Chapter 20

110K 2.5K 965
                                    

CHAPTER 20

So ayun nga, bibitinin ko kayo ng bongga😂 No for BS for now. Yes for love. Ayiiiieeeh. Sorry sa matagal na pag update.

Busy ako sa mga KAPUTO KO 😂

Hi to Ate Christine Garciano 😘😘
Salamat sa motivation, ate. Awabyu 😘😍 Dahil sa'yo nagkagana akong mag update. Hahaha.

ENJOY READING 😘

HINDI ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan si Princess. Himbing na himbing ang tulog nito. Napagod ito.

Who wouldn't be? Napagod ko ito. Paulit-ulit ko itong inangkin. And I really can't control myself when it comes to her. Ang mga ungol at sigaw nito habang inaangkin ko ito ay isang napakagandang musika sa pandinig ko.

Muli ko itong pinagmasdang mabuti. Inayos ko ang pagkakahiga nito sa braso ko at mas lalong isiniksik ang hubad na katawan nito na nakadikit sa katawan ko. Masuyo ko itong hinalikan sa mga labi.

Naramdaman ko ang paggalaw nito pero hindi ito nagising. Hinalikan ko ito sa noo at paulit-ulit na muling hinalikan ang mga labi nito. Hindi ito nakakasawang halikan.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang pagkakahiga ng dalaga sa unan.

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang text doon.

Can I call you?

It's a message from Edsel. Kaagad ko itong tinawagan.

"What?" Bungad ko nang sagutin nito ang tawag ko.

"Nagawa ko na ang pinag-uutos mo. Hope Tan will like it." May kasiyahan sa boses nito.

Napangisi ako.

"Next time I will give him the whole fingers." Seryosong sabi ko.

"What's your plan now, Phyton?" Tanong nito.

"He warned us. And I don't like it. Napahamak si Princess at Krystal.Ayokong may napapahamak ni isa man sa inyo. I won't let him this time." Tiim ang bagang na sabi ko.

"Well, he's just starting. But no one mess with James Karl Smith." Natatawang sabi nito.

"Alam kong nag-uumpisa pa lang siya. Hindi niya ako titigilan, sigurado 'yon. I'm prepared. Pero mag-iingat pa din kayong lahat." Pormal na sabi ko.

"Copy that, sir. We can handle ourselves. Mag-iingat ka din. Please protect your Princess. Kailangan ka niya." Seryosong sabi nito.

Napabuntong hininga ako.

"I know. Nandito naman ako palagi para sa kanya."

"I am well aware about that. Sinundan mo pa nga siya sa Korea at pinabayaan mo ang kumpanya mo dito. Mabuti na lang at may isang guwapong katulad ko na kayang patakbuhin ang kumpanya mo kahit wala ka." Natatawang sabi nito.

Napangiti ako.

"That's my little secret. I don't want Princess to know that. You better keep it." May pagbabanta sa boses ko.

Narinig ko ang malakas na pagtawa nito.

"Why? You don't want Princess to know how crazy inlo-"

Hindi ko na ito pinatapos at kaagad na pinatayan ito ng tawag. Napailing-iling na bumalik ako sa kama at muling pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ng dalaga.

"Thank you for loving me, my princess. You don't know how happy I am when you confessed. And at the same time I'm scared. Hindi ako perpekto at natatakot ako na baka masaktan lang kita." Masuyong sabi ko dito at hinalikan ang noo nito.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now