Chapter 47

63K 1.6K 1K
                                    

CHAPTER 47

"PRINCESS."

Napalingon ako kay Amber nang tinawag nito ang pangalan ko.

Napakurap ako.

"H-Ha? May sinasabi ka ba?" Tanong ko.

Mataman ako nitong tinignan at kinuotan ako ng noo.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti ako.

"Oo naman. I'm okay." Tugon ko.

"Your smile answered my question, Princess. It was my first time seeing you forcing a smile." She said and sighed.

"May problema ba? Look at you, you're pale. Medyo pumayat ka rin." Naiiling na sambit nito.

Napangiwi ako at napabuntong-hininga. Napapansin ko na rin ang pamumutla ko these past few weeks. Baka stress lang ako kaya ganito ako.

It's been one month since James don't come home often. Kung uuwi man ito ay late na at mahimbing na akong natutulog at kinabukasan ay wala na naman ito.

Maselan ang pagbubuntis ni Venus at palagi daw itong dinudugo kaya inaasikaso ito ni James.

Hinayaan ko ang asawa ko at nagtiis sa bawat araw na hindi ito nakakauwi sa bahay. Pinipilit kong magpakatatag dahil iyon ang nararapat. Hindi ako puwedeng maging mahina sa ganitong sitwasyon.

Ang bawat sakit at hapdi ay dinadaan ko sa pag-iyak gabi-gabi.

I'm just thankful that Prinx Kal and Trixie Princess aren't home. Mas mabuting doon muna ang mga ito sa lola nila. Ayokong makahalata ang mga ito na nagkaka-problema kami ni James. Knowing my eldest son, he's smart enough to understand things. At the age of eight, Prinx Kal is a smart one. He's a little version of his father.

"Are you sure you're really okay?" Amber asked again.

Tumango ako.

Walang alam ang mga kaibigan namin sa nangyayari sa amin ni James at mas mabuting walang alam ang mga ito. Problema naming mag-asawa 'to at kaming dalawa lang din mismo ang haharap sa problema namin.

"Ang putla mo." Anito at inilabas ang cellphone.

"Hey, babe. I can't go home early, ha? Sasamahan ko lang si Princess. You're at Clyde's club? Okay. Ingat ka pauwi mamaya. Huwag kang magpapakalasing tangina ka. Pinagod mo ako last week dahil ang tagal-tagal mong labasan punyeta ka." Natawa ako sa sinabi ni Amber.

Kausap nito si Renz mula sa kabilang linya at napailing na lang ako. Wala talagang pinagbago ang mag-asawang 'to. They're still the same. Parang mga aso't-pusa pa rin pero alam ko namang iyon ang paraan nila ng paglalambing sa isa't-isa.

Namimiss ko tuloy ang paglalambing ni James sa'kin. Natigilan ako at nawala ang ngiti sa mga labi ko. Sana lahat hindi nagbabago. Sana lahat kagaya pa rin ng dati. Hanggang sana na lang talaga ako.

Nabigla ako nang hinila ako ni Amber papalabas ng cafe na kinaroroonan namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa hospital ng asawa mo. Kailangan mong magpacheck-up, Princess. Ayokong nakikitang maputla ka." Anito at napailing.

Sinakay ako nito sa kotse nito kaya hinayaan ko na lang.

"Wala naman akong sakit." Sambit ko nang nasa biyahe na kami.

Puso ko lang ang masakit. Durog na durog.

"Mabuti na ang makasigurado. Nadala na ako kay Renz noon. Sinasabing walang sakit pero pinaiyak ako ng gago." Naiiling na sambit nito.

Napailing ako sa sinabi nito at napatakip sa ilong ko.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon