Chapter 24

91.8K 2.3K 554
                                    

CHAPTER 24

NAKAPAMULSANG tiningala ko ang mataas na gate ng mansyon ni Raymond Tan.

Nakapuwesto ako sa madilim na parte na hindi nakikita ng CCTV camera na nakakabit malapit sa entrada ng gate.

Napalingon ako sa kasama ko nang tumabi ito sa akin.

"I don't know why I'm even here with you." Naiiling at napapangiwi na sabi nito at inayos ang suot na salamin.

"You can go home if you want, Xander." Kibit balikat na sabi ko at tinignan ang kabuuan nito.

Like me he's wearing all black. Mula sa suot nito sa ibaba hanggang sa taas. May suot din itong itim na sumbrero na kasingtulad ng suot ko.

"Do you really have to visit him at this hour?" Napapantiskuhang tanong nito. Hindi makapaniwala na inistorbo ko ang malalim na pagtulog nito sa dis-oras ng gabi.

"You're cousin is not available. He's busy stalking someone." Sagot ko at muling tiningala ang mansyon ni Tan.

Maliwanag iyon at natitiyak ko na maraming mga armadong lalaki ang nakabantay sa kabuuan ng bahay.

"What are you planning to do?" Tanong nito habang abala sa pagpindot ng kung anu-ano sa hawak nitong cellphone.

"Just want to have a little bit fun." Nakangisi ngunit seryosong sabi ko.

Umangat ang tingin nito sa akin at ibinulsa ang cellphone nito.

"Let's have fun, then." Sabi nito at tinuro ang CCTV camera. "Hindi ka na niyan makikita." Nakangising sabi nito.

I looked at him in amusement. That's why he was busy with his cellphone earlier. Marahil ay pinasok na naman nito ang system ng mansyon. Kung paano nito iyon nagagawa, ito lang ang nakakaalam.

"Hindi ako nagsisising ikaw ang inistorbo ko ngayong gabi. Alam kong gagawin mo iyan." Nakangising sabi ko at tumakbo na papuntang gate.

Mataas iyon pero walang kahirap-hirap na inakyat ko iyon hanggang sa makarating na ako sa loob. Nilingon ko si Xander at ganoon din ang ginawa nito.

Pinaikot ko ang paningin ko at nakita ang ilang kalalakihan na nagbabantay sa ilang sulok ng mansyon. May dalang mahahabang baril ang mga ito.

"One, two, three. Oh! They are five." Parang naaaliw na sabi ko at nilingon si Xander at ngumisi.

Sandali kaming nagkatinginan at napailing na lang ito nang mapagtanto ang ibig kong sabihin.

"Give me five minutes." Ani Xander at inumpisahang sugurin ang limang kalalakihan. Kasing bilis ng kidlat ang kilos nito at hindi hinayaang makapanlaban ang limang lalaki.

Ang mga mata ko ay awtomatikong tumingin sa suot kong relo. Napasipol ako nang saktong limang minuto ay nakita kong nakahundasay na ang limang kalalakihan na sinugod ni Xander.

"Wala ka pa ring kupas. One minute every person. Very good, Kiel." Sabi ko at natawa nang makita ang pagngiwi nito.

Alam kong ayaw na ayaw nitong tinatawag itong Kiel. Masyado daw pambata.

"Gawin mo na ang binabalak mo at ako na ang bahala dito. Tsk." Sabi nito at inayos ang suot na sumbrero na bahagyang nawala sa ayos.

"Kapag dumating si David, kaya mo?" Nanghahamon na tanong ko.

He straightened his back and grinned at me. An evil one.

"I can handle him." Mayabang na sagot nito.

"I know." Natatawang sabi ko at nag umpisa ng maglakad papasok ng mansyon.

Inisa-isa kong buksan ang lahat ng kuwarto na naroroon. Pero hindi ko pa rin nakikita ang pakay ko.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt