Chapter 17

2K 138 75
                                                  

Chapter 17

"You—you guys are s-soulmates?"

Tinanong ni Bella habang nakatingin kay Cathy na nakaupo sa sahig at kay Doug na nakapwestong aalalayan na si Cathy.

'They're soulmates, he has found his soulmate.' Was the only thing that's running in Bella's mind.

Inalalayan ni Elix si Cathy na tumayo at nakita niya kung paanong bumagsak luha ni Bella noong makita niyang si Doug ang nasaktan noong natumba si Cathy.

Lumapit naman si Doug kay Bella pero nagpumiglas si Bella sabay sabing "I need time to process this, Doug." Sabay lakad paalis ng cafeteria.

Naiwan naman silang apat doon, tahimik, walang nagsasalita.

"M-May kailangan pala ako tapusin sa umm sa lab, alis na ako." Dahilan ni Cathy.

Hindi niya kayang magstay pa doon kasama si Doug dahil gusto na lang niya umiyak nang umiyak.

Hindi niya alam kung bakit ganito siya kamalas, ang gusto lang naman niya makilala ang soulmate niya, magsorry kasi clumsy siya at malamang ang dami nang naging injury nito, at mangako na dahil magkakilala na sila iingatan niya yung soulmate at magsasama sila nang masaya. Yan lang. Yan lang naman ang gusto niya, pero bakit ang gulo? Bakit ang sakit? Bakit ang komplikado?

Naglakad lang nang naglakad si Cathy, no exact place in mind where she's going. Hanggang sa mapadpad siya sa likod ng library, dead end.

"Cathy" May tumawag sakanya. Paglingon niya nakita niya si Elix.

"Hi, how's my pseudo soulmate feeling?" and Cathy felt like crying, so she did. Niyakap naman agad siya ni Elix.

"Oh, tama na. You know what will make you stop crying? I'll tell you something about Doug na matuturnoff ka. Alam mo bang umiihi pa rin siya sa kama kahit noong 7 years old na siya? Yeah, hindi siya cool." Natawa naman si Cathy at medyo nagsubside na ang luha niya.

"Tell me what you're feeling." Utos ni Elix, napabuntong hininga na lang si Cathy at nagsalita.

"I don't know to be honest. Hindi ko maintindihan sarili ko. Masaya ako kapag andiyan si Doug, masaya ako kapag isang tingin lang alam na namin yung gusto o iniisip ng isa't isa. Masaya ako. Pero... kapag sasaya ako, maiisip ko na hindi pwede, na hindi siya sa akin, na magkaibigan lang kami kaya bawal sumaya tapos magiging malungkot ako. Hindi ko na maintindihan kung anong dapat maramdaman. Hindi ko na alam if may karapatan ba akong sumaya, o deserve ko bang maging malungkot. Hindi naman ako in love sa kanya kasi paano? Hindi ko naman pa siya ganoon kakilala, pero bakit ganon? Bakit ang tindi ng emotions ko?" sabi ni Cathy.

"I think I understand everything. In our Universe, our bodies are trained to match with our soulmates. Kaya nga nararamdaman natin yung pain nila. Our bodies and our souls are connected. Before I saw Sofi I could not understand the concept, kasi duh mind over matter. If sabihin mo sa utak mo na wag, e di wag. Pero... when I saw her everything made sense. Everything got so much easier because I have her, and everything I can't do she does well, and she just... she completes me. And I bet that's how you and Doug are supposed to be."

Yeah, supposed to be. Pero hindi.

"I always watch you and Doug, and I've known them and Bella all my life, they're my bestfriends and I love them with all my heart, but... I know how hard they work sa relationship nila and it works because they've known each other their whole lives. Alam na nila kung ano yung ikakainis noong isa, or ikatutuwa noong isa. But... they worked so hard on it, buong buhay nila pinperfect yan. Pero yung sa inyo ni Doug, it just comes naturally kasi soulmates kayo."

Totoo, isip ni Cathy. Totoo dahil ilang linggo pa lang naman sila magkakilala ni Doug pero pakiramdam niya ang dami na niya alam sa kanya.

"Hindi mo ba nararamdaman yun? You have this 'instinct' sa kanya? Yung isang tingin niya lang alam mo na gusto niya? Because I have that with Sofi. I can sense when she's feeling stressed, happy, or sad. I just... I just know."

And Cathy knows. Hindi pa lang siguro ganoon katindi at kalakas katulad nila Elix and Sofi pero alam niya kung anong sinasabi ni Elix.

"I know, Elix. Pero wala akong magagawa. May mahal nang iba si Doug. At hindi ako yung taong maninira ng relasyon. Hindi nila dapat maranasan yun. And I don't deserve to just be a home wrecker. I deserve to be loved, Elix. Pero paano? Sa Universe A, we're wired to find our soulmates. Ewan ko nga ba sa Doug na yan bakit napakatigas ng ulo at talagang nahulog sa iba. Pero wala eh, late na ako eh. May nauna na. So, wala na. Tiis tiis na lang." Cathy said.

Elix hugged her dahil hindi rin alam ni Elix kung anong dapat gawin sa sitwasyon nila. Hindi dapat ganito kakumplikado pero nandito na.

"Maybe, find Bella's soulmate tapos baka siya ang meant for you? I don't know man. I bet her soulmate still exists. If her soulmate is going to be miserable just like you baka naman you can be there for him? I honestly don't know Cathy I'm sorry."

Hmmm, Cathy thought. Bella's soulmate? Oo nga ano? Asan na nga ba ang soulmate ni Bella? Kasi baka may point si Elix... baka ito talaga ang gusto ng tadhana, baka ito talaga dapat?

Paano kung soulmate ni Bella ang nakatadhana para kay Cathy? Paano nga ba? At kung oo, saan niya hahanapin ang soulmate ni Bella na baka para sakanya?

Pero ganoon na lang ba talaga? Hindi ba talaga si Doug ang para sakanya?

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon