Chapter 33

1.5K 64 17
                                                  

It's one day before the game, at ang buong basketball team ay nagprapractice pa rin sa gym hanggang ngayon. Lahat excited pero kinakabahan.

"Boys tomorrow is THE day. Remember, we've practiced, we have a good play, our conditions are good, so I am just going to remind you one thing and one thing only... trust the team. Huwag mangsapaw, huwag maging madamot sa bola, kung may bukas ipasa, just trust your teammates. We are a team, and the victory of the team is the victory of each and every one of you, so contribute to that. Okay sige magpahinga na kayo, get a good night sleep and remember we are going to meet here tomorrow at 6:00AM to warm up. Okay, everyone is dismissed."

Sabay sabay naman silang nag 'Yes Coach' pagkatapos noon.

"Pare, uuna na ako ha. Naghihintay si Sofi sa Starbucks eh, ihahatid ko pa pauwi." Paalam ni Elix kay Doug.

"Sige lang bro."

"Ikaw ba? Magkikita kayo ni Cathy?"

"Oo, may tinatapos lang daw siyang paper sa library. Pero kaninang 6:30PM pa yun eh. 8:30PM na so baka tapos na yun." Sagot ni Doug.

"Icheck mo kaya phone mo?" asar ni Elix.

"Ichecheck ko na nga, kaso may asungot na nangiistorbo. Umalis ka na nga!" taboy ni Doug kay Elix.

"AYLABYU BROOOOO" asar ni Elix habang naglalakad papatalikod at paalis na sa gym.

Noong makaalis na ang istorbo, chineck ni Doug ang phone niya at may text na nga si Cathy:


Cathy:
Tapos ka na po ba? Library lang po ako
Kain tayooooo gutom na ako
Kain tayo samgyupsal!
Unli! Unli! Unli!

Doug:
Kakatapos lang ng practice sorry natagalan
Samgyup na naman? Pang-ilan mo na 'to this week?!

Cathy:
🥺

Doug:
FINE FINE
Magaayos lang ako tapos sunduin kita diyan

Cathy:
Maglalakad na lang ako sa gym para pagkatapos mo andyan na ako

Doug:
CLINGY?

Cathy:
HINDI GUTOM LANG TALAGA AKO 🔪

Doug:
Okay, but be careful!!!
Wag ka kiligin... natatakot lang ako madapa ka tapos ako masaktan 😛
No, but seriously it's getting dark so tawagan moa gad ako kapag may sketchy na nangyayari ha

Cathy:
It's our school, nakakaikot ako rito kahit gabi But okay. Bilisan mo na!!!! Bye see you xx

Doug:
Bye
♥️

It was probably the first time Doug sent Cathy a heart, but he feels so light and happy, like everything is in its place.

He's happy with school, he's happy with his soulmate, he's happy that he's back in the basketball team.

Everything seems perfect, and he's really just... content.

Nagaayos na ng mga gamit si Doug nang bigla siyang nilapitan ni Coach.

"Ah, Doug, my star player." Bati ni Coach kay Doug sabay tapik ng balikat niya.

"I'll do my best, Coach."

"I'm counting on you. Uuwi ka na ba?"

"Ah, kakain lang muna Coach. Samahan ko po girlfriend ko."

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon