Chapter 23

91.7K 2.3K 590
                                    

CHAPTER 23

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa mga kamay ni Princess habang hinihintay ko itong magising. Nakahiga ito sa isang maliit na hospital bed.

"You're girlfriend will be okay." Narinig kong sabi ng babaeng tumulong kanina sa dalaga.

Tinignan ko ito at tipid na ngumiti. Pagkatapos nitong tusukan ng gamot si Princess kanina ay kaagad nitong pinapasok ang dalaga sa loob ng opisina nito.

May maliit itong clinic sa loob ng opisina nito na para sa mga empleyado ng cafe nito.

"Thank you for saving her." Mahinang usal ko.

Tumango ito.

"I'm sorry about what happened. I ask my cashier earlier and she said that the customer who ordered that shake requested to combine the chocolate and strawberry flavor. Paborito daw iyon ng kasama niya. As you can see, sinusunod lang ng mga tauhan ko kung ano ang gusto ng customer. But still, I want to apologize because it happened in my cafe." Malumanay na sabi nito.

Tumango lang ako at napatiim bagang ng maisip ang ginawa ni Yassi.

She knew that Princess has an allergy on strawberry. Nalaman nito iyon nang minsang mag dinner ito sa mansyon namin.

"I'll sue her." Nakakuyom ang kamao na sabi ko.

"I'm willing to be a witness." Sang-ayon nito na nakangiti.

Pareho kaming napatingin sa pinto ng may tumikhim doon.

"Nakausap ko na ang mga police. Dinala na nila sa presinto ang ex mo." Sarkastikong bungad ni Edsel.

Seryoso nitong tinignan ang babaeng nagpakilalang Christine kanina. Nakita ko pa ang pasimpleng paghagod nito ng tingin sa kabuuan ng babaeng kaharap nito.

Umangat ang gilid ng labi ko. It looks like my friend is interested on this girl. Kitang-kita iyon sa mga mata nito. Ang mga tingin na iyon ay nakikita ko lamang kapag nakakakita ito ng apple.

Edsel loves apple so much. He is obssessed on it. At mukhang may papalit na sa apple nito. A living apple, I guess?

Napatingin ako kay Princess nang marinig na mahina itong umungol. Ilang sandali lang ay nagmulat ito ng mga mata.

Nagtagpo ang mga mata namin at sandali kaming nagkatitigan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang magandang kulay ng mga mata nito.

Seeing her awake and well is enough for me.

"Hey." Nginitian ko ito.

"H-Hi." Usal nito at nag-iwas ng tingin sa akin. "What happened?" Kunot ang noo na tanong nito. Umakto itong nag-iisip na parang inaalala ang nangyari.

Napapikit ito ng mariin ng marahil ay pumasok na sa isip nito ang nangyari.

"That bitch!" Nanggigigil na usal nito.

"Don't worry. Dinala na siya sa presinto. We'll sue her." Paliwanag ko sa dalaga at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak ko sa mga kamay nito.

Tumikhim si Christine.

"Maiwan ko na muna kayo." Nakangiting paalam nito at lumabas.

"Hihintayin ko kayo sa labas." Nakapamulsang sabi ni Edsel at lumabas na din.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Feeling okay?" Nag-aalalang tanong ko dito.

Tumango lang ito at inalis nito ang pagkakahawak sa kamay ko na ikinabigla ko. Pero hindi ko ipinahalata iyon.

"I'm okay. Thank you." Anito na pinalibot ang paningin nito sa paligid. Marahil ay nagtataka ito kung saan ito naroroon ngayon.

"Nasa loob ka ng opisina ng may-ari nitong cafe. It's her clinic." Paliwanag ko.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now