Chapter 32

1.8K 71 18
                                                  




"Is this what we look like when we're doing PDA? Because damn, let's not do it again babe. Never. Ever. 🤢"

Elix ranted while looking at Cathy who's currently massaging Doug's back.

"You don't mean that, and look at them, they're cute!" sagot naman pabalik ni Sofi.

"Hindi kami nagpPDA, masakit lang ang likod nito ni lolo Doug kasi naman career na career ang pagprapractice sa basketball." Sabi ni Cathy habang patuloy sa pagmasahe sa likod ni Doug na mukhang relaxed na relaxed sa pwesto niya.

"One week na lang game na, and ang tagal kong walang practice dahil nagmatigas pa si Coach noon. Sobrang naghahabol tuloy ako ngayon." Rant naman ni Doug.

"Ang sabihin mo marupok yang mga buto buto mo. Talikod nga, akin na." sabay masahe pa rin ni Cathy.

"Can you guys get a room!?" angal ni Elix, pinitik na lang siya ni Sofi na tuwang tuwang panoorin yung dalawa.

"Why do I feel this light aura between you two? Parang may nag-iba? NAGMOMOL BA KAYO?" Gulat na tanong ni Sofi.

Si Cathy at Doug naman naubo na halos naeskandalo sa tanong ni Sofi. 😟😧😨

"Anong sinasabi mo diyan Sofi oh my god, magagalit ang nanay ko." Sagot ni Cathy.

"Strict din ang parents ko." Dagdag ni Doug.

Binatukan siya bigla ni Elix at sinabing "Boi alam ko ang kalokohan mo, at walang strict strict na ganap doon."

Sa narinig ni Cathy, she gave an accusatory glare kay Doug tapos sabay kinurot nya yung nasa loob na laman sa may biceps niya para masaktan si Doug.

"ARAY! Tf? Para saan yun?!" tanong ni Doug kay Cathy.

"Wala lang. Gusto ko lang mangurot." Kunwaring hindi naasar na sagot ni Cathy.

"Kung nagseselos ka sabihin mo lang hindi yung may pananakit Cathy. Kung gusto mo namang ikiss kita eh sabihin mo lang, malakas ka naman sa akin." Sabay kindat ni Doug na may kasama pang pagbasa ng mga lips niya.

"Kadiri ka, lumayo ka nga sa akin isa kang masamang espiritu." Namumulang sagot na lang ni Cathy.

"Excuse me?! Ako? Masamang espiritu? Swerte mo naman huy."

"Swerte? Bakit? Utut mu. Paano ako naging swerte sa'yo eh ako pa nga nagmamasahe sa'yo—"

"—And they'reeee back." Singit ni Sofi. "Kala ko naman all peace and quiet na tayo rito, and honeymoon phase na. Sweet na eh."

"Jininx mo babe." Dagdag ni Elix. "Oh well, pero Cathy, wag ka mag-alala gentleman naman yang kolokong yan. Minsan nga sobrang BAGAL pa. So kung gusto mong may mangyari... ikaw na gumalaw. Wink wink." Sabay nudge ni Elix kay Cathy.

"SOFIA YUNG SOULMATE MO NGA. KINDLY PUT HIM ON LEASH PLEASE BAKIT GANYAN YAN!?" tarantang pagrarant ni Cathy.

"Oh boy. Elix is ALREADY ON LEASH. Kung kilala mo yan bago niya nakilala si Sofi, nakupo mapapa Hail Mary ka." Sagot ni Doug sabay batok sa kanya ni Elix.

"Gago ka hoy—" sabay sunggab kay Doug at tuluyan na nga silang nag ala wrestling doon.

Pinigil naman agad sila ni Sofi kasi si Doug and Elix nga ang nagwrewrestling pero si Sofi and Cathy ang nasasaktan. Lumapit naman agad si Doug kay Cathy para ituloy ang pagmamasahe ni Cathy kay Doug.

Si Sofi biglang tumingin lang kay Cathy tapos nagsmile. 

"What?" tanong ni Cathy.

"Wala lang, I like seeing you happy. You're glowing. I like it. ☺️ " Sagot ni Sofi.

She's truly happy for her bestfriend na finally tapos na ang 'angst' period nila ni Doug. At kahit hindi aminin noong dalawa, alam niyang may gumaan, alam niyang may nag-iba na sa kanila, whether they're too stubborn or too shy to admit it.

"But, anyway, the game is this Friday... so manonood ka ba Cathy?" mahinang tanong ni Doug kay Cathy na parang nahihiya.

"AGUY SI PAREKOY NASHASHY PA. IBANG KLASE. OH OH! NAMUMULA MULA PA ANG CHEEKS." Asar na naman ni Elix.

"Alam mo kapag hindi ka tumigil hindi ka makakalaro sa Friday." Banta ni Doug.

"At sino ang sasaktan mo? Si Sofi? Hindi mo kayang saktan si Sofi para ako ang makaramdam." Pagyayabang pa ni Elix.

"Hindi, ikaw ang sasaktan ko para si Sofi ang masaktan. Oh ano gusto mo yon? Ano?" Sagot pabalik ni Doug.

"Lul, masaktan na lahat huwag lang si Sofia ko." Sabay marahang higit ni Elix kay Sofi para yakapin siya.

"Yuck." Sagot na lang ni Doug.

"Inggit ka lang boi. Yan oh, yakapin mo si Cathy." Sabi ni Elix habang nakacuddle kay Sofi.

"Mainit. Wag mo ko hawakan." Sabat naman ni Cathy.

"Ain't she the sweetest????" sarcastic na sagot ni Doug sabay turo kay Cathy na parang pinagmamalaki niya.

"No, but Doug, I'll be there. Siyempre gagawan pa nga kita ng banner hindi ba? Ilalagay ko 'Galingan mo unggoy'?" asar ni Cathy sabay laro sa chin ni Doug na parang tuta.

"Suddenly I don't want you there anymore." Doug pouted. Parang bata, Cathy thought, but she's endeared. Oh boy was she endeared.

"I'll be there. Of course. For you." Then there was a moment of silence where the both of them were just staring at each other's eyes and smiling.

But that moment was ruined when Elix shouted...

"OH MY FREAKING GOD GET A FREAKING ROOM!"

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon