Enchanted 14. Don't Leave...

8.2K 321 15
                                    

Papalapit na ng papalapit ang mukha sa akin ni Dwayne, hindi ko pa rin ma control yung katawan ko. Pakiramdam ko hindi na ako mananalo kahit ano pa yung gawin ko.

My eyes became wide open nang Makita ko na nabalot ng pulang apoy ang buong katawan ni Dwayne. Nag-iba yung itsura nitong lugar, kung kanina mukhang magandang lugar, Ngayon ay nagmukhang abandunadong mansion, pero nandoon pa rin yung mga spirits at demons.

"Megumi." Narinig kong may sumigaw, saka ko napansin na kaya ko ng igalaw yung katawan ko. Nawala na yung spell na nilagay sa akin ni Dwayne.

Nakita ko na si Cassie pala yung sumigaw sa pangalan ko. Kasama niya sila Brix at malamang si Shade rin. Lalapit na sana sila sa akin kaso agad silang binato ni Dwayne ng bolang apoy saka niya ako hinila palayo.

"Hindi ko inakala na mahahanap niyo kami." Panimula ni Dwayne saka niya pa pinunasan yung dugo sa noo niya.

"Pero oras na mahalikan ko siya, wala na kayong pag-asa!" Sigaw ni Dwayne saka pa siya tumawa.

Pagkatapos niyang tumawa ay nakita ko na lang na marami pang spirits at demon ang nagsidatingan, tapos ay sinugod ng mga ito sila Cassie.

Naramdaman ko yung paglakas ng pagkahawak ni Dwayne sa braso ko. Mukhang naiinis na siya sa mga nangyayari.

"Akin ka na Megumi." Sabi niya saka niya na nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi nanaman ako makalayo dahil humihigpit ng humihigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko makakalas na iyon kapag nagpumilit akong lumayo.

"She belongs to me!" Rinig kong sigaw ni Shade saka niya ako inagaw mula kay Dwayne. Nakita ko nanaman yung galit sa mukha ni Dwayne. Mukhang inis na inis na talaga siya sa nangyayari ngayon.

"Kailan siya naging sayo Shade? Ako ang reincarnation ni Damon! Hindi ikaw!" Sigaw ni Dwayne saka nagpaulan ng mga itim na apoy sa paligid. Nagulat ako sa ginawa niya, marami ring demon at spirits ang nandito. Okay lang ba sa kanya na masaktan lang din sila?

Napahinto ako sa napansin ko. Yung babae kanina, yung babaeng nakangiti at pamilyar ang presensya. Matatamaan na siya ng apoy, hindi ko alam pero kusang kumilos yung katawan ko saka ko sinalo ang itim na apo na iyon.

Then I saw blood. Too much blood coming out from me. Nakita ko kung paano manlaki yung mga mata nung babaeng niligtas ko saka pa may mga luha na tumulo mula roon. Why do I feel like this? Bakit parang siya yung taong matagal ko ng hinahanap?

"M-Megumi!" Rinig kong sigaw nila, napaupo na lang ako dahil nanghihina na yung katawan ko. Nakita ko na lang na nanginginig na yung babaeng tinulungan ko.

"Anak ko." Ngayon naman ako yung nagulat dahil sa mga binitawan niyang salita. A-Anak?

"Tita." Sambit ni Cassie.

Nanlalabo na yung paningin ko. Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman. Para bang masaya ako na hindi ko maintindihan. Masaya ba ako na tinawag niya akong anak? Or malungkot ako kasi tinawag niya ako nun?

Tumayo ako, kahit masakit naglakad ako palayo sa kanya. Ayoko na. Sawa na akong maloko ng buong mundo. Kung mamamatay ako ngayon, mas matutuwa pa ako. Mababawasan na yung mga pabigat sa mundo.

"Megumi." Napalingon ako kay Dwayne na hanggang ngayon ay gulat pa rin dahil sa ginawa ko.

"B-Bakit mo ginawa yun?" Nauutal niyang tanong sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Alam ko namang hindi siya masama. Napakabait niya sa akin nung mga bata pa lang kami. Lagi niyang iniisip yung kapakanan ko bago pa yung sarili niya. Ako lang talaga yung naging masama, hindi ko siya pinapansin. Laging si Shade ang nasa isip ko noon.

"Dwayne." Pagkasabi ko nun ay bigla akong naubo ng dugo. Nanginginig yung kamay ko nang tignan ko yung dugo na nanggaling sa bibig ko. Doon ko rin napansin na unti-unti ng naglalaho yung mga paa ko. Hindi ko nanaman naiintindihan ang nangyayari ngayon.

"M-Meg! You're disappearing." Lumapit sa akin si Cassie nang mapansin niya iyon. Muli nanamang may lumabas na dugo mula sa akin.

"You lose too much magic. Kaya siguro naglalaho na yung katawan mo." Sabi naman ni Brix na hindi pa rin ata makapaniwala sa nakikita niya.

Nang Makita ni Dwayne yung nangyayari ay napaupo na lang siya sa sahig saka pa siya sumigaw, na para bang napakalaking kasalanan nung nagawa niya.

"M-Megumi." Ngayon naman ay si Shade na yung tumawag sa akin. May mga luha na ang mga mata niya. Nakakatawang isipin na kaya ko palang paiyakin ang masungit at maangas na si Shade Ramirez.

"Don't leave me please." Pagmamakaawa niya sa akin saka pa siya lumuhod sa harapan ko. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak dahil sa ginawa niya.

"Tumayo ka Shade." Sabi ko pero hindi niya iyon pinakinggan at nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

"Makakagawa naman ng paraan ang grandma mo diba?" Bakas na ang takot at panic sa boses ni Cassie nang sabihin niya iyon.

"Huwag mo kaming iwan."

"Magkaibigan tayo diba."

Napahinto ako sa mga narinig ko. Sila yung mga students ng EH. Napaluha nanaman tuloy ako. Mawawala na ba talaga ako? Iiwan ko na ba talaga silang lahat?

Nang mapansin nila na ilang oras na lang ay maglalaho na yung buong katawan ko ay napaluha na rin sila. Agad naman akong niyakap ni Shade ng mahigpit.

"Huwag please. Don't leave me all alone again." Sabi ni Shade at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nararamdaman ko kung gaano siya nasasaktan ngayon, pero wala na akong pag asa. At pagkatapos nun ay tuluyan ko na silang hindi nakita.

Shade's POV

Napasabunot ako sa buhok ko nang tuluyan ng maglaho si Megumi sa mismong harapan naming lahat, at wala man lang akong nagawa para pigilan iyon.

Kung kailan nakasama na ulit namin siya. Kung kailan nasa akin ka na ulit, saka ka naman nang iwan.

"Shade..." Naramdaman kong hinawakan ako ni Cassie. Umiiyak na rin siya, alam kong sobrang sakit para sa aming lahat yung nangyari.

"Hahanapin ko siya." Napalingon kami doon sa babae kanina na naging dahilan kung bakit naglaho si Megumi.

"Paanong hahanapin?" Takang tanong ni Brix.

"Ina niya ako, at nararamdaman kong buhay pa siya. Hintayin niyo lang, babalik siya. Ibabalik ko siya." Sabi nito.

"Hintayin mo ako ha."

Yun yung sinabi sa akin ni Megumi dati. Kaya ko naman ulit gawin yon. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal, basta alam kong babalikan mo ako. Okay lang basta makikita ko ulit yung masaya mong mukha.

Yung mga ngiti na lagi mong suot-suot.

"Shade tandaan mo, babalikan kita."

Dahil nangako ka. Na magkikita muli tayo kahit gaano pa katagal ang panahon na lumipas, nandito pa rin ako at ang iba pa para salubungin ka ng may ngiti sa aming mga labi.

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Saka ako tumingin sa langit, ngumiti ako nang maalala ko yung mukha niya. Hihintayin kita Megumi.

TO BE CONTINUED...

This is so lame parang gusto ko na tuloy I delete hahaha. Bakit ba kasi ako gumagawa ng kung ano ano nung bata pa ako jusq hahahha 

Enchanted High (Academy of Magics)Where stories live. Discover now