Chapter 36

88.2K 2.2K 907
                                    

CHAPTER 36

"I CAN'T ACCEPT David as a member of Phoenix, Grandpa!" Narinig kong mariin na sabi ni James sa kausap nito sa telepono.

Nandito kaming lahat sa sala ng rest house ni Rein. Si Sharmaine at Rein ay naroon sa labas at abala sa pakikipag-usap sa mga police na dumating para hulihin si Raymond Tan. Ang iba naming mga kasama ay tahimik lang na nakamasid sa mga nangyayari.

Alam kong kausap ni James ngayon ang lolo nito. Even Mr. Leandro Smith retired as the owner of SPIC a long time ago, he have still the power to choose and to recruit a new member of our team.

Lahat kaming mga miyembro ng Phoenix ay ito ang bumuo. He was the founder and always will be.

Nakita ko ang pagtagis ng ngipin ni James habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Madilim ang mukha nito nang ibinulsa nito ang cellphone nito.

"James..." Tawag ko sa binata.

Saglit lang itong tumingin sa akin at kapagkuwan ay madilim ang mukhang tinignan si David na hindi umiimik. Nakipagtitigan ang dalawa.

"Wala akong magagawa dahil ang lolo ko ang kumuha sa'yo bilang isa sa mga miyembro ng Phoenix. But still I can't accept you." Madiin ang bawat salita nito.

"I can't force you to accept me in your team. It was your grandfather's decision, not mine." Kibit balikat na tugon nito.

Nilapitan ko si James at hinawakan ito sa kamay.

"James. Whatever your reason why you can't accept him, we can't still deny the fact that he save us earlier." Mahinang paliwanag ko sa binata.

"Well, thank you for saving us, then. I still can't accept you. You tried to rape Princess a long time ago! You even drugged her!" Patuloy ng binata na hindi inaalis ang tingin kay David.

Malakas na napabuntong-hininga si David.

"Do I have to explain myself here? Hindi pa ba sapat na niligtas ko kayo sa kapahamakan?" Naiiritang sambit nito.

"Explain yourself, then." Sabad ng kapatid ko na prenteng nakaupo sa pang isahang sofa at tinignan ng diretso sa mga mata si James. "Listen to him. And judge him after you hear his story." He was challenging James.

"I don't want to-"

Pinisil ko ang mga kamay ng binata.

"James, please. Listen to him. Para maliwanagan tayong lahat. Para matapos na 'to. Please?" Pakiusap ko sa binata.

Ang madilim na mukha nito ay naging malamlam habang nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga ito at muling tumingin kay David.

"Spill it. Bakit nasa poder ka ni Raymond? Bakit pinagtangkaan mo si Princess? Why did you drugged her? And why the hell that we didn't know that you are Prince's bestfriend? Even Princess have no idea about you. And how come that you are now a member of Phoenix?" Sunod-sunod na tanong ng binata.

David just rolled his eyes and glanced at my brother.

"You should be helping me explaining this." Gigil na sabi nito.

My brother just shrugged his shoulders.

Nagpakawala ng malakas na buntong hininga si David bago nagsalita.

"I'm in a military. And Tan was my mission. Isa siya sa pinakamakapangyarihan na sindikato sa buong Pilipinas. Five years ago,I saved him from his enemies. Nang mga panahong iyon ay lagi ko siyang binabantayan at iniimbestigahan. Looking for a proof to send him to jail. I even gain his trust after I saved him. Ginawa niya akong bodyguard niya. But Tan is Tan. Kahit pinagkakatiwalaan niya ako ay maingat siya sa mga kilos niya. Masyado siyang malinis magtrabaho. Walang iniiwang ebidensya. He's a drug dealer at marami siyang koneksyon. Marami siyang pinapapatay." He paused for a moment and looked at me.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now