Chapter 17

111K 2.5K 569
                                    

CHAPTER 17

"LAVENDER!" Napatingin kaming lahat nang marinig ang sigaw na iyon.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mapagsino ang sumigaw.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan ko nang makita si Princess at Krystal hindi kalayuan sa amin, kaharap ang dalawang lalaking nakaitim.

Dinig na dinig ko ang nakakabinging pagtunog ng upuan ko dahil sa malakas na pagbagsak niyon sa tile na sahig pero hindi ko pinansin iyon.

"Fuck!"

"P*tang ina!" Halos sabay naming sambitin ni Jastin ang mga katagang iyon.

Kitang-kita ko ang pagbagsak ni Krystal sa sahig habang hawak-hawak ang duguang tagiliran nito.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Sunod-sunod at malakas na mura ko nang makitang lumuhod si Princess para daluhan si Krystal. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata nito at ang panginginig nito.

"Fuck!" Muling mura ko at binalingan ang mga kasama ko na ngayon ay nakatayo na din. "Catch that bastards! You know what to do!" Pasigaw na utos ko sa mga ito at dali-daling tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Princess.

'Oh, God! Not again, please! Please! No! No!'

"No! No! No! Please don't die! Don't die! Ahhhhhhhh!" Narinig kong malakas na sigaw ng dalaga.

Nang makalapit ako dito ay kaagad ko itong niyugyog sa mga balikat nito. She's not in a good state, I can see that. Parang wala ito sa sarili nito. She's having an anxiety attack again.

'Fight for it, baby. Please. Please.'

Pilit kong inaagaw ang mga kamay nito na nakapatong sa sugat ni Krystal. Nakita ko si Jastin na ngayon ay dinadaluhan na si Krystal.

Nang magtagumpay ako sa pag-alis ng kamay ni Princess kay Krystal ay kaagad kong sinapo ang mukha nito.

"Shai. Shai, listen to me. Look at me. Please, look at me." Pagmamakaawa ko sa dalaga. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan nito. Pinagpapawisan na din ito.

'Oh, my princess'

Paulit-ulit itong umiling at mariin na pumikit na para bang natatakot ito sa makikita nito kapag nagmulat ito ng mga mata.

"Look at me, Princess! Damn it!" Hindi ko mapigilang isigaw iyon sa sobrang pag-aalala ko sa dalaga.

Nagmulat ito ng mga mata at tinignan ako na para bang pinag-aaralan nito ang kabuuan ko. Ilang sandali lang ay lumayo ito sa akin at nanginginig na niyakap nito ang mga tuhod nito.

Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita kong takot sa mga mata nito.

"Princess. Oh, baby. Please. You have to fight that. Please." Paulit-ulit na pagmamakaawa ko sa dalaga.

Pero tinakpan lang nito ang magkabilang tenga nito at sumigaw ng malakas.

"I'm sorry! I'm sorry! Please, don't die! Don't die! Don't die!" Paulit-ulit na sigaw nito.

Muli ko itong hinawakan pero tinabig lang nito ang kamay ko. Takot na takot itong tumingin sa akin. Hindi ako nagpatinag at muli ko itong hinawakan pero umaatras ito habang nakaupo hanggang sa mapansandal ito sa pader na nasa likod nito.

"Baby, please. It's okay. It's okay. Calm down, okay? Please. Not again, baby. Don't do this to me, please. Don't do this again, please." Pagmamakaawa ko dito at hinuli ko ang magkabilang kamay nito. Nanginginig ang mga iyon at pilit na inaagaw mula sa akin pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakawak ko sa mga kamay nito.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now