NOL - CHAPTER 9 - NO ORDINARY PEOPLE

Start from the beginning
                                    

Arkin??? Natatawa ako. Pati pala siya eh nakikikwento kay Pia. Siguro pati siya natutuwa kay Pia.

Bumalik si Pia sa paglalaro at ako naman ay tumayo na."Sige Pia, pupunta na muna ako ng palengke huh?" sabi ko at tumayo na.

"Ba-bye po" sabi niya at binalik ang atensyon sa paglalaro.

Pagbaba ko ay nadaanan ko ang mga grupo ng tatay na nagkukwentuhan at syempre nagiinuman.

Puro sila tawanan. Kung siguro makikita ni Mommy ang environment kung saan ako nakatira ay baka pati siya pilitin na lang din akong ipakasal kay Arnulfo Montemayor.

"Hi Reena" bati ni Mang Ino. Siya yung asawa ni Aling Ising. Nakilala ko siya nung isang araw.

"Magandang hapon po Mang Ino" sabi ko. Kainuman din niya sina Mang Lauro na asawa naman ni Aling Merly, Si Kuya Andres na isang tanod, si Manong Chris na asawa ni Aling mildred at iba pa. Medyo nakikilala ko na ang mga tao sa Barangkal at so far, bukod sa puro inuman at sa magasawang si Ate Chona at Kuya Ryan na laging nagaaway ay ayos naman. Mabait silang lahat, hindi nga lang halata.

"Gusto mo bang tumagay?" tanong niya. Medyo shocked pero nakaramdam ako ng relief nung tumawa siya at sabing biro lang.

"Si Mang Ino talaga oh..."sabi ko. "Sige ho bibili pa ho ako ng bigas sa palengke" sabi ko at iniwan ko na sila.

Pagkatapos ng mga katatayang nagiinom sa may di kalayuan ay nadaanan ko naman ang umupukan ng mga batang lalakeng nagkakantahan habang nagigitara, I think mga 15 to 17 years old sila. Ang agang pagtambay naman talaga.

"Hi Ate Reena" bati ni Johnson. Panganay na anak ni Ate Ising. Minsan na niya akong napakilala sa mga anak niya.

"Ang aga aga niyan huh" sabi ko.

"Tambay lang Ate, walang pasok eh" sabi niya at ngumiti. Pati na rin ang mga kasama niyang parang nangingitim ang mga mata sa eyeliner ay ngumiti rin sa akin. Parang mga rockstar na ginutom ang mga itsura.

Palakad na ako ng muntikan na akong matumba dahil sa mga batang nagtatakbuhan......na naman!

"Hoy magdahan dahan kayo, muntikan niyo ng mabunggo si Ate Reena oh" sita ni Johnson sa mga bata. Napakaliit ng barangkal para magkasya ang napakaraming mga tao. Mga taong magkakaiba pero nagkakasundo.

Inayos ko ang tsinelas kong muntikan ng maputol dahil sa mga batang nagtatakbuhan. Yon din ang mga batang patakbong lumapit nung minsang dumating si Arkin galing sa pasada.

Ilang saglit lang ay may huminto ng tricycle sa harap ko. Huminga ako ng malalim at sumakay na. after ng magulong buhay sa loob ng tricycle ay nasa harap na ako ng palengke. Parang nanunuyo ang lalamunan ko.

Makakalabas kaya ako ng buhay sa lugar na ito?? "Lareen...kaya mo yan...kaya mo yan..."paulit ulit kong sinsabi sa utak ko. papasok na ako ng may tumawag sa akin. Si Sam.

"Ate Reena!!" patakbo niya akong nilapitan.

"Hi Sam"

"Kamusta ka na?" tanong niya.

"Okay naman, at ito nga bibili ng bigas" sabi ko. "Ikaw?" tanong ko.

"Ah pupunta sa pwesto namin.. gusto mo samahan kita?" alok niya. Ang bait naman ng batang to.

"Sige" sabi ko at hindi nagtagal ay bumili na kami.

Palabas na kami ng palengke pero tuloy pa rin kami sa kwentuhan. Management student si Samantha at natutuwa pa nga ako nung napunta kami sa usapang puso ay pareho kaming no comment.

Meron daw kasi siyang isang gusto pero parang ayaw naman daw sa kanya.

"Pero alam mo Ate, hindi ako susuko. Fight kung fight!" sabi niya na may gesture pa talaga.

"Mahal ka din nun, pakipot lang" sabi ko.

"Yan din nga ang sabi ko sa friend ko eh, pero ayon nagdeal kami na magugustuhan din ako ni Enzo...tiwala lang" sabi niya.

"A deal?"

"Yes. If Enzo will ask me to be his date on the Alumni, kami talaga forever pero pag hindi eh di give-up na si Sam" sabi niya. napakalight lang ng feeling pag si Sam ang kakwentuhan mo. Parang feeling ko for her everything is colorful, everything is at it's best.

"Hmm.. ikaw Ate, may lovelife ka?" tanong niya.

Wala. Mapapangasawa meron.

"Wala" sagot ko.

"Bakit? Maganda ka naman, mabait at mukhang matalino" sabi niya.

"Siguro hindi pa time para magtagpo ang mga landas namin" sagot ko. Kelan pa ako naniwala sa destiny? Mula ng imanipulate ng Daddy ko ang destiny naming magkakapatid ay parang nawalan ako ng bilib sa destiny.

"Tama. Soon, Enzo will going to realize na ako ang para sa kanya" sabi niya na parang inlove na inlove.

Natatawa na lang ako. "Sige na Sam, una na muna ako" sabi ko.

"Sige Ate, minsan dalawin kita sa Barangkal huh??" sabi niya.

Tumango ako. "Sige, asahan ko yan" sabi ko at sumakay na ako pauwi.

Pagbaba ko ng tricycle ay binitbit ko na ang bigas na binili ko sa palengke. Grabe, 5 kilos to....ang sakit na ng kamay ko.

Papasok ako sa Barangkal ng salubungin ako ni Johnson at ng isa pa niyang kaibigan.

"Te Reena, tulungan na po kita"sabi niya at kinuha ang bigas. Sinamahan kami ng isa niya pang kaibigan na kung hindi ako nagkakamali ay si Boni.

Hinatid nila hanggang sa tapat ng pinto ang bigas ko. Kukuha sana ako ng pera ng magpaalam sila. "Te, wag na..okay lang" sabi nilang dalawa at umalis.Tanaw ko sa kabilang kwarto si Pia na naglalaro pa rin.

"Hi Pia!"

Kumaway siya sa akin.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay naupo na muna ako sa sofa. May ngiti sa mga labi kong inaappreciate lahat ng kabaitang pinapakita sa akin ng mga taga Barangkal. Mababait silang tao, may mga flaws man at sino naman ang wala? Eh andon pa rin yung kabutihan nila kasi kung hindi, malamang ubos ang mga tao rito dahil nagpatayan na siguro.

Hindi lang pala sarili ko ang makikilala ko, pati na rin ang mga taong hindi ko aakalaing maaappreciate ko. Tama nga sila, hindi lahat ng nakikita ng mata na maganda ay tunay na maganda.We can be deceived by our own eyes. Minsan balot lang pero bulok pala ang sa loob. Dito sa Barangkal, iba...... hindi man maganda yung mga suot nila,maganda naman ang mga kalooban nila.

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now