Chapter 35

84.2K 2.2K 1K
                                    

CHAPTER 35

KASABAY ng pag-alingawngaw ng putukan ng mga baril na nagmumula sa mga kalaban at sa mga Phoenix ay ang pagkabig ni James sa ulo ko at ikinulong iyon sa matitipunong dibdib nito.

Bahagya akong nagulat sa ginawa nito. Seriously? I know that he is doing this to prevent me from looking. Alam kong ayaw ako nitong makakita ng dugo na alam kong kumakalat na ngayon sa paligid.

But, no. I can handle myself. Mas lalo lang itong mahihirapan kapag ganito ang paraan nito ng pag protekta sa akin. Mahihirapan itong makipaglaban.

Buong puwersa akong umalis mula sa pagkakayakap nito at sinalubong ang nababahalang tingin nito.

"Baby, don't-"

"Kaya ko ang sarili ko." Seryosong sabi ko. "Give me a gun." Patuloy ko. Nag-aalangan ang mga mata nito.

Malakas akong napabuntong hininga at binalingan si Edsel na abala na din sa pagpapaputok ng baril nito papunta sa mga kalaban. Xander is on his side. Sa bawat laban ay partner ang dalawang ito. Back-up nila ang isa't-isa.

"Give me a gun!" Sigaw ko kay Edsel.

Tumingin ito sa akin at kapagkuwan ay lumipat ang tingin nito kay James na para bang naghihintay ng utos mula dito.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni James at nakita ko ang pagtango nito. Kaagad naman akong inabutan ni Edsel ng baril.

"Protect Princess no matter what!" Sigaw ni Edsel sa mga kasamahan namin.

"You don't have to pro-"

"Mas gugustuhin pa naming mamatay sa mga kamay ng mga kalaban kaysa mamatay sa mga kamay ni Phyton! That's why we have to protect you with our lives, Butterfly." Napakaseryosong putol ni Edsel sa sasabihin ko.

Tinignan ko si James na ngayon ay madilim na ang mukha. Bakas sa mukha ang pagkadisgusto sa kagustuhan kong tumulong sa pakikipaglaban ng mga ito.

"Stay alive. Please." Mahinang sabi ko at nakita ko ang pag-iba ng emosyon sa mga mata nito.

Mahigpit nitong hinawakan ang braso ko.

"I will. Magpapakasal pa tayo." Seryosong sabi nito. Ang mga sinabi nito ay tumagos ng husto sa puso ko. He is planning to marry me!

Kung hindi lang dahil sa sitwasyon namin ngayon ay magtatalon na ako sa sobrang tuwa.

"And don't let that bastard touch you or take you away from me. Stay by my side as long as you could. Huwag na huwag kang hihiwalay sa akin. Understood? That's an order from me, love." Anito at dinampain ako ng mabilis na halik sa mga labi. "Now, let's kill those bastards!" Tiim-bagang na sabi nito.

No matter what happened,we have to keep alive. We must. Me, James and all the Phoenix.

Ang pagbanggit nito ng kasal ang mas nagbigay ng lakas ng loob sa akin para tignan ang mga nagkalat na dugo sa paligid.

Nakita ko na ang iba sa mga tauhan ni Raymond ay nakahandusay na sa buhangin at naliligo ng sariling dugo.

Nakaramdam ako ng panginginig pero panandalian lang iyon. I know that I could do this. Hindi ko hahayan ang mga kasama ko na nagpapakahirap para lang maprotektahan ako samantalang ako ay wala man lang magawa.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni James sa isang kamay ko.

"Can you do it?" May pag-aalala sa mga mata nito. Nginitian ko ito at tumango.

Mataman ako nitong tinitigan na para bang pinag-aaralan nito ang emosyon ko. Kapagkuwan ay tumango ito.

Inikot ko ang paningin ko at hinanap si Raymond. Kaninang pinapaputukan ito ni James ay mabilis itong nakaiwas sa tulong ng bodyguard nitong si David. David was so fast to protect that bastard. And they both nowhere to be seen. Tanging mga tauhan lang nito ang nakikipaglaban na isa-isa namang napapatumba ng mga Phoenix.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now