Enchanted 4. First Mission

12.1K 412 14
                                    

Megumi's POV

Napahampas ako sa braso ko na kanina pa kinakagat ng mga insekto. Nakakainis kasi napakaraming insekto sa gubat na ito. Namumula na yung balat ko kakakamot.

"AAAAHHH!" Sigaw ko saka ako napatakbo sa direksyon ni Brix dahil bigla na lang may lumipad na malaking insekto sa direksyon ko.

"Tsk. Paano yan makakagawa ng mission kung sa insekto pa lang taob na." Masungit na sabi nung Shade saka pa siya umirap. Kainis! Laki nanaman ng problema ng lalaking to sakin. Kala niya naman ginusto ko na mapasama sa mission na ito.

"Huwag kayong mag-alala. Tutuloy tayo sa bahay ng mga-" Bago pa matapos ni Cassie yung sinasabi niya ay bigla na lamang may mga nagliparan na mga uwak sa paligid namin, na naging dahilan ng pagkagulat namin.

"As I was saying, tutuloy tayo sa bahay ng mga Johnsons." Pagtuloy ni Cassie doon sa sinasabi niya. Anuyon? Factory ba ng pulbo ang pupuntahan namin?

"At nandito na tayo." Nakangiti niyang sabi sa amin saka pa tumingin sa direksyon nung napakalaking bahay. Hindi kaya ako nananaginip? Pero sa totoo lang parang ang creepy nung itsura nung mansion na iyon. Pumasok na si Cassie sa gate kaya naman sumunod na kami sa kanya.

Nang kumatok siya sa pintuan ng mansion ay bigla na lang itong bumukas. Ang creepy pa ng tunog nung pintuan. Tama ba talaga tong lugar na ito?

"Our mission begins here." Bulong ni Cassie na lumikha ng maraming katanungan sa isipan ko.

"Sure ba kayo na dito talaga iyon?" Hindi naman sa naduduwag ako ha. Pero ang weird kasi talaga ng place na ito tsaka nakakaramdam ako ng goosebumps.

"Coward." Nakangising sabi ni Shade kaya inirapan ko naman siya. Kulang sa pansin eh. Nakakainis lang kasi I have a fear, fear of the dark. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yon, ang alam ko lang, I hate it.

Pumasok na kami sa loob. Bumilis yung tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Pagkasara namin doon sa pinto ay bigla na lang humangin ng malakas dito sa loob na sobrang weird, tapos bigla na lang may humila kay Cassie palayo sa amin.

"Cassie!!" Sigaw ko. Anong nangyayari?! Sabi na nga ba hindi dapat kami pumasok dito eh.

"Aaaah!!" Sigaw ni Cassie bago pa siya mawala, dahil sa takot ko napahawak ako bigla kay Brix. Pakiramdam ko maiiyak na ako. Nasaan na napunta si Cassie?

"Cassie! Nasaan ka?!" Sigaw nila Shade at Brix na tila ba ay kinakabahan na rin sa nangyayari. Paano ba naman kasing hindi kami kakabahan kung bigla na lang may hihila sa kasamahan namin? Bakit ba kasi wala akong magawa?!

"Kumalma ka Megumi." Sabi sa akin ni Brix nang mapansin niya na iba na yung way ng paghinga ko. Nagpapanic na ako ng sobra sobra.

Hahawakan pa sana ako ni Brix pero bigla na lang siyang natumba sa sahig tapos may humila na din sa kanya palayo. Tanging sigaw niya na lang ang narinig ko, napatakip ako sa tenga ko. I'm so useless and scared. Tama nga ata si Shade, I'm a coward.

Sobrang dilim. Wala akong Makita sa paligid, tapos humahagulgol pa ako. Ano ba naman kasi to? Ganito agad yung first mission ko? Hindi ba dapat madali lang mga first mission?

"S-Shade." Hindi ko naiwasang banggitin ang pangalan ng masungit at maangas na lalaking iyon dahil takot na takot na talaga ako ngayon.

"Tumigil ka na nga sa pag-iyak mo." Bigla kong naramdaman na may humawak sa akin, at narinig ko rin yung naiinis na boses ni Shade. Pero hindi pa rin ako napatigil sa pag-iyak ko.

"S-Si Cassie a-at Brix. N-Nawawala na sila." Nauutal kong sabi sa kanya. Pakiramdam ko hihikain ako sa sitwasyon na to eh. Hinila lamang ako ni Shade papalapit sa isang pader saka siya lumikha ng apoy na nagsilbing liwanag naming dalawa, saka siya umupo sa sahig.

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now