Chapter 30

1.5K 65 30
                                                  



"Doug pinapatawag ka ni Coach sa gym. 5pm daw. Usap daw kayo."

Ito ang sabi ni Elix kay Doug kaninang umaga kaya ngayon ay papuntang gym si Doug para kausapin ang kanilang basketball coach.

Mabilis lang ang naging pag-uusap nila. Sinabi lang ng coach nila na kailangan si Doug ng team at kung willing bang bumalik si Doug, umoo naman agad si Doug dahil kailangan niya ng practice at gusto naman talaga niyang maglaro para sa team.

Hindi alam ni Doug, pero sa sobrang saya niya, si Cathy agad ang hinanap niya. Pero hindi niya mahanap ang soulmate niya kaya tinext na lang niya ito.

Doug:
CATHY!
CATHY!
PLEASE REPLY BABE!!!

Pero bago pa marealize ni Doug ang natype niya, nasend na niya kay Cathy.

Cathy:
AGUY
Babe pala ah

Doug:
Typo
Dapat *babsy

Cathy:
Luh palusot pa 'to
Ano ba yun... BABE?
Bakit makacaps lock ka wagas?
Miss mo na naman ako? Araw araw nagiging clingy ka ah. Nasasakal na ako. I need space. Let's take a break

Doug:
Well that escalated quickly
And... coach talked to me and wants me back, so I'm gonna play for our team again!
Isn't that great?

Napatigil nang pagbabasa si Cathy, hindi niya alam ano mararamdaman dahil kinausap niya ang tito niya a.k.a si Coach, na ibalik si Doug pero hindi alam ni Doug... hindi alam ni Cathy if dapat ba sabihin niya or baka kasi mag no si Doug kapag malaman niya. Doug seems so happy that Cathy doesn't want to ruin this.

Cathy:
Happy for you J

Doug:
Of course you should
But I should warn you... dadami na naman magkakacrush sa akin

Cathy:
Oh tapos?

Doug:
Wala lang
Selosa ka pa naman

Cathy:
THE AUDACITY?

Doug:
Tanggi ka pa
Pero wag ka mag-alala, sa'yo pa rin ako uuwi :>

Cathy:
HINDI KITA ASAWA????

Doug:
Hindi *PA

Parehas naman natigilang magbasa ang dalawa. Si Doug sa may tapat ng gym, gulat sa sinend niya, pero hindi siya nagsisisi kasi... totoo naman, hindi PA. Balang araw baka, oo baka.

Si Cathy naman gulat na gulat dahil isang malaking step 'to sa kung ano mang meron sila. For some reason alam nila at tanggap na nil ana soulmates nila ang isa't isa. Alam din ni Doug na gusto siya ni Cathy pero hindi pa naman sinasabi ni Doug kay Cathy na gusto niya rin ito, pero pinaparamdam naman niya.

Doug:
Huy, masyado ka na ata kinilig diyan nahimatay ka na ba?
I didn't propose

Cathy:
ALAM KO KASI!
Leche magwarning ka nga kapag magsasabi ka ng ganon. Nakakasakit sa puso eh.

Doug:
Sakit... sa puso? Bakit? Ayaw mo yung idea?

Cathy:
Hindi wtf!!!
Ayoko lang nagugulat

Doug:
Naks, gusto ikasal sa akin in the future

Cathy:
OMG CAN WE CHANGE THE TOPIC

Doug:
Fine fine. Anyway, I'm so happy :>
San ka ba? Labas tayo

Cathy:
Naks gusto magcelebrate with me

Doug:
Of course, dummy!
So where are you? Sunduin kita?

Cathy:
Napakaishwet nemen 
Kahit gusto ko man, I can't
May tinatapos akong book report for Englist Lit.
Nanonosebleed na ako lolololol

Doug:
Okay, samahan kita magawa ng book report san ka ba

Cathy:
Sira? Itext mo si Elix and Sofi! Kumain kayo sa labas to celebrate!!
Okay lang ako :>
And promise hindi ako madadapa or anything kasi nandito lang ako sa library the whole night

Doug:
You're pulling an all-nighter?

Cathy:
Yeaaaah. May dala na akong kumot at unan (and snacks)

Doug:
What do you need pa?

Cathy:
Probs coffee (and more snacks) but I'll buy those na lang kapag bored na ako magsulat dito
Anyways, just texted Sofi, free raw sila so you can hangout with them
Bawi ako sa'yo next time
But happy for you!
Pagawa ako tarp sa game niyo nakalagay 'Galingan mo unggoy' #TheSweetest


Doug:
Yeah yeah


Yan na ang huling reply ni Doug kay Cathy, pakiramdam ni Cathy lowkey nagtatampo si Doug pero hindi talaga pwede kasi bukas na ang deadline ng book report niya at kailangan niya iyong matapos today. Sa isang araw na lang niya susuyuin muna si Doug.

Nagpatuloy lang sa pagsusulat si Cathy, nakaearphones siya at nakafocus sa ginagawa niya hindi niya narinig na may umupo na sa tabi niya at taimtim siyang pinagmamasdan. Napansin lang niya ang prisensya noong taong yun noong nag-unat siya at may tumama sa kamay niya.

"I'm sorr—Doug? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Cathy.

"Being the super cliché soulmate that I am? I brought you coffee and some 'snacks'." Sabi ni Doug sabay abot kay Cathy yung mga pagkain nang palihim dahil bawal kumain sa library.

"Okay... so anong oras kayo magkikita nila Elix? Dumaan ka pa rito." Tiningnan naman siya ni Doug na parang 'seryoso-ka-ba' look pero noong marealize ni Doug na mukhang hindi nagjojoke si Cathy napailing na lang siya.

"Sometimes, you're soooooo slow. I went here because I'd rather spend the day with you." Namula naman si Cathy sa sinabi ni Doug.

"Eh-eh boring dito! Wala kang gagawin, and baka hindi talaga kita makausap kasi kailangan ko talaga magfocus dito sa paper ko."

"Okay lang. Don't mind me. Just do you paper. I'll deal with myself."

"Pero—"

"Go. Continue." Sabi ni Doug sabay suot ng earphones kay Cathy.

Tiningnan pa siya ni Cathy pero mukhang di talaga paawat si Doug kaya tinuloy na lang niya ang paper niya, maya maya pa nasa zone na ulit siya at dahil tahimik si Doug at hindi siya masyadong magalaw, hindi naman siya nadidistract.

Si Doug naman nakatitig lang kay Cathy. She's seen the quirky Cathy, the loud Cathy, the sad Cathy, the happy and bungisngis Cathy, but she's amazed that she's seeing the focused Cathy now, and damn she looks hot.

Habang nakatitig sa kanya, narealize rin ni Doug na oo, naattach na siya kay Cathy. Hindi na siya sanay kapag hindi sila magusap o magkita ni Cathy sa isang araw. Noong masaya siya si Cathy agad ang una niyang naisip at una niyang gusting kausapin. Araw-araw napapalapit siya sa soulmate niya at araw-araw mas nagiging buo ang pakiramdam niya.

And maybe, he's really falling for her.

Pero at the back of Doug's head hindi pa rin niya talaga tuluyang magawang 'mahalin' si Cathy dahil nasa isip pa rin niya si Bella. Oo, si Bella. Hindi mo maalis kay Doug na hindi isipin si Bella dahil buong buhay niya si Bella ang pinicture niya na kasama niya, pero ngayon na nakikita na niya ang future niya with Cathy, hindi mapigilan ni Doug na hindi na naman maguilty. Maguilty kasi minahal niya at minahal siya ni Bella, maguilty kasi unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Cathy pero iniwan niya sa ere si Bella. Hindi niya tuluyang maibigay ang 100% niya kay Cathy hangga't naiisip pa rin niya si Bella. Unfair yun.

Kaya isa lang ang solusyon na naiisip ni Doug...

Kailangan niya ng closure. Closure from Bella.

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon