Enchanted 2: The Object Manipulator

13.2K 455 12
                                    

Cassie's POV

Hi! I'm Cassie Martinez. The object manipulator. Kaya kong controlin ang mga bagay-bagay. Pero hindi ko pa masyadong ginagamit ang enchant ko kaya minsan ay nawawalan ako ng control ditto at madalas makasira ng ibang bagay. And oo nga pala, besties na kami ni Megumi.

"Cass!" Sigaw ni Meg kaya napangiti naman ako.

"Tara na sa canteen." Pagyayaya niya kaya tumango ako saka na sumunod sa kanya.

Dumeretso na kami sa canteen. Napansin ko na nandoon din sila Shade and Brix.

"Meg tabi tayo kila Shade." Sabi ko sa kanya nang may malapad na ngiti pa para sana pumayag siya agad.

"Yoko nga." Agad niyang pag tanggi kaya naman napa pout ako.

"Dali na. Shade! Brix!" Pamimilit ko tapos sinigaw ko pa yung pangalan nung dalawa kaya napalingon sila dito sa direksyon namin ni Meg.

Si Shade ang sama nanaman ng tingin. Pero ganyan naman talaga yan eh hahaha. Habang si Brix naman ay todo ang ngiti. Opposite talaga ang dalawang yan. Lumapit na kami sa kanila, hila-hila ko si Megumi dahil ayaw niya talagang sumunod.

"Tsk." Maangas at tila ba naiinis si Shade nang Makita niya kami lalong lalo na si Megumi.

"Hi Megumi... and Cassie." Pabati ni Brix sa amin. Huwaw talagang dinugtong niya lang yung pangalan ko eh no?

"Ang galing mo naman." Iritado kong sabi sa kanya.

"Alis na tayo Cass." Bulong sa akin ni Megumi saka niya pa pilit na hinihila yung braso ko.

"Okay lang yan." Sabi ko naman sa kanya para naman may maka close na rin agad siya dito. Itong dalawa lang kasing to ang mga nakakausap ko kaya sila lang din muna ang makakausap ni Meg.

"Basta kapag may tumawag sayo huwag na huwag mo akong iiwan dito ha." Kabadong sabi sa akin ni Megumi kaya natawa naman ako ng mahina.

"Wala namang tatawag sakin ano ka ba." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Cassie! Kailangan ka namin sa laboratory." Bigla na lang lumitaw si Eve sa harapan namin saka niya na ako hinila palayo.

"Sabi ko huwag mo akong iwan eh!" Sigaw ni Meg na para bang naiiyak pa sa nangyari.

Teka pano niya naman nalaman na may tatawag sa akin? Baka naman future sight ang enchant niya? Alam ko yung may mga enchant na ganun ay sobrang gifted dahil kadalasan may royal blood. At madalas sabihin na nasa kanila yung Enchanted One. Ang kapangyarihan kung saan na aadapt ng enchanter ang lahat ng enchants na nasa paligid at lahat ng sasabihin ng enchanter ay masusunod or hindi kaya magkakatotoo. Wala pang lumilitaw na Enchanted One sa batch naming ngayon. Hindi nga namin alam kung may ganun pa ba eh.

Megumi's POV

Hindi ko alam pero bigla na lang akong may nakita kanina bago pa hilahin si Cassie paalis sa lugar na ito. Arg! Mag-isa na lang tuloy ako kasama ang dalawang lalaki na nandito.

"Hi Megumi." Pag bati sa akin ni Brix nang nakangiti pa ng todo.

"Umalis ka na nga rin." Iyon naman ang sabi sa akin ng masungit at maangas na lalaking bestfriend ni Brix.

"Aalis talaga ako kahit hindi mo sabihin." Iritado kong sabi sa kanya saka ko pa siya inirapan.

"Hala Megumi! Sandali!" Rinig kong sabi ni Brix pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy na sa pag-alis sa lugar na iyon. Sinundan nila ako pero halatang napipilitan yung Shade na iyon dahil nakahawak sa braso niya si Brix.

"Bakit ba natin siya hinahabol?" Iritadong tanong ni Shade kay Brix. I'm so pissed with that guy! Kung pwede lang sana hindi na ako ma involve sa kanya.

Nakarating kami dito sa tapat ng hagdan dahil bababa na kasi ako. Sa second floor kasi ng canteen kami pumunta ni Cassie kasi wala ng vacant sits sa first floor. Marami din kasi ang students dito.

Hindi ko maintindihan pero bigla na lang may nag flash na mga pictures sa isip ko. Parang ako yon tapos nalaglag ata ako sa hagdan kaya naman bigla akong kinabahan. Sumakit na lamang bigla yung ulo ko nang makarinig ako ng kakaibang tunog. Parang flute, tapos parang may hangin na bigla na lang tumulak sa buong katawan ko kaya nawalan ako ng balance ang alam ko na lang pabagsak na ako.

"Sakamoto/Megumi!"

Cassie's POV

Pumunta agad ako ng clinic nang mabalitaan ko yung nangyari kay Megumi. Dinala daw nila Shade si Megumi sa clinic dahil bigla na lamang itong nalaglag sa hagdan. Hindi pa nga rin siya nagigising dahil mukhang malakas yung pagkakatama ng ulo niya sa sahig.

"Brix ano bang nangyari? Paano siya nalaglag sa hagdan?" Tanong ko kay Brix dahil hindi ko talaga maintindihan kung paano biglang nalaglag si Megumi.

"Hindi ko alam. Nakaramdam na lang ako bigla nang hangin tapos nakita ko na lang na nawalan na ng balance si Megumi tapos bigla siyang nalaglag sa hagdan." Pagpapaliwanag ni Brix. Hangin? Isang tao lang ang kilala ko na may Wind Enchant sa batch namin. Alam ko rin na parang mainit ang dugo ng taong iyon kay Megumi. Hindi pa ako sigurado kaya naman hihintayin ko munang magising si Megumi.

"Tsk." Yun lang ang narinig ko mula kay Shade saka ko napansin na napayukom yung isa niyang kamao. Naiinis ba siya ngayon?

"Cass?" Napalingon ako kay Megumi nang marinig ko siyang magsalita. Nakahinga ako nang maluwag nang Makita ko na gising na siya.

"Meg okay ka lang ba? May masakit pa ba sayo? Pano ka nalaglag? Nahihilo ka ba kanina?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya kaya naman napangiwi siya pero napatawa rin.

"Kalma ka lang Cass. Okay na ako, pero baka sumakit ulo ko dahil sa sunod-sunod mong mga tanong." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi ko talaga alam yung nangyari kanina. Basta nakarinig na lang ako ng tunog ng flute na nagpasakit sa ulo ko. Tapos para bang tinulak ako nung hangin kaya nalaglag ako sa hagdan. Alam kong parang walang sense tong sinasabi ko, pero yun yung nangyari." Paliwanag niya sa akin. Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko.

That bitch!

Lumabas na ako nang clinic pagkatapos sabihin ni Megumi iyon.

"Cassie!" Si Brix and Shade ay nakasunod sa akin.

"Calm down!" Sigaw sa akin ni Shade. He knew about it. Kaya nakayukom yung kamao niya kanina kasi na realize niya kung ano ba talaga yung totoong nangyari. Alam niyang sila Madison ang may pakana nun. Si Madison lang naman ang may enchant na Wind ngayon eh dahil isa siyang Harpy. Tapos si Muse naman yung gumagamit ng flute, sound manipulation kasi ang enchant niya. They're really getting on my nerve!

"Hahaha! Buti nga sa babaeng yun." Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga halakhak at tila ba lalo akong nainis ng makilala ko kung kaninong boses iyon.

"Masyado kasing feeling close kila Shade at Brix." Sabi naman ni Muse na napaka arte magsalita.

"So kayo nga talaga yung may gawa nun?" Napahinto sila sa pag-uusap nang bigla akong sumabat sa kanila. Hinawakan ako ni Brix sa braso para pigilan ako sa balak kong gawin.

"So what weakling? Kala mo naman kaya mo kami." Maarteng sabi ni Madison saka pa siya nag smirk sa akin.

Hindi ko na napigilan yung galit ko. Nakita na lang nila na nagsi-lutangan na yung mga gamit sa paligid.

"S-Stop it you weakling!" Sigaw ni Madison sa akin na para bang kinakabahan siya ng sobra.

But it's too late. Unti-unti ko nang naramdaman yung pagbabago sa pakiramdam ko. Nararamdaman ko na yung pag flow ng powers sa buong katawan ko. It's as if I became another person.

Then I did it...


TO BE CONTINUED...


Hahaha! Super corny talaga pero wala eh ganto yung flow nung story and inaayos ko lang ng konti hahaha. Please Support the sequel entitled as Demon Inside and follow me na rin kung gusto niyo hehe. 

Enchanted High (Academy of Magics)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن