Chapter 9

2K 136 45
                                                  




It was 10:00AM. Time for their Botany class. Nakaupo na si Cathy sa tabi ni Aira sa Laboratory Room dahil ngayon ay gagawin nila ang first experiment na inassign sa kanila ni Prof. Sungit.

"Pwede bang huwag kang malikot diyan? Ang likot likot mo." sabay hampas ni Aira kay Cathy na hindi na talaga mapakali sa inuupuan niya.

"Eh kasi... mamaya andiyan na si Doug hindi ko alam gagawin ko." sagot ni Cathy.

"Act normal? Huminga ka lang. How will you befriend him if you're a nervous mess right now. Besides, hindi ka pa naman sure na soulmate mo siya so kumalma ka." sagot pabalik ni Aira.

"Alam mo ikaw, kahapon may pasakop sakop ka pang nalalaman tapos ngayon pinapakalma mo ako." balik ni Cathy. Sinamaan lang siya ng tingin ni Aira sabay ayos nito sa lab tools niya.

Maya maya pa pumasok na si Doug sa room, nakita niya si Aira at naghello siya dito. Noong mapatingin siya sa kung sinong katabi ni Aira nanlaki ang mata niya, mukhang di niya ineexpect na papasok si Cathy.

"Oh buhay ka pa pala?" asar ni Doug kay Cathy sabay lapag nito sa gamit sa tabi niya.

Timping timpi si Cathy na manapak dahil seryoso bang noong isang araw malungkot siya na may girlfriend na 'tong Dougyot na 'to? Eh nakakabwiset siya eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Timping timpi si Cathy na manapak dahil seryoso bang noong isang araw malungkot siya na may girlfriend na 'tong Dougyot na 'to? Eh nakakabwiset siya eh.

"Oh, bakit ang sungit mo?" dagdag pa ni Doug.

"Wag ka ngang magulo! Kapag ako napalabas na naman dito kakalbuhin talaga kita!" sabay lagay niya ng mga libro niya sa gitna ng table nila para huwag masyado lumapit si Doug.

Maya maya pa kinulbit na ni Aira si Cathy "Oh akala ko ba ittry mo maging friends with Doug? Bakit nagsusungit ka diyan? Ganda ka?" bulong ni Aira.

"Anong gusto mong gawin ko? Naiirita talaga ako kapag nakikita ko siya eh." bulong pabalik ni Cathy.

"Simulan mo kaya sa pagmake sure na siya talaga ang soulmate mo?" offer ni Aira. Napaisip naman si Cathy, oo nga naman. Baka naman nagpapakalungkot siya eh nagkataon lang pala na nasaktan siya noong naglunch sila. Sige simulan na natin.

Lumapit ng onti si Cathy kay Doug. Tiningnan niya muna ito mula ulo hanggang torso dahil to be fair hindi na niya kita yung paa kasi nakaupo at medyo hassle naman kung mageffort pa siyang tingnan yung buong katawan hindi ba?

Sa kakaisip ni Cathy, hindi na niya namalayan na medyo napatagal ang titig niya kay Doug.

"Oh ano? Pogi ba?" asar ni Doug. Muntik nang masuka si Cathy pero alam niya kung paano gaganti sa kayabangan nitong Dougyot na 'to.

Hinawakan ni Cathy ang kanang kamay niya at kinurot ng sobrang pino.

"ARAY KO ANAK NG--" napasigaw si Doug pero noong makita niya kung saan nakahawak si Cathy at kung saan siya nasaktan napatigil siya.

So si Cathy nga? Si Cathy nga ang soulmate niya? Hindi lang coincidence yung nangyari sa cafeteria noong naglunch sila kahapon? Napatingin siya kay Cathy na mukhang nagulat din but at the same time may resolve sa mukha niya na 'Ah, siya nga ang soulmate ko'.

Maya maya pa nakita ni Doug na ngumisi si Cathy at sa mukha palang nito mukhang hindi na maganda ang iniisip niya.

"Alam mo, pangako ko sa sarili ko kapag nakita ko ang soulmate ko magsosorry ako kasi ako na ata talaga ang pinakaclumsy na babae sa mundo--"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo, pangako ko sa sarili ko kapag nakita ko ang soulmate ko magsosorry ako kasi ako na ata talaga ang pinakaclumsy na babae sa mundo--"

"DAPAT LANG ALAM MO BA KUNG ILANG TRIP SA HOSPITAL AT CLINIC AKO DAHIL SA'YO!?"

"CHE! WAG KANG MAGULO! Anyway, ang pangako ko ay magsorry agad sa soulmate ko dahil parehas kaliwa ang paa ko, pero ngayon... ngayon na ikaw ang soulmate ko, HA! Hindi ko akalain na magiging advantage 'tong pagkaclumsy ko, kaya humanda kang Dougyot ka BWAHAHA"

Tumawa ng ala bruha si Cathy doon samantalang medyo nagkakaroon na nang malamig na pawis si Doug sa kaba. Noong makita ni Cathy na medyo natigilan si Doug, hinawakan ni Cathy ang pisngi niya at pinisil nang malakas.

"ARAY! CATHY ANO BA?" Sigaw ni Doug samantalang mamamatay na sa kakatawa si Cathy. "Sinusubukan mo talaga ako ha?" Maya maya pa hinawakan ni Doug ang sarili niya tapos kiniliti niya sa may bandang tiyan.

"Doug--hahahah--Pota itigil mo yan malakas ang kiliti ko--HAHAHA-DOUG!!!" Napasigaw si Cathy tapos napatingin sa kanila lahat ng estudyante.

Bigla naman silang kumuha bigla ng libro (yung malaking libro ng Botany) tapos nagtago sila sa loob. Si Doug hawak ang kanang parte ng libro, si Cathy sa may kaliwa. Tumawa lang sila nang tumawa hanggang sa bigla silang napatingin sa isa't isa. Hindi nila alalam kung bakit hindi nila inaalis yung tingin nila sa isa't isa. Si Doug parang pinagaaralan yung features ng mukha ni Cathy, si Cathy naman kahit anong gawin niya parang may magnet na humahatak sa kanya sa mata ni Doug.

Nakatitig lang sila sa isa't isa, walang gumagalaw. Hindi nila maintindihan dahil parang biglang nawala lahat ng tao sa paligid, parang pakiramdam nila biglang tumigil ang oras.

They felt like nothing else matters... just them.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ba? Ito ba ang sinasabi nila?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ba? Ito ba ang sinasabi nila?

Ito ba ang 'soulmate bond'?

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon