Chapter 29

1.4K 65 30
                                                  

"Pero bakit nga nagsungit ka kanina kay Jerome? Kilala mo ba yun? Masama ba ugali niya?"

"Ewan ko, paki ko don?"

"So bakit ang sungit mo?"

"Palagi akong masungit, Cathy."

"EH ANO NGA? BAKIT?"

"EH KASI MAKAASTA AKALA MO KUNG SINO. ALAGAAN DAW KITA? BAKIT SINO BA SIYA? I'M TRYING MY BEST TO KEEP YOU, CATHY. EVEN IF YOU THINK I DON'T SHOW IT ENOUGH, I DO CARE ABOUT YOU CATHY."

Natigilan naman si Cathy. Kailangan pa ba talaga nila magaway para magkaaminan sila ngayon?

"I—" gustong magsalita ni Cathy, hinihintay siya ni Doug pero walang lumalabas sa bibig niya.

"It's okay. I understand. You don't have to answer." Maglalakad na sana paalis si Doug pero pinigilan siya ni Cathy.

"I... I do care about you, Doug. A lot. I know hindi pa ganoon kahaba yung pinagsamahan natin, but I really do care about you. I hope you know that. And I can see it... I can see that you're trying, so thank you. And I'm sorry Jerome made you feel that way, pero inaalagaan mo ako. I promise."

Hindi napigilang mamula ni Doug at umubo na lang siya para matago ang namumuong kilig sa sistema niya, napansin naman ito ni Cathy kaya pinisil niya ang pisngi ni Doug sabay nag 'awww'. Kunwari pang inalis ni Doug yung kamay ni Cathy sa mukha niya pero hindi niya lang masabi na masarap sa pakiramdam kapag nandiyan si Cathy, na ganito sila kalapit sa isa't isa at hindi nag-aaway.

Dumeretso na sila sa movie house, manonood sila ng Frozen 2 dahil pinilit ni Doug si Cathy. Oo, si Doug. Nagsimula ang movie, tahimik silang nanonood pero noong kalagitnaan na, napansin ni Cathy na biglang lumalapit yung kamay ni Doug sa kamay niya at tuluyan na nga niyang kinuha ang kamay ni Cathy at hinawakan.

Nakatingin lang si Cathy sa kamay nilang dalawa, sabay tingin kay Doug na sobrang focused sa movie. Hindi naman ito ang unang beses na nag 'holding hands' sila pero... iba ngayon... ngayon lang hinawakan ni Doug ang kamay ni Cathy na GANITO at kung may makakarinig ng heartbeat niya baka mabingi. Ganito pala? Ganito pala ang pakiramdam na maging masaya, at maging kontento sa kung anong meron ka.

Ganito ba ang sinasabi ni Sofi na mararamdaman mo na lang na 'kumpleto' ka?

Samantala, si Doug naman halos atakihin na sa bilis nang tibok ng puso. Hindi maintindihan ni Doug kung bakit, simpleng holding hands lang naman, pero ang saya saya niya. Mababaw na kung mababaw.Hindi niya alam kung ayos lang kay Cathy na inintertwine niya ang kamay nila, hindi rin niya alam kung bakit niya ginawa yun, gusto niya lang maramdaman na malapit siya kay Cathy at hindi sapat na magkatabi sila. Kaya hinawakan niya ang kamay ni Cathy para alam niyang andyan lang siya, at hindi siya mawawala.

Tumingin pa ulit si Cathy kay Doug, napansin naman ni Doug at tumingin rin sa kanya. Ngumiti lang si Cathy kay Doug.

"Is-is this okay?" Tanong ni Doug kay Cathy. Tumawa lang si Cathy pabalik.

"Doug... I really like you. Thank you for being my soulmate."

Nanlaki lang ang mata ni Doug, halatang nagulat sa sinabi ni Cathy, ngumiti at pinisil nang mahigpit ang kamay ni Cathy na hawak hawak niya.

"Soulmates."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon