Enchanted 6: I will Protect You

11.9K 470 13
                                    

 Sabi nung nurse sa akin ay magpahinga na daw ako. Teka lang kakagising ko lang tapos magpapahinga nanaman ako? Baka masobrahan na ako sa pahinga neto. Pero sabagay gabi na rin kasi. Pinikit ko na lang yung mga mata ko, nagbabakasakaling dadalawin ako ng antok.

Unti-unti na sana akong dinadalaw ng antok, kaso bigla na lang akong nakarinig ng weird na tunog. Pinilit ko ang sarili ko na huwag dumilat dahil baka imagination ko lang iyon at tunay na nakakatakot sa mga ospital. Pero dahil patuloy pa rin ang weird na tunog na iyon ay dinilat ko na yung mga mata ko saka pinagmasdan yung buong kwarto.

"Shit." Sa salitang yun ay napabangon na ako.

"Sinong nandiyan?" Malaki ang kwarto na kinalalagyan ko ngayon, si Grandpa kasi ang nagsabi na dito raw ako ilagay. Pero sa totoo lang ayoko dito dahil mag-isa lang ako tapos napaka dilim pa huhu. Baka mamaya may nagbabalak na palang pumatay sa akin.

Muli kong pinalibot ang paningin ko, then doon ko siya nakita. Ang dami niyang band aid sa mukha tapos mukhang may bali pa yung kamay niya, napalingon ulit ako sa mukha niya.

"Tsk." Yun lang ang sinabi niya tapos iniwas niya yung tingin niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako. May balak ba siyang patayin ako?

"Bakit nandito ka? Gabing gabi na ah." Sabi ko sa kanya. Baka mamaya may balak talaga to na patayin ako ha.

"Nagkamali lang ako ng kwartong pinasukan." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya saka pa ako napalingoon doon sa nakabukas na bintana.

"Huwag mong sabihing diyan ka galing?" Tanong ko sabay turo pa doon sa bintanang bukas.

"Diyan nga." Sagot niya naman. This guys... Napaka weird niya talaga hindi mo mababasa kung anong tumatakbo sa isipan niya.

"May pintuan naman." Sabi ko na lang.

"Mapapansin nila ako." Nagtataka ako ngayon, alam niyo ba kasi na ngayon ko lang nakausap ng ganito katino ang lalaking ito? Madalas kasi na sinusungitan niya lang ako tapos nilalait at sinasabihan ng masasakit na salita tapos ang ikli pa ng mga sasabihin.

"Nasaan si Shade?!" Sigaw ko sa kanya. Baka mamaya isang shapeshifter ang taong ito at niloloko niya ako gamit ang itsura ni Shade.

"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Ibalik mo yung masungit at maangas na lalaki na yun." Sigaw ko pa kaya binigyan niya naman ako ng bored look saka pa siya napabuntong hininga.

"Oo nga pala, saan nanggaling yang mga sugat mo?" Taka kong tanong sa kanya, imbes na sagutin yung tanong ko ay umiwas lang siya ng tingin kaya lalo naman akong nagtaka.

"Wala. Aalis na ako." Sabi niya, bale maiiwan nanaman akong mag-isa sa Malaki at madilim na kwarto na ito.

"Don't tell me diyan ka ulit dadaan?" Tanong ko sabay turo pa doon sa bintana. Tumango lang siya sa akin saka na sana siya aalis.

"T-Teka." Pagpigil ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin pero ngayon ay nakangisi na siya. Parang alam ko na yung sasabihin nito.

"Natatakot ka ba Sakamoto?" Nakangisi at tila ba natutuwa niyang tanong sa akin.

"H-Hindi no! I lock mo na lang yang bintana baka mamaya may ibang weirdo pa na pumasok diyan." Utos ko sa kanya saka ko pa iniwas yung tingin ko dahil nakakainis siya.

"Don't worry. I will protect you." Hindi ko na narinig yung huli niyang sinabi at hindi ko na rin natanong pa dahil naka alis na siya.

Baka naman, 'Don't worry. Maraming multong nakabantay sayo'? Oh shit! Napatalukbong ako ng kumot dahil doon sa naisip ko. Bakit ko ba tinatakot ng sobra yung sarili ko? Humiga na lang ako saka na sana matutulog ang kaso hindi sinara ni Shade yung bintana kaya nararamdaman ko yung ihip ng malamig na hangin. Bwisit talaga ang lalaking iyon!

Enchanted High (Academy of Magics)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें