Chapter 44

61.6K 1.6K 821
                                    

CHAPTER 44

ANG BUONG AKALA ko ay perpekto kami. Ang buong akala ko ay walang makakasira sa pagmamahalang kaytagal naming inalagaan. Ang akala ko ay magiging masaya kami hanggang sa huli. Ang buong akala ko ay maging tapat kami sa isa't-isa. Manatiling matibay at kumakapit sa isa't-isa.

Pero ang lahat ng iyon ay puro akala na lang. I'm really not dreaming. Totoo ang lahat. James really cheated on me with someone at napakahirap iyong tanggapin.

I know how he loves me as a woman and as his wife but why this happened? Iniisip ko kung saan ako nagkulang. Iniisip ko kung masyado ba akong naging kampante sa pagmamahal ni James sa akin?

Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko. It's been one week after I learned that James had an affair with someone. Isang linggo ko itong hindi kinakausap at sa tuwing makakasalubong ko ito sa bahay ay parang hindi kami mag-asawa.

Lumabas ako mula sa kuwarto at naabutan ko si James sa maliit na bar counter. Umiinom itong mag-isa.

Tumingin ito sa akin pero nag-iwas ako ng tingin. Naglakad ako at akmang lalampasan ito nang hawakan ako nito sa braso.

"Love... Talk to me, please." Nakikiusap ang mga mata nito.

Diretso ko itong tinignan sa mga mata. Umiiwas ako dahil ayokong komprontahin ito. Ayokong marinig ang mga sagot nito na alam kong ikakasakit ng puso ko. Pero siguro, kailangan kong harapin ang problemang ito.

"Ilang beses?" Mahinang tanong ko. Pakiramdam ko ay sinasaksak ang puso ko sa sarili kong tanong.

"Love-"

"Tinatanong kita kung ilang beses mo siyang inangkin, James." Mariing sambit ko.

Dumaan ang matinding pagsisisi sa mga mata nito.

"Love, please." Hirap na hirap itong sagutin ang tanong ko.

Mapakla akong natawa.

"Hindi ka makasagot? Bakit? Dahil hindi lang isang beses?" Naluluhang tanong ko.

"It was just a one night stand, love. Please-"

"Yeah, isang gabi lang pero ilang beses mo siyang inangkin ng gabing iyon, James? Dalawa? Tatlo? Apat na beses?" Puno ng sarkasmong tanong ko.

Marahas itong napabuntong-hininga.

"I was drunk. I-I don't know why it happened. I-I thought she was you so I fuck her again and again. Believe me, please. Lasing na lasing ako noon, love. Ang buong akala ko... Ang buong akala ko ay ang asawa ko ang kasama ko at-"

"Fuck you, James!" Sigaw ko at tinabig ko ang kamay nito.

"You thought she was me? Bakit? Masarap din ba siya katulad ko? Ano? Sarap na sarap ka at sarili mong asawa ay hindi mo na nakilala?!" Sigaw ko at inumpisahan kong punitin ang damit ko habang lumuluha.

"Fuck me now at sabihin mo sa akin kung sino ang masarap sa'ming dalawa! Hindi pa ba sapat 'tong katawan ko sa'yo, ha? May kulang pa ba, James? May kulang pa ba?" Humagulhol ako ng iyak habang pinupunit ang damit ko.

"Love, please." Mahigpit ako nitong niyakap. "Tama na. Tama na, please." Mas lalo ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Bakit? Bakit mo nagawa sa'kin 'to? Am I not enough? Nagkulang ba ako sa'yo, James? Please, tell me. Sabihin mo ang kulang at pupunuin ko, James. Sabihin mo lang dahil ang sakit-sakit. Ang sakit ng ginawa mo sa'kin, James! Sobrang sakit!" Humagulhol ako ng iyak sa dibdib nito.

"I'm sorry. I'm really sorry. I'm sorry, love. Patawarin mo ako, please. Patawarin mo ako." Basag na basag ang boses nito.

"I trusted you." Lumayo ako mula dito. "Sobra akong nagtiwala. Minahal kita ng sobra-sobra, James. Sobrang mahal na mahal kita." Pinunasan ko ang mga luha.

"At ngayon ko na-realized, hindi pala tama ang sobra. Hindi ako magiging sapat sa'yo, James. Darating din pala ang panahong iiwan mo ako at ipagpapalit sa iba. Hindi ko lubos maisip na titikim ka ng ibang putahe. Naging kampante ako sa pagmamahal na sinasabi mo. Sabi mo mahal mo ako at ako lang, James. Pinaniwalaan ko 'yon pero anong ginawa mo? You cheated on me at iyon ang bagay na hindi kailanman pumasok sa isip ko kaya hindi ko matanggap. Hinding-hindi ko matatanggap!" Pinipigilan ko ang luha ko pero tuloy-tuloy iyon sa pag-agos.

"Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad, love. Alam na alam ko 'yon pero sana... sana ay huwag mo akong talikuran. Please, tatanggapin ko ang lahat ng galit mo basta't huwag mo lang akong iiwan, love. Pakiusap." Muli itong lumuhod sa harapan ko at niyakap ang mga binti ko at humagulhol ng iyak.

"I ruined our marriage. I ruined everything. I don't deserved a second chance and I don't deserved you but please, don't you ever think leaving me, love. Please." Punong-puno ng pakiusap ang boses nito.

Umatras ako dahilan para mabitawan ako nito at naikuyom ko ang mga kamao.

"I won't leave you for the sake of our children but I want you to take responsibility of what you have done, James. Support the baby. Huwag na huwag mong tatalikuran ang bata." Mariing usal ko.

Tumingala ito sa akin.

"B-Baby please..."

"I want you to..." Mariin akong pumikit. "support her needs." Tumulo ang mga luha ko. "Iyon ang nararapat mong gawin bilang ama ng bata." Humagulhol ako ng iyak at tila nanghihinang tinungo ko ang sofa at umupo.

Napayakap ako sa sarili ko at mas lalong napahagulhol ng iyak. How can I handle this? Bakit nangyari 'to sa'min ni James? Bakit?

Mabilis na lumapit sa akin ang asawa ko at hinayaan ko itong buhatin ako patungo sa kuwarto. Masyadong pagod ang isip ko para pigilan ito kaya hinayaan ko na lang itong asikasuhin ako. Kumuha ito ng damit mula sa cabinet at binihisan ako nito dahil pinunit ko ang suot kong damit kanina.

Patuloy ako sa pag-iyak habang kinukumutan ako nito. Maging ito ay umiiyak din pero walang kumikibo sa aming dalawa.

"S-Sa couch ako matutulog." Mahinang sambit nito.

Tumango lang ako at tumalikod dito. Naramdaman ko ang pagkilos nito at naikagat ko ang ibabang labi ko. Tahimik akong umiiyak. Alam kong nakahiga na ito sa couch pero nanatili akong nakatalikod.

Ipinikit ko ang mga mata at pinilit na makatulog pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog at alam ko kung bakit. Sanay akong katabi ang asawa ko.

Umiiyak na niyakap ko ang unan. Alam ko na pagkatapos ng gabing ito ay hindi na maibabalik ang lahat sa dati. Hinding-hindi na.

To be continued...

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now