit wala, wala yung mga gamit ko! May mga garbage bag lang na nadoon at may yellow tape. Ano?! May nagnakaw siguro dito! Leche! Nanakawan ako!

O 'di kaya naman yung magnanakaw nandirito pa rin? Oh no! Baka nakalimutan kong i-lock yung kuwarto kaya siya nakapasok! Hindi na ako nagdalawang isip pa, tumakbo ako patungo sa aking pintuan... Pero hindi nakasara ang aking pintuan. Sabi na nga ba eh! May naka pasok nga at ninakaw ang mga gamit ko! 'Di bale na, kailangan ko umalis dito. Pabukas ako ng aking pinto nang biglang may ibang nagbukas nito, muntik pa nga akong tamaan eh.

Lalake. Dalawang lalake! Mga magnanakaw!...Teka...Binuksan ng isa sa kanila ang ilaw at doon ko lang nakita na mga pulis pala sila.

"Manong pulis!" sabi ko "Nanakawan ho ako! Nasa may paliguan ako tapos--"

"Pulis!" sigaw niya sa akin "May tao ba dito?"

"Oho, meron, hello?  Nanakawan ako! Hindi ko alam sinong--"

Isa sa mga pulis ang nagbukas pa ng ilaw at sa gulat ko, itong kuwarto... Hindi sa akin ang mga gamit na nandito. Hindi sakin ang mga kubyertos na 'yan, ang sofa na 'yan, lalo na ang mga appliance na 'yan. Naisip ko na baka namali ako ng pasok ng apartment pero hindi eh...Naaalala ko na kinuha ko ang susi ko, nilagay ko sa door knob, pumasok, nilapag ang bag ko pati ng jacket ko sa sahig tapos nagtungo sa paliguan tapos inayos ang mga kandila ko at... At...

Yung isang pulis, dumiretcho na siya sa loob ng kuwarto. Tinitingnan niya lahat. Habanag yung isa naman aya nasa labas kasama ang isang pamilya. Dalawang batang lalaki na takot na takot, at dalawang babae. Mukang lahat sila ay nanginginig sa takot. Yung isang bata nga umiiyak sa takot eh.

"Nung una narinig lang namin yung ingay sa loob ng paliguan" wari ng isa sa mga nanay "Nakabukas yung tubig sa loob kahit wala namang tao sa lob"

"Naisip namin baka may ibang tao sa loob ng apartment tapos nagtago sa loob ng CR" sabi ng isa habang hinahaplos ang kanyang braso "Dapat nga papasukin ko na yung CR kaso bigla nagbukas ng magisa yung pintuan at, ayun, nagkatakutan na"

"Yung mga bata naman nasa tulugan tapos narinig daw nila na may tumatakbo sa loob ng kuwarto tapos bigla may tumatakbo papalabas kung saan saan"

"Sobrang takot nila, sa totoo lang"

"Huwag ho kayo magalala madam," sabi ng pulis "Titingnan ho namin 'tong buong lugar"

Nakatayo lang ako sa harap nilang lahat, hinihintay kong ay makapansin sakin.

"Sa totoo lang," ani ng ginang "Nung una kaming naglipat dito ayos naman eh. Mga ilang araw lang nakalipas."  Lumapit ito sa pulis at binulong "Iniisip ko baka ito na 'yung sinasabi nilang nagmumulto dito. Nakuha lang kasi namin 'tong unit na 'to sa mababang presyo kasi yung dating tenant daw nito eh nagpakamatay sa paliguan. Yun ang sabi nila. Hindi naman a kami makahanap ng ibang magandang murang lilipatan."

"Yun nga lang ang problema, maganda nga pero may ganung history pala... Pero hindi naman kasi kami naniniwala sa mga ganun. Nakakaloka lang."

A-anong... Anong dating tenant? Ako... Ako lang ang nandito. Andito ako. Naaalala ko, nandito ako, naliligo, nakatulog sandali sa pagod ko sa trabaho. Gusto ko lang talaga magpahinga. Gusto...Gusto ko lang... Gusto ko lang magpahinga. Pagod na ako sobra. Pagod na pagod na ako. Hinde... Hindi ako patay. Hindi ako multo! Hindi ko pinatay ang sarili ko! Hindi 'to totoo... Hindi ito totoo!!!

Tumakbo ako pababa ng hangdan at papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pintuan, Hay, nakauwi din sa wakas.

Buong linggo ako nag-OT kasi mayroon kaming event na paparating kaya lahat kami sa opisina mga nagsisi-OT para matapos na 'to. Nakakapagod. Ang haba ng linggong 'to... Pagod na pagod na ako.

Nakatira ako magisa dito sa apartment. Gusto ko palaging magisa. Kahit na medjo may kamahalan yung renta dito, ayos lang kasi ayaw ko ng may kasama or ibang tao dito sa room. Ayaw ko ng room for sharing. Gusto ko ng sarili kong espasyo, ng sarili kong kalmadong lugar na malayo sa mga tao. Puwede mo siguro akong ihalintulad sa isang introvert o yung mga tao na mahilig magisa. Ayaw ko lang ng may nangggugulo sa akin pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho. Gusto ko lang magpahinga. Hindi puwede ang mga alaga dito sa building eh, sayang nga, kaya mayroon lang akong mga ilang halaman na nakasabit dito (Pero sa totoo lang namamatay na sila kasi hindi din naman ako palagi nakakapagdilig).

Nilapag ko lang ang bag ko, tinanggal ang jacket at sapatos tapos pumunta na agad sa paliguan.


Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon