Chapter 24

2.9K 149 57
                                                  

Bella:
Cathy? Hi r u busy?
Can we talk?

What does she want? Cathy immediately thought. Don't get her wrong, she doesn't HATE Bella, she's just not very fond of her. No. Hindi na magpapakaplastic si Cathy para sabihin na hindi masama loob niya kay Bella kahit konti kasi siya yung napili ng soulmate niya. Pero kasalanan ba ni Bella? Hindi. Pero kasalanan ba ni Cathy na hindi niya gusto si Bella? Hindi. So walang mangingialam.

Cathy:
Bakit?
Ok lang naman. Saan?

Bella:
Caf na lang? 5:00PM after class?

Cathy:
Oks sige

Bella:
Thank you

Buong araw hindi mapakali si Cathy. Ano na naman bang mangyayari? Sinusubukan niyang maging okay, bakit maguusap na naman? Pwede bang tigilan na nila si Cathy? Nananahimik na siya.

Pero okay na ba si Cathy? Malamang hindi. Pero sinusubukan ba niya? Sobra.

Hanggang sa mag 5:00PM na at naglalakad na siya papuntang cafeteria, at nakita na ni Cathy si Bella na nakaupo doon. Magisa lang siya? Wala si Doug?

Oh bakit hinahanap mo ha, Cathy? Tumigil ka nga.

"Bella." Tawag ni Cathy. Ngumiti naman sa kanya si Bella. Umupo na lang si Cathy doon.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I know we don't really like each other that much..." Nagulat si Cathy kasi sobrang straightforward ni Bella. Come to think of it, hindi pa naman sila naghahangout talaga kaya hindi niya alam ang ugali ni Bella. Baka unfair din na hindi niya gusto si Bella pero hindi pa niya talaga ito kilala, pero si Bella na din nagsabi hindi niya masyadong gusto si Cathy.

"Do you love Doug?" Muntik nang mapa 'what the fuck' si Cathy sa tinanong ni Bella. Anong problema ng babaeng 'to??? "Because I love him, Cathy."

Sinamaan na nang tingin ni Cathy si Bella.

"Bella, kinausap mo ba ako para maboost yang ego mo? Para ipamukha sa akin na ikaw ang pinili ng soulmate ko? Na ikaw ang mahal niya? Kasi kung oo, pwede bang wag nating sayangin ang oras ko? Hindi nakakatuwa." Inis na sabi ni Cathy, magwawalkout na dapat siya pero biglang ngumiti si Bella.

"I know I don't like you because you're Doug's soulmate, but I really like you as a person Cathy." Nagulat na lang si Cathy... ummm wow okay, thank you?

Huminga nang malalim si Bella, nahalata ni Cathy na nangingilid yung luha niya. Anong nangyayari?

"Mahal ko si Doug, Cathy. Sobrang mahal. Pero... hindi sapat eh. Hindi ako yung soulmate niya."

Tiningnan lang ni Bella si Cathy na parang kung sana kaya niyang maging si Cathy gagawin niya, kung kaya niyang maging soulmate ni Doug ibibigay niya lahat.

"Oo, pero ikaw ang mahal niya. Anong silbi nang pagiging soulmate mo kung hindi ka niya pipiliin? Kung hindi ka niya bibigyan ng chance? Kung hindi ka niya ipaglalaban? Kung bigla bigla ka na lang bibitawan kahit wala pa naman siyang hinahawakan? Oo, ako ang soulmate, pero ikaw ang mahal niya Bella so what's your point?"

"My point is... kahit anong gawin ko, kahit ibigay ko sakanya lahat ng oras ko, kahit ibigay ko ang buong atensyon ko, kahit sa kanya ko ipaling ang mundo ko... hindi ako magiging sapat para kay Doug. Not in this freaking universe na nagdidictate sa atin kung sinong dapat mahalin. I know it's my fault, because the system was made to make everyone happy, pero matigas ang ulo ko nainlove ako sa lalaking hindi pwedeng maging akin."

Soulmates MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon