Gaya-gaya

128 3 0
                                    

   Naglalaro kami ng mga pinsan ko sa pangalawang palapag na balconahe ng kanilang bahay. Mayroon itong napakagandang tanawin ng mga puno at ang kanilang lupa. Ako at ang mga pinsan ko ay magkapit bahay lamang kaya napakadali sa amin na pumunta sa bahay ng isa't isa para makipaglaro. Ako, ang Ate ko at apat sa aking mga pinsan ang naglalaro ng telescope na binili ng aming tatay para sa amin.

   Napatingin ako sa aming garahe at nakita ko ang aking isa pang nakatatandang kapatid na nakatayo at nakaharap sa aming gate. Tinawag namin siya para pumunta sa kabilang bahay paulit-ulit para makipaglaro. Naaalala ko suot pa nga niya ay sando, shorts at tsinelas. Patuloy pa rin namin siya tinatawag ngunit hindi niya kami nililingon, nanroon lang siya nakatayo sa harap ng aming gate at nakatalikod sa amin.

   Noong una, akala ko mayroon siya tinitingnan kaya siya naka-focus sa labas ng gate. Inisip ko pa nga na ang weird na hindi niya kami naririnig.

   Madilim na nun, mayroong kainan sa aming bahay at wala man lamang nagtataka asaan ang mga bata. Tinawagan ng Ate ko ang aming bahay para tanungin kung handa naba ang hapunan.

   Natigilan siya. Lumingon ang aking kapatid sa akin. Ang kanyang mukha maputla at tila hindi makapaniwala.

   "Ano?" tanong ko.

   Lumunok siya ng malakas at sinabing "Nasa telepono siya," ang kanyang boses nanginginig kaya tiningnan namin siya "Nasa telepono siya, ngayon. Ngayon mismo siya ang nasa telepono!"

   Hindi o maintindihan kung anong ibig niyang sabihin sa Siya mismo ang nasa teepono. Sino ang nasa telepono? Tapos, isa sa mga pinsan ko ang biglang sumigaw at sinabing "Oy! Wala na siya! Andun lang siya kani-kanina ah"

   Saka ko lamang naintindihan, pero kailangan ko malaman mismo. Kinuha ko mula sa kamay ng aking Ate ang telepono at iniligay ito sa aking tainga.

   "Hello?" sabi ng boses sa kabilang linya "Oy, tigilan niyo na nga! Handa na ang hapunan. Hinahanap ni mommy---"

   Ibinaba ko ang telepono at tiningnan ang aking Ate. Palagay ko ay nagkaintindihan kaming lahat sa nangyayari. Inabot kami ng ilang segundo para sumigaw sa takot at magtakbuhan o di kaya ay isipin pang maigi ang aming nakita. Dahil, alam namin na iisa ang aming nakita. Tinawag namin siya, tinawag namin ang kanyang pangalan paulit-ulit para makipaglaro. Lahat kami nagtakbuhan pababa. Nakita namin ang aking kapatid na nasa garahe at nakaharap sa aming gate. Siya iyon. Ngunit ako at ang Ate ko, narinig naming pareho na ang kapatid namin ang sumagot ng telepono habang tinatawag ng aming mga pinsan kung ano man ang nakatayo sa ming garahe na kamuka ng aming isa pang kapatid.

   Nakita namin siyang lahat. Nakita namin ang doppleganger o manggagaya ng aming kapatid.

Anthology of the DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon