Globo

65 0 0
                                    

   Noong maliliit kami, ako at ang mga kapatid ko ay nakakakita ng globo na nakapaligid sa aming Bahay.

   Nasa loob ang Bahay namin, mayroong manipis na salamin na nakapaligid tapos titigil ito sa labas lang ng gate namin. Pati yung ibang mga Bahay rin mayroong globo. 'Yung iba malinaw, yung iba naman mayroon nang pigtas. Sa tingin ko kaming mga bata lang ang nakakakita nito noon, kasi kapag sinasabi ko sa mga nakatatanda, palagi lang nilang sinasabing imahinasyon lang namin iyon.

   Ang globo namin ay nanatiling malinis at malinaw hanggang sa isang araw, may pigtas na ito. Parang sira. Tapos habang papalaki kami ng papalaki, unti-unti ring nasisira ito na parang puzzle piece. Makalipas ang ilang taon, nawala na ang globo.

   Akala ko talaga normal na mayroong mga globo ang mga Bahay. Akala ko, ito ay para hindi kami makaalis agad.

   'Yun pala, ito ay proteksyon sa kung ano ang nasa labas.

Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon