Chapter 2

145K 3.2K 2.7K
                                    

CHAPTER 2

NANDITO KAMI NGAYON sa loob ng seafood's restaurant na paborito naming puntahan ni James Karl.

Tinititigan ko ito habang binubuklat nito ang hawak nitong menu.

Naalala ko ang nangyari kanina sa kotse. I just can't believe na ito agad ang makikita ko pagkamulat ko ng mata. Akala ko nananaginip lang ako kanina. I was supposed to hug him tight nang makita ko siya.

Pero pinigilan ko ang sarili ko at hinaplos na lang ang pisngi nito.

"What's your order, Shai?" Tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa menu.

Hindi ako sumagot at patuloy lang na tinitigan ito.

James Karl has a fair skin. Hindi ito maputi at hindi rin maitim. Bagay dito ang kulay nito.

Napaka guwapo nito kahit laging seryoso ang mukha. Matangos ang ilong at ang pinakagusto ko sa binata ay ang berde nitong mga mata. He's a half-filipino and half-american. Purong pilipina ang mommy nito at may dugong american yong dad nito.

And of course, he have a kissable lips. Oo kissable kasi nahalikan ko na nga dati.

Maganda ang pangangatawan nito at halatang alagang-alaga nito ang sarili. Sa loob ng dalawang taon na hindi ko ito nakita at nakasama, aaminin kong mas lalong naging matipuno ang pangangatawan nito. Dahil na rin siguro sa klase ng trabaho nito.

I know his job. Hindi lingid sa kaalaman ko na isa itong secret agent at nagmamay ari ng isa sa pinakamalaking investigation company sa Pilipinas.

Kilala ko rin ang mga kasama nito sa trabaho. Ang mga agents nito na nasa ilalim ng pangangalaga nito.

Ang SPIC ay pagmamay-ari mismo ng lolo nito na ipinasa sa binata noong mag retired na. Pero bago ito naging pag-aari ang kumpanya ng lolo nito ay nakatapos si James sa kursong medicine. Yes, my bestfriend is a licensed doctor.

Halos dalawang taon itong naging doktor bago ipinasa ng lolo nito ang kumpanya nito.

Kung ako lang ang masusunod, ayoko sana na ito ang mamamahala sa kumpanya ng lolo nito. Dahil alam kong delikado ang bawat misyon na pinupuntahan nito at ng mga kasama nito. At hindi ko maiwasang mag-alala kapag nasasabak ito sa misyon.

Minsan na rin itong napahamak nang dahil sa'kin. It happened two years ago.

I just don't have a choice. Dahil sa alam kong gusto nito ang ginagawa nito at kailangan nitong ituloy ang sinimulan at pinaghirapan ng lolo nito.

Kung bakit kami naging magkaibigan ni James ay dahil magbestfriend si Tita Jass na mommy ni James at si mommy Shane ko, kaya naging malapit na kaming dalawa ni James sa isa't-isa simula pagkabata.

"Hey, are you okay, Shai? I'm asking you if what you want to eat." Pukaw sa'kin ni James.

Nakatingin na siya ngayon sa'kin. Tumikhim ako at nagkunwaring binabasa ang hawak kong menu. Hindi ko namalayang malalim na pala ang iniisip ko. Nahuli tuloy ako nitong nakatitig.

"I want lobster." Sabi ko at tumingin sa binata. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi nito.

"Your favorite." Anito at tinawag ang waiter para umorder.

Yes of course, alam na alam nito ang mga ayaw at gusto ko.

"Kumusta si Tita Jass?" Tanong ko at inabot 'yong wine para inumin pero kaagad iyong inagaw ni James mula sa kamay ko.

"Galing ka sa mahabang biyahe and you're not allowed to drink, Shai. Mom is doing fine." Anito at nilagok yong wine na kinuha mula sakin.

'Dinaig pa ang kuya ko sa sobrang istrikto. He is always like this. Tsk.'

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now