Chapter 29

89.1K 2.1K 353
                                    

CHAPTER 29

Enjoy reading! 😘😘

NAGMULAT ako ng mga mata ng makaramdam ng mahihinang pagyugyog sa akin.

Pupungas-pungas na nagdilat ako ng mga mata at at bumangon. At isang pares ng berdeng mata ang sumalubong sa akin.

"James..." Usal ko sa tonong nagrereklamo.

"Wake up now, love. The Phoenix's are waiting." Masuyong sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Naghihikab na nag-unat ako ng mga kamay at tumingin sa orasan na nakapatong sa bedside table ko. It's 3:30am in the morning and it's still early!

"Agh! I want to sleep more!" Reklamo ko at muling nahiga at nagtalukbong ng kumot.

I just heard him chuckled. Inalis nito ang kumot sa akin at masuyo akong binuhat.

"James!" Nagpapadyak ako habang buhat-buhat nito.

Mahina lang itong tumatawa habang naglalakad papasok ng banyo. Nang makapasok doon ay pinaupo ako nito sa sink at kinuha ang toothbrush ko at nilagyan iyon ng toothpaste.

Masama ko itong tinignan ng iabot nito iyon sa akin. Padabog ko iyong inabot at nagsimulang mag toothbrush.

Hindi ko na kailangang magtanong kung paano itong nakapasok sa kuwarto ko. Panigurado ay inakyat na naman nito ang veranda ng kuwarto ko at doon dumaan.

Gawain naman nito iyon. Hindi nito ugaling gumamit ng pinto para makapasok sa bahay namin.

At alam ko din na simula nang umalis ako sa condo nito ay lagi ako nitong binabantayan at minsan ay pinapabantayan ako nito sa iilang agents nito.

Ngayon ang alis naming lahat papunta sa private beach resort na pagmamay-ari ni Rein Sandoval para doon i-celebrate ang birthday ni James.

Pero ang nakakainis ay bakit kailangang madaling araw kami magbibiyahe? May saltik din sa utak si Rein. Tsk. Gustong-gusto nitong nagbibiyahe ng madaling araw. Lakas ng trip.

"Still sleepy?" Nakapamulsang tanong ni James nang matapos akong mag toothbrush.

Inirapan ko ito at itinulak palabas ng banyo.

"Out and I'll just take a quick shower." Pagtataboy ko dito at tuluyang ni-lock ang pinto ng banyo.

Mabilis akong naligo at lumabas ng nakatapi lang ng tuwalya ang katawan.

Nakita ko si James na nakaupo sa kama. Napatingin ito sa akin at napalunok. Kitang-kita ang kislap ng pagnanasa sa mga mata nito.

"Get dress." Kaagad na utos nito at nag-iwas ng tingin.

Lihim akong napangiti. Nagpipigil ito ng sarili nito. And if only I'll make the first move, alam kong kaagad itong bibigay.

Napapailing na pumasok ako ng walk in closet ko at doon na nagbihis. I wore a denim shorts and blue off shoulder tops. Nagsuot din ako ng blue sneakers.

Nagsuklay ako ng buhok at naglagay lang ng polbo sa mukha at nude lipstick sa labi.

Nang matapos ay kaagad na akong lumabas. Ngumiti si James sa akin nang magtama ang mga namin.

"Let's go?" Anito habang hawak ang maliit na maleta ko.

Yes, maleta kasi tatlong araw kaming mananatili sa beach resort ni Rein, courtesy of James Karl Smith. Perks of being the owner of SPIC, kaya nitong huwag magpapasok kahit ilang buwan o taon pa.

"Hindi ka kaya lalamigin niyan?" Tanong nito nang pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Oh, damn! My woman is really beautiful and stunning." Puno ng paghanga ang mga mata nito.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now