Chapter 11

2.2K 168 101
                                                  

Kakatapos lamang ng class ni Cathy kaya kumakain siya sa may gitna ng field, sa ilalim nang malaking puno. Spot niya na 'to kapag mag-isa lang siya. Minsan dito siya nagmumuni muni kapag naguguluhan na siya o kapag may bumabagabag sa kanya. 

Recently, nagiging 'close' siya kay Doug pero sa weird na paraan. Parehas lang sila 'nagsasakitan' pero yung unang masamang balak niya na masaktan si Doug napalitan ng thought na nakakatuwa lang talagang asarin si Doug. 

Minsan magtetext lang si Cathy kay Doug ng 'sana masira araw mo today' kung saan magrereply si Doug ng 'sira na, kasi nagtext ka' pero mapapangiti lang si Cathy. 

Lahat ng yun halos ginagawa niya araw araw hanggang sa icall out siya ni Sofi. 

Sofi: 

Cathy, parang nagiging close kayo ni Doug ah. 

Cathy:

Asa pa

Close to killing each other baka pa 

Sofi: 

Please be honest to me, Cathy. Ako lang 'to 

Cathy: 

Okay fine, I guess nagiging close nga kami. I GUESS

Sofi: 

Catherine, as much as I love you and I want you to be happy, I know you and alam kong fixated ka sa thought na nakita mo na yung soulmate mo. 

Pero...

He's taken, Cathy okay? 

Baka lang kasi maattach ka kay Doug, pero after hanging out with him makulit lang talaga siya. 


(Now Playing: You're My Girl by Mark Diamond)

Hindi alam ni Cathy bakit biglang nalungkot siya sa natanggap niyang message kay Sofi. Alam niyang nagaalala lang para sakanya si Sofi, pero masama bang maging 'close' sa soulmate mo? Tanggap naman niya na may girlfiend na si Doug, hindi naman nagkulang sa pagpapakita yung dalawa. Kung hindi lang niya soulmate si Doug baka hindi siya 'bitter' kay Bella at Doug kasi halata namang pinapasaya nila ang isa't isa. 

Pero wala eh. Taken yung soulmate. Nahuli na siya. 

Pero bakit ba siya nalulungkot? Eh wala namang something sa kanila ni Doug. Ilang araw pa nga lang silang nagiging maayos at hindi sumusubok na patayin yung isa't isa. 

Pero habang nagmumuni siya siguro yung 'nakakalungkot' sa lahat ng 'to ay yung fact na sa dinami dami naman na pwede niyang maging soulmate yung taong may mahal ng iba. Nakakalungkot isipin na kaya mo na siya soulmate eh kasi nakatadhana kayo sa isa't isa. Kayong dalawa ang kukompleto sa isa't isa, pero bakit yung sa kanya may ibang kumukumpleto na? 

Ayaw niyang maging masama, hindi niya gagawing landiin si Doug para paghiwalayin sila. Hindi niya deserve yun, at hindi deserve ni Doug yun. So ano na lang? Tatanggapin na lang niya na wala na? Yung soulmate niya may iba na? Pero paano siya? Paano siya makakahanap ng taong mamahalin na walang soulmate o tatalikuran soulmate niya? 

Siguro yun din yung malungkot. Ang hirap makahanap ng taong mamahalin na hindi soulmate, pero si Doug nakahanap at ang dali para sakanya na talikuran siya. 

Napakaunfair. Bakit hindi siya nasabihan na bata pa lang yung soulmate niya nahuhulog na siya sa iba? Eh 'di sana hindi na lang niya hinintay makilala soulmate niya, sana bata pa lang din naghanap na siya ng taong mamahalin talaga siya. Pero hindi. Umasa siya sa true love eh, umasa siya sa destiny eh. 

Hindi niya napansin na umiiyak na lang siya doon, hindi niya alam kung bakit talaga siya nalulungkot hindi naman siya in love kay Doug talaga. Litong lito na si Cathy sa nararamdaman niya. Malungkot ba yung 'soul' niya kasi hindi na pwedeng magsama yung soul nila ng soulmate niya? Hindi niya alam, basta kahit pigilan niya nalulungkot siya at nasasaktan sa mga nangyayari. 

"Alam mo bang hindi ka na nga maganda tapos iiyak ka pa, hindi maganda sa mata soulmate." 

Napatingin sa taas si Cathy, nakita na lang niya na may inaabot ng panyo si Doug sa kanya. Sinong nagdadala pa ng panyo sa panahon ngayon? Kinuha niya yun sabay ginamit pangtuyo ng luha niya. Si Doug naman naupo sa tabi ni Cathy, tahimik lang habang umiiyak pa rin si Cathy. 

"Hindi ko na itatanong kung bakit ka umiiyak kasi parang alam ko na. Hindi ko alam kung bakit. Alam mo bang papunta dapat ako sa library ngayon pero for some reason pakiramdam ko kailangan ko pumunta dito sa field. Tapos nakita kita umiiyak, at alam ko na bakit kailangan ko pumunta." 

Tumingin si Cathy kay Doug, at ayun na naman. Iyon na naman yung pakiramdam. When Cathy looks at Doug, she feels like she's home. It feels warm and comforting. Pakiramdam niya walang makakasakit sa kanya. Pero kapag napatitig pa siya biglang nagbuburst yung bubble tapos marerealize niya na hindi pwede kasi may nagmamay-ari na. 

"Hindi ko alam kung saan yung extent ng connection natin pero alam kong nararamdaman mo rin yung bond. Alam kong nalulungkot ka ngayon dahil our souls are supposed to bond and be together now that they found each other..." 

Tumingin lang si Doug kay Cathy tapos hinawakan niya yung kamay nito. 

"But... I made a promise, Cathy. I promised to love Bella kahit makita ko ang soulmate ko. At kahit sobrang lakas ng bond, alam ko kung sino ang mahal ko, at si Bella yun." 

Sa sinabi ni Doug bigla na namang tumulo ang luha niya. Alam ni Cathy na hindi siya yung umiiyak, yung soul niya. Hinawakan naman ni Doug yung pisngi niya at pinunasan yung luha niya. 

"I'm really sorry, Cathy. I'm really sorry I am your soulmate. But I'm in love with someone else. I'm sorry." 

And with that, even though Cathy cannot see her soul breaking... 

She felt it. 

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon