Chapter 27

1.5K 111 12
                                                  




Chapter 27

Doug:
Cathy, ano ba? Ang tagal magCR?

Cathy:
Anong—ASAN KA BA?!

Doug:
Sa labas ng girl's CR

Cathy:
GINAGAWA MU DYAN?!

Doug:
Hinihintay ka?

Cathy:
Abnormal ka? Wag mo ako sa labas ng CR hintayin? Dumeretso ka na sa canteen, andon na sila Sofi.

Doug:
Ayaw ko

Cathy:
Bakit na naman?

Doug:
Baka makita ko si Bella....

Cathy:
Ok

Doug:
So bakit sumungit

Cathy:

HINDI PWEDENG NAGHUHUGAS NG KAMAY? WAG KA NGA MAKULIT BWISIT

Doug:
Ang init ng ulo? Selos ka na naman?


Biglang may narinig si Doug na pumapadyak padyak palabas ng C.R.


"Anong selos? Ang kapal mo? Gwapo ka ha? Hindi porket medyo cute at matalino ka at medyo malaki yang biceps mo na parang pwedeng pwede akong protektahan, at magaling ka magbasketball eh MAGSESELOS NA AKO. Asa ka pa!" Sagot ni Cathy na parang hingal na hingal matapos masabi ang speech niya.

"Oh tapos ka na? Eh parang nagconfess ka na nga sa speech mo eh. Biceps pala ha—" sabay flex si Doug ng biceps niya sa harap ni Cathy –"yan ba?"

"Kadiri ka. Lumayo ka nga sa akin." Sabay lakad papalayo ni Cathy kay Doug.

"Teka lang, hinintay nga kita para sabay tayo eh." Habol naman ni Doug.

"Ewan ko sa'yo. Andon naman na sila Sofi sa caf hintay hintay pa. Clingy?!" asar ni Cathy.

"Oo, for you." Asar pabalik ni Doug. Pero imbis na maasar, namula lang si Cathy.

"OH. OH! Ano yan? Bakit nagblublush ka? Kinilig ka?!"

"Ewan ko sa'yo! Blush. Naglagay ako ng cheek tint sa C.R!" sagot ni Cathy.

"Aba, nagpapaganda ka pa para sa akin ah." Sabay siko ni Doug kay Cathy.

"Hindi ako nagpapaganda sa'yo ah. Nagpapaganda ako for... for... myself. Love yourself sabi ng BTS." Palusot ni Cathy.

Patuloy pa silang nagasaran hanggang sa nakarating sila sa cafeteria sa may table ni Sofi and Elix.

"Halu soulmates." Bati ni Elix. "Bakit parang nagaasaran na naman kayo? Nakakunot na naman yang kilay ni Catherine?"

"Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo! Kung ano anong sinasabi." Sabi ni Cathy sabay upo sa tabi ni Sofi at hawak sa kamay niya na parang nanghihingi ng kakampi.

"Ano na namang ginawa mo Doug?" pangaral naman ni Sofi kay Doug, bigla namang bumelat si Cathy kay Doug kasi siya ang kinampihan ng bestfriend niya.

"Wala akong ginagawa diyan kay Ms. Sungit." Sabay tingin kay Elix na tiningnan lang siya na 'Wala tayong magagawa kila kumander'.

Araw araw nagiging mas malapit si Doug and Cathy, tintry nilang alamin ang gusto at ayaw ng isa't isa (siyempre through asaran at kulitan) at iniiwasan nilang banggitin si Bella.

Sa school, pilit na umiiwas si Doug kay Bella, ganon rin naman si Bella. Minsan magkikita sila sa cafeteria, or sa school gym, or sa corridor tapos alam na ni Cathy na medyo wala sa mood si Doug. Apektado pa rin siya. Minsan makikita mo na nakatingin pa rin siya kay Bella.

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon